Chapter 604: NEW FRIEND

83 15 8
                                    

🏰ALEX🏰

'Wag mangha-hug ng ibang guy, si Kuya Luke lang ang p'wede. 'Yan ang itinanim ko sa isip ko, dahil 'yan ang sabi sa akin ng Kuya ko. Hindi raw p'wedeng mang-hug, kahit sina Papa o si Kuya ReiRei, bawal na. Si Kuya Luke lang talaga ang p'wede.

Pupungas-pungas ako nang bumangon, dahil talagang napasarap ang tulog ko. Kada gigising ako ay nandito na ako sa kuwartong pinahiram sa akin ni Mommy. Naisip kong binubuhat o hinihila ako ni Kuya Luke—alin lang sa dalawa, pero dahil gunggong siya malamang hinihila niya lang ako.

Demonyo 'yon eh...

Masaya ako nang bumangon, pero habang nagsisipilyo ako ay naalala ko ang sinabi ni Mommy kahapon. Nakiusap siya kung p'wedeng 'wag daw muna akong lalabas ngayon, dahil may bisita raw sila.

Bigla tuloy akong napabusangot. Sa true-true-o lang, hindi ko alam kung paano ko isu-survive ang araw na 'to. Walang pinagkaiba sa dati kong buhay, 'yong nakakulong lang at bawal lumabas.

Nakaramdam ako ng lungkot, dahil ang buong akala ko ay mapapalitan ng saya rito ang saya ro'n sa labas—pero hindi pala. Iba pa rin talaga ro'n. Iba pa rin mag-alaga si Mamaw.

Wala sa sarili akong napaluha, dahil nalulungkot na talaga ako. Nami-miss ko na ang dati kong buhay. Nami-miss ko na sila Tita, sila Kuya, ang mga Papa ko, si Babe, mga kamag-libre ko, sina MU at siyempre ang mga fans ko.

Kailan kaya ako makakabalik? O makakabalik pa kaya ako?

Muling nanumbalik sa akin ang mga nangyari nitong nakaraang araw. Kung titignan ay ang bilis lang ng panahon, pero ang daming nangyari. Noong isang araw lang ang saya-saya pa namin nila Mamaw, ngayon hindi ko na sila makita.

Alam kaya nilang nandito ako? Kukunin pa kaya nila ako? O baka ibalik nila ako sa...

Ayaw ko!

Naikuyom ko ang kamao ko, dahil naalala ko na naman ang mukha ng Diwata na 'yon. Hindi na ako natutuwa sa kaniya. Ayaw ko sa kaniya! Hinding-hindi na ako babalik doon sa bahay na 'yon, kay Mamaw na lang ako uuwi.

Sasabihin ko kay Mamaw 'pag nagkita kami ulit, sakay na kami ng airplane tapos punta na kami sa malayo para hindi na ako makuha ni Diwata. Ayaw ko talaga kay Diwata, mas gusto ko si Mamaw.

"Alex?" sunod-sunod na katok ang nagpabalik sa akin sa reyalidad ng buhay. Muling ipinamukha sa akin ang katotohanang nandito na naman ako't nakakulong.

Bakit kaya bawal akong makita ng iba? Masama ba ako? Pangit ba ako?

"Alex, papasok na ako ha?"

"Yes yes yow," sagot ko. Nawala lahat ng sama ng loob ko, dahil nakakita ako ng pagkain. Agad kong nilapitan si Yaya Eve. "Akin po 'yan?"

"Yes po, breakfast mo po."

"Wow, thank you po." Niyakap ko nang mabilis si Yaya. Baka kasi mabitawan niya ang dala niya 'pag tinagalan ko.

"Naku, napaka-sweet mo talagang bata ka." Pinanggilan niya na naman ang cheeks ko. Grabe na talaga, nakakarami na siya. "Oh dali na, kain ka na muna at baka sundan ako ni Guiven dito."

"Nino po?" Hinawakan ko ang baso at tinignan si Yaya nang diretso. Hinahantay ko ang magiging sagot niya.

"Ni Guiven, 'yong batang iniwan dito, kaya hindi ka p'wedeng lumabas." Inilapag niya ang lahat ng dala sa ibabaw ng mesa bago inilipat ng kinalalagyan ang tray.

"Sino po 'yon?" Ngayon ko lang narinig ang gano'ng pangalan. "Kaanu-ano po nila 'yon?"

"Anak 'yon ng kaibigan nila Sir Carlos."

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon