🏰REIVEN🏰
I got a lot in my head right now. Patong-patong na problema at trabaho ang nagpapahina sa akin lately, buti na lang nandiyan sila Papa para pagaanin ang loob. They always find ways to make me happy kahit papaano.
I can't help but smile, dahil kagagaling lang dito ni Papa Mambs. He brought me lunch. Hati-hati silang tatlo sa tasks; si Papa Tonton sa dalawang bata, si Papa Vipes kay Tita at si Papa naman ang nag-aasikaso sa akin at sa bahay.
Hindi ko lang ma-open ang tungkol kay Mamaw at Alex, pero alam kong nami-miss niya na ang dalawa. Nalulungkot lang ako dahil ang tagal niyang hinintay na mapansin at ma-appreciate ni Mamaw lahat ng efforts niya, tapos kung kailan okay na ay naging ganito naman sila.
Kung mayro'n man akong tinitingala pagdating sa pag-ibig ay si Mamba talaga 'yon. Wala nang hihigit pa sa kung paano siya magmahal. Ilang beses niya nang napatunayan sa akin 'yon at magpasahanggang ngayon ay pinahahanga niya ako.
Nagawa niyang alagaan si DanDan kahit hindi niya anak. Gano'n din ang naging kaso ng sa akin. Marami siyang taong natulungan at pamilyang naparangya, kaya walang dahilan para hindi ko siya hangaan.
Hindi lang ako makapaniwala na sa laki kong 'to ay dinalhan niya pa ako ng pagkain. Talagang nakangiti ako habang iiling-iling. Nagsimula na akong mag-asikaso para makakain.
Sa sobrang dami ng trabaho rito, wala na akong oras para asikasuhin ang pagkain. Mahirap hintuan ang trabahong nasimulan, dahil kapag binalikan mo na para ituloy ay nakakatamad na. Pero dahil gutom na rin ako ay wala akong choice kun'di kargahan ang tiyan ko.
After kong kumain ng lunch ay um-order ako ng panghimagas at pina-deliver na lang dito sa opisina ko. Hindi ako makalabas dahil kailangan maayos at matapos ko na 'tong model ko. May isa pa akong inaabangan na project. Kaso need ko pang manalo sa bidding bago ko 'yon makuha.
Though naghahanda na rin kami para do'n, pero sadyang hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Naguguluhan na rin ako sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung parte na ba 'to nang pagtanda ko. Minsan napapagod na ako sa routine ko sa buhay—parang paulit-ulit na lang kasi.
Agad kong itinuloy ang trabaho ko at sinubukang tapusin gaya ng nakasulat sa notes ko. Ngayon ang deadline na nai-set ko para sa sarili ko, para bukas ay revise-revise na lang ako ng ibang bagay at makapag-submit na this coming Friday.
I need to focus on the bid, for it's a big-big project. Kailangan marami kaming makuhang project para makatulong sa mga walang trabaho. 'Yon naman ang number one goal ko—ang mabigyan sila nang maayos na kita. But siyempre, they have to work hard for it. Wala na talagang libre ngayon.
Napatingin ako sa pinto dahil may kumakatok. "Come in," sabi ko. Doon ay iniluwa si Manolo na himalang naligaw yata sa opisina ko. "Oh? Napadaan ka? Need something?"
"Wala naman," sagot niya bago naupo. "Makikitambay lang."
Marahan akong tumango. Bakas sa mukha niya na mayro'n siyang problema at mukhang alam ko na kung ano 'yon.
"Spill it," hindi ko inaalis ang mata ko sa monitor.
"Galit si Brad sa akin."
"Yup, nasabi nga ni Nanay kanina. Nag-away daw kayo?"
"Parang gano'n na nga... Hindi niya ako nire-reply-an," paliwanag niya. "Look, ayaw kong umalis siya nang hindi kami okay. Kapatid ko 'yon, siyempre importante siya sa akin. Kaya nga lang, nahihirapan din naman ako. Parang ayaw nila akong maging masaya. Reiven ang tanda ko na."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: