Chapter 663: ERIC VS SEAN

74 9 0
                                    

🏰ERIC🏰

Gaya dati ay naisip kong dumaan kina Tita Gloria, sa pag-aakalang may makukuha akong impormasiyon. Wala kasi siya ro'n sa shop nila at ilang araw na rin daw hindi nagpapakita. Sila-sila lang din daw ang nag-aasikaso ro'n sabi ng manager. Nagpaalam daw si Tita Gloria na mawawala nang ilang araw, kaya naisip ko namang dumiretso sa bahay nila kaso ay wala pang tao.

Bukod do'n sa shop, posibleng nasa eskuwelahan pa rin sina Darylle, kaya do'n ako dumiretso. Sabi kasi ng manager ay si Tita lang daw ang alam niyang aalis, 'yong dalawang anak daw ay maiiwan kaya nga rin ako napadaan sa bahay nila.

Natuwa ako nang makita ko si Darylle, kaya nga lang ay hindi niya rin daw alam kung nasaan si Alex. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa, dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Alam kong para na akong siraulo, pero mahihinto lang talaga siguro 'to kapag nakita ko na siya ulit. Hindi ako sigurado, pero gusto kong subukan.

Marahil ay nagkakaganito ako dahil hindi man lang kami nakapagpaalam sa isa't-isa. Biglaan ang nangyari, kaya sobrang nanghihinayang ako na hindi man lang kami nagkausap dalawa. Nasasaktan ako, at alam ko ang dahilan kung bakit.

Wala akong magawa sa bahay. Literal na nabo-bored na talaga ako roon. Ilang buwan pa naman kami ni Papa rito, pero hindi ko alam kung aabutin ko pa ba 'yon dahil sa sobrang pagkabagot. Napakahirap pala talaga nang walang pinagkakaabalahan.

Ayaw ko nang ganito...

Naisipan ko na lang dumaan ulit kina MU para maglibang. Nami-miss ko rin talaga ang mga bata, kahit na sandaling panahon lang kami nagkasama. Iba ang dating sa akin ng mga 'yon, at masasabi kong napamahal na rin sila sa akin. Pamilya na rin ang turing ko sa kanila.

Kahit malayo pa ay tanaw ko na ang sasakyan ni Sean. Kinabahan ako, dahil kilala ko ang ugali ng lalaking 'yon. Alam ko kung gaano siya kagaspang. Ultimong sa bata ay hindi siya marunong magbigay o makisama.

Nagmamadali akong bumaba at kumatok sa bahay ni MU. Agad naman akong pinagbuksan ni Tupe. "Nandito si Sean?" mahinang tanong ko. Makahulugan siyang tumingin sa akin at tumango.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, kahit na naba-badtrip ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nandito na naman siya. Hindi ako kumportable na ginugulo niya pa ang mga bata.

"Ngayon lang ba? O dito siya umuuwi?" tanong ko pa.

"Ngayon lang po," sagot ni Tupe. Siya ang naunang pumasok. "Nandito si Kuya Eric." Pagkasabi no'n ni Tupe ay hindi magkandadirit ang mga bata at nag-uunahan sa paglabas ng kuwarto.

"Kuya!" Tuwang-tuwa sila, dahil nabisita ko sila ulit.

Napunta ang tingin ko kay Sean na nakaupo lang sa sala. Walang pumapansin sa kaniya at mukhang 'yon din ang gusto niya. Hindi naman ang mga bata ang pinunta niya rito. Malamang ay si MU siguro.

"Wala akong pasalubong, nakalimutan ko." Doon ko lang naalala na wala man lang pala akong bitbit maski ano. Talagang nawala sa isip ko sa kamamadali nang dahil kay Sean.

"Okay lang Kuya Eric, tignan mo 'to." Hinila ako ni Buknoy at dinala sa kuwarto na ginamit ni Sean dati. Sobrang lungkot ko dahil nakita ko ang pinto ng dating kuwarto ni Alex. Siya na naman tuloy ang naalala ko. "Tada! Ang dami na naming pagkain!"

"Wow, may pantry na kayo." Talagang natutuwa ako, dahil kada mapupunta ako rito ay may nadadagdag sa bahay nila. Masaya ako na unti-unti nang umaayos ang buhay nila.

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon