Chapter 605: ATE GHOST

90 13 1
                                    

🏰LUKE🏰

Kahit nasa school ay nasa bahay pa rin talaga ang isip ko. Hindi napapagod ang utak ko kakaisip kung ano na ang nangyayari sa bahay. Kung okay pa ba sila ro'n, lalo na si Wantawsan kasi nando'n lang siya sa kuwarto.

Naaawa rin naman ako, pero wala naman kaming magagawa dahil hindi makahindi sina Mommy kina Tita Izza. Bukod pa ro'n, minsan lang naman at kung tutuusin ay hindi naman talaga abala. Sadyang hindi lang nila alam na mayro'n kaming itinatagong wantawsan na may kaunting tao sa bahay.

Sa totoo lang, sa kaniya talaga ako kinakabahan. Alam ko kasing maligalig ang isang 'yon. May ugali siyang 'pag ginusto niya gusto niya, kaya natatakot talaga ako sa p'wedeng mangyari ro'n habang wala kami.

Sana okay lang sila...

Kakamot-kamot ako habang pilit nilalabanan ang antok. Wala akong naiintindihan sa dini-discuss ni Ma'am. Okay lang naman ako sa topic, sadyang wala lang talaga ako sa mood makinig, dahil sa dami nang iniisip.

Nabigla ako nang magtanong siya sa klase. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya napataas ako ng kamay nang wala sa oras. Buti na lang do'n siya sa mga hindi nakataas nagtawag.

Matawa-tawa ako, dahil hindi ko inasahang magtataas ako ng kamay kahit na hindi ko naman alam ang gagawin. As usual ay hindi nasagot ng tinawag ang gagawin, kay nagtawag na naman si Ma'am.

Para hindi ako tawagin ay nagtaas na naman ako ng kamay. Muntik na akong mapahalakhak, dahil hindi na naman ako tinawag. 'Other hands' daw sabi ni Ma'am.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang masagutan na ang pinagagawa niya. Ang activity na dapat ay pasasagutan niya right after the discussion ay pina-assignment niya na lang. Naubos na ang oras dahil sa kahahanap niya nang makakasagot nang tama. Next week na ipapasa dahil Thursday na ngayon, last meeting na namin sa kaniya for this week.

"Luke," tawag sa akin ni Guione habang hinahantay ang teacher namin para sa last subject ngayong araw. Muling umingay ang klase namin nang lumabas na ng room ang instructor namin.

"Bakit?"

"Paano ba gagawin do'n? I mean paano nangyaring naging east 'yong direction? Hindi ko ma-gets kung paano kinuha." Dala-dala niya ang binder at ballpen nang lumapit sa akin.

"Hindi ko nga rin alam eh." Natawa ako, dahil naalala ko ang pinag-gagawa ko kanina. Siguro akala niya alam ko ang gagawin, dahil panay ang taas ko ng kamay kanina.

"Eh ba't ka nagtataas ng kamay kanina? Para 'di tawagin?" Tumango agad ako. "Sus, siraulo ka. Eh kung tinawag ka no'n?"

"Eh di wala, beklog," lalo akong natawa dahil sa kalokohan ko. Buti na lang talaga hindi ako tinawag ni Ma'am kanina. Babawi na lang ako next week, dahil ang dami kong error this week. I'll make sure na hindi na talaga 'to mauulit.

Last ko na 'to...

"Ah nga pala, tanong mo naman si Yaya Eve kung okay lang ba si Guiven do'n, baka nagkukulit na eh. Ang likot pa naman no'n, lumalaking paurong." Naupo siya sa tabi ko, dahil wala na naman 'yong seatmate ko. Nangapitbahay na naman.

"Ay wait," yumuko ako at kinuha ang bag ko. Doon ko kasi nilalagay sa secret pocket ang cellphone ko 'pag nagkaklase.

Agad na bumungad sa akin ang mga text ni Yaya sa akin. Napatahimik ako nang mabasa ko 'yon. Itinago ko agad ang cellphone ko, dahil biglang dumungaw si Guione para silipin ang screen ko. Sakto namang pumasok ang teacher namin, kaya napabalik lahat sa designated seats.

"Mamaya na lang," sabi ko kay Guione.

"'Ge lang, uwian naman na pagtapos."

Habang nagle-lesson si Ma'am ay nakikipag-text ako kay Yaya. Ang tagal nga niya mag-reply eh. Ang sabi niya kasi sa akin nakita raw ni Guiven si Alex. Hindi ko alam ang buong kuwento, dahil bukod sa kulang-kulang ang info ay ang jeje pa ng typings niya, kaya hindi ko maintindihan.

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon