Chapter 677: FAMILY? DAY

71 8 1
                                    

🏰DARYLLE🏰

Habang naglalaba ang taga-laba namin ay sinabayan naman namin ng linis. Si Mama mismo ang nagyaya habang nandito raw si Tito Morgan—ang aming taga-buhat. Ayaw kasi nitong umuwi, kaya natatawa kami ni Ate.

Hindi naman sa nagiging abusada, pero mas okay ako na nandito siya. Tama si Ate. Sa dami nang nangyari sa amin ngayong linggo, hindi na namin alam kung ligtas pa ba kami rito. At least kapag nandito si Tito Morgan ay nakakahinga kami nang maluwag.

"Saan ito?" tanong ni Tito habang buhat ang couch.

"Diyan mo lang, wawalisan ko lang dito."

Itinabi na ni Tito ang couch habang si Mama naman ay nagwalis na. Ako naman ay hinawakan ang dustpan at ang garbage bag; si Ate ay nag-mop sa parteng nawalisan ni Mama.

Tulong-tulong kami kaya mabilis kaming nakatapos. Tirik na tirik din ang araw kaya kinahapunan ay natuyo ang sinampay namin. Ang taga-laba na rin ang nagplantsa ng uniform namin at kami naman ay tumulong sa pagtupi.

Si Mama kasi ay busy sa pagluluto ng merienda. At si Tito? Busy manggulo sa bugnutin naming ina.

Magagaliting ina...

"Isa Morgan!" banta ni Mama. Natatawa na lang kami ni Ate habang naririnig sila.

"Iakyat ko na 'tong damit ko." Binuhat ko ang laundry basket kung nasa'n ang mga damit ko. KKT kasi kami, as in kaniya-kaniyang tupi ng damit. Maski si Mama ayaw niyang kami pa ang nagtutupi ng damit niya.

"Darling sa 'yo yata 'to?" Iniladlad niya ang panyo ko na nasama sa mga gamit niya.

"Ay oo," ibinaba ko muna ang basket at sinigurong hindi 'yon malalaglag sa hagdan. "Thank yow," sabi ko nang maabot 'yon. Patakbo akong umakyat para maalalayan ang laundry basket. Binuhat ko 'yon ulit at dumiretso na nang akyat.

Pumasok ako sa kuwarto at inayos ang mga damit ko. Habang nagliligpit ay nagkakabisa rin ako. Sa Wednesday na ang simula ng exam, kaya naman kailangan ko nang mag-review nang matindi.

Ayaw kong bumaba sa ratings sa exam dahil siguradong mag-aalala si Mama. Iisipin niyang naaapektuhan ang pag-aaral namin at ayaw kong mangyari 'yon. Masiyado na siyang maraming problema at ayaw ko nang dagdagan.

Napahinto ako nang bahagya nang makalimutan ang term na kanina ay nakabisado ko na. Medyo mahirap kasing bigkasin 'yon kaya mahirap ding tandaan.

"Mamaya na nga lang," pagsuko ko. Kapag tinignan ko 'yon ngayon sa book ay walang kuwenta ang review ko. Pasasaan pa't mamaya lang ay maaalala ko rin 'yon.

Bumaba ako at tinulungan silang mag-ayos ng mga ginamit na hanger. Wala na ang taga-laba namin, dahil umuwi na raw. Nai-sharon na lang ang merienda na gawa ni Mama dahil aasikasuhin niya pa raw ang mga anak niya.

"Tara na, mag-merienda na tayo girls," yaya ni Tito Morgan. Inihain niya sa mesa ang pizza roll na ginawa nila ni Mama. "Tikman nito 'tong gawa ko."

"'Kala mo talaga eh oh." Pinandidilatan siya ni Mama ng mata. "Dalian mo, kumain ka na diyan para makauwi ka na."

"Bukas na ako uuwi."

"Ikaw puro ka bukas?!"

Natawa na naman kami ni Ate. Galit na galit na kasi si Mama sa kaniya, dahil ayaw niyang umuwi kahit kahapon pa siya pinauuwi.

"Bukas nga, totoo na talaga 'to."

"Ano'ng gagawin mo rito?"

"Magpapahinga, napagod kaya ako. Bigat ng sofa mo oh." Nagsimula nang kumain si Tito kaya sumunod na kami ni Ate. Si Mama naman ay nakakunot ang noo at halatang inis na inis na.

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon