Chapter 624: WALANG PAGSISISI

62 12 0
                                    

🏰MINA🏰

Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan na kaming makaalis sa bahay na 'yon. Kasama ko ngayon si Tito Raymond at ang panganay niyang anak. Si Sean at ang Mommy niya ay nandoon sa bahay nila.

Ayaw ko naman sanang umuwi, pero nang marinig ko ang usapan nila kanina ay may na-realize ako. Masiyado na nga siguro akong nagiging abala sa kanila, kaya ginawa ko 'to. Nahihiya na ako, dahil alam ko namang si Tito Raymond ang nahihirapan. Siya ang naiipit sa akin at sa pamilya niya, kaya mas minabuti ko na ang umuwi na lang kahit na hindi ko alam kung matatanggap ba nila ako ulit.

Bukod pa ro'n, hirap na hirap na akong makisama sa kanila. Ngayon lang ako nakitira kaya naman masasabi kong tama ang iba, sobrang hirap pala talaga. Dumadating ako sa puntong halos 'di ko na malunok ang kinain ko, dahil ang sama ng tingin nila sa akin. Pakiramdam ko, wala akong silbi dahil palamunin lang ako. Masakit isipin pero wala akong magagawa kun'di tanggapin, dahil 'yon ang totoo.

Hindi rin ako makakilos nang tama, dahil pakiramdam ko may mga nakatingin at nagmamasid sa akin. 'Yong tipong pati ang paghinga ko ay tila binibilang at isusumbat sa akin kapag nagkayarian.

Buti na lang wala na ako ro'n...

Kahit puno ako ng takot ay lamang pa rin ang saya sa akin, dahil alam ko namang mas magiging maayos ako sa bahay kaysa ro'n kina Sean. Siguro naman hindi na gano'n kagalit sa akin sila Daddy, kasi lumipas naman na ang ilang araw. Baka naman matatanggap na ulit nila ako ngayon.

"Karmina, are you sure about this?" tanong sa akin ni Tito. Siya lang ang kinakausap ko lately, dahil siya lang naman ang may pake sa amin ng anak ko.

"Opo, okay lang po ako." Tumango siya bago dumiretso ng tingin. Hindi ko maiwasang hangaan ang Tatay ni Sean, dahil sa ugali at prinsipyong mayro'n siya. Kung p'wede ko nga lang ipagdasal na sana ganiyan na lang din siya ay ginawa ko na.

Siguro kung matino lang si Sean, hindi mangyayari sa akin 'to. Kasi wala naman talagang problema sa akin na mabuntis nang maaga, ang hindi ko lang nagustuhan ay itong mga pagbabago. Naniwala kasi ako na okay siya; na baka sa akin ay mabait siya gaya nang kay Audrey. Masiyado akong nagpadala sa bugso ng damdamin at init ng katawan, kaya heto ako ngayon, parang bola na pinagpapasa-pasahan.

Masakit pala, kapag ginag*go ka ng taong mahal mo. Ngayon alam ko na kung ano'ng pakiramdam nang lokohin. Lahat nang ginawa ko noon kay Audrey ay bumalik sa akin ng triple. Hindi ko 'to inasahan, dahil buong akala ko suwerte ako kay Sean, pero mali... malas siya. Wala pala talaga siyang kuwenta. Too bad kasi ngayon ko lang napagtanto ang bagay na 'yon. Sana noon pa, no'ng hindi pa ako buntis para hindi nagkaganito ang buhay ko.

Proud na proud pa ako dati na ipanguwento na ginagalaw niya ako. Ngayon wala akong mukhang maiharap sa pamilya ko o maging sa mga classmates ko, dahil alam kong kahit ngitian nila ako 'pag nagkita kami ay mas lamang ang panlalait.

Nakakahiya...

"Nandito na tayo," sabi ni Tito.

Sinilip ko ang bahay namin na tila tumamlay. Napansin ko ring wala na ang isa naming sasakyan do'n sa paradahan. Hindi ko alam kung nabenta ba o ginamit lang kaya wala ro'n.

Si Tito ang unang bumaba at sumunod ako. Inalalayan niya pa ako, kahit na kaya ko namang gumalaw dahil hindi pa naman gano'n kabigat ang katawan ko. Para akong maiihi nang mag-doorbell ako.

Naluha ako kaagad nang makita ko si Mommy. Ilang araw din kaming hindi nagkita o nagkausap, kaya naman talagang na-miss ko siya.

Agad niyang binuksan ang pinto nang mapansin na kasama ko sina Tito. "Naku, pasok kayo," yaya niya. "Napadalaw kayo?"

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon