Chapter 674: BIGO ANG NGUSO

122 12 3
                                    

🏰ALEX🏰

Hindi ako mapakali, dahil may gusto akong gawin. Naniniwala akong mapapauwi ko si Mamaw rito sa oras na magkausap kami. Kailangan ko lang makapagpa-baby sa kaniya gaya nang dati kong ginagawa.

Kasalanan ko talaga 'to. Kung gising lang sana ako no'ng gabi ay baka hindi nakaalis ang pangit na anak ni Lolo. Inarte-inarte pa siya, eh Tita ko naman pala talaga siya. Napangiti ako bigla ngayong alam ko nang magkadugo naman pala kami. Nagtataka pa siya kung kanino ako nagmana, eh pareho naman pala kami.

Guerrero kami!

Sa ganitong paraan ko na lang gina-gaslight ang sarili ko, dahil kung iisipin ko nang iisipin ang magiging reaksiyon ni Lolo kapag nalaman niyang sa akin nakuha ni Mamaw ang ideyang 'yon ay mababaliw talaga ako nang diretso. Masisira talaga ang ulo ko nito.

Ang gusto ko lang naman ay makatulong. Kilala ko si Mamaw, siguradong lalambot 'yon 'pag nalaman niyang may sakit si Lolo plus mag-iinarte pa ako at ba-blackmail-in ko pa siya.

Takot lang no'n sa akin!

"Señorita, kakain na raw po."

"Hindi kamo ako kakain, sabihin mo kay Clarissa," pagmamatigas ko. Medyo close na kami ni Bes kaya may karapatan na akong magpa-baby sa kaniya. 

Umalis ang babae at isinara ang pinto. Inis akong sumalampak sa kama dahil gutom naman talaga ako. Medyo late na nga kaming kakain ni Bes dahil alanganin din ang kain naman kanina no'ng kasabay namin si Mama.

Ay hindi pala ako kakain...

"Kaya ko 'to," bulong ko sa sarili ko. Fasting. Diet. Kaya ko.

"Alex bakit ayaw mong kumain?"

Sa sobrang gutom ko ay naabutan ako ni Clarissa na kagat-kagat ang kuko ko. Nakapasok pala siya nang hindi ko namamalayan. "Diet ako."

"Tigilan mo ako. Mas mauuna pang magunaw ang mundo kaysa tiisin mo ang pagkain." Tumagilid ako at napapikit. Hindi ako p'wedeng mahulog sa bitag niya. "May manok do'n."

Napabalikwas ako ng higa at napalapit sa kaniya. "Payagan mo na kasi ako para makakain na ako."

"Mag-uusap tayo mamaya after mong kumain." 'Yon lang ang sinabi niya at tinalikuran na ako.

Inis akong nagmartsa pababa dahil alam niyang hindi ko matitiis ang pagkain kahit na kailan. Tama siya, mas mauuna pa yatang magunaw ang mundo bago mangyari ang sinasabi kong diet. Drawing lang 'yon!

Lumayo ako sa kaniya at inabala ang sarili ko sa pagkain. Uminom din ako ng gatas na mainit, tamang-tama sa malamig na klima ngayon dito. Hindi ko pinansin si Clarissa kahit pa nakailang alok siya sa akin ng pagkain.

Nang matapos ay inabangan ko talaga siya sa may hagdanan. Mukhang balak niya rin nga akong kausapin dahil sinenyas niya agad ang living area sa secondfloor.

"Pinapayagan kitang umalis," aniya kaya napangiti ako agad. "Pero kailangan mong magsama ng tauhan." Mabilis akong tumango dahil okay lang naman sa akin ang gano'n. "Isang sasakyan na may kasamang driver at kapalitan niya, bodyguards at dalawang kasambahay na mag-aasikaso sa 'yo."

"Ayos 'yan," pagsang-ayon ko.

"At apat na van na convoy," dagdag niya kaya napatayo ako sa gulat.

"Grabe naman!"

"Isa sa harap, dalawa sa gilid at isa sa likod, apat Alex."

"Ba't naman gano'n? Hindi naman ako tatakas."

"Walang kriminal ang nagsabi sa pulis na tatakas siya," makahulugan niyang sabi.

"Ano ba naman kasi 'yon? Paano kung sa isang van ay anim ang sakay? Eh 'di 24 ang chaperone ko?"

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon