🏰MATTHEW🏰
Sobrang na-excite ako nang malaman kong sa ibang lugar kami nila Marco magmi-meet. Wala namang problema sa akin kung sa Palasyo, pero hindi kasi ako makakilos do'n nang maayos. Actually, hindi lang ako—even Marco na taga-doon ay ayaw. Wala nga sana kaming balak sumama ni Guione, pero nang malaman namin na sa ibang lugar gagawin ay mabilis pa sa alas cuatro na nakakilos ako.
Hinihintay ko na lang na mag-message si Guione na ready na siya tapos pupunta na ako ro'n. Ayaw ko naman kasing maghantay nang matagal, kaya naman habang wala pa silang go signal ay chinecheck ko muna ang mga dala ko.
Wala sa sarili akong napangiti, siguradong mag-e-enjoy kami rito. Wala naman kaming mga assignment kaya kahit mag-walwal kami magdamag ay walang problema. Wala kaming iisipin na iba.
Maya-maya pa ay nag-message na sa akin si Guione. Aniya, nando'n na raw siya kina Luke at nando'n na rin daw nga ang sundo. Ako na lang pala ang hinihintay, sumibat na agad ako sa bahay at naglakad papunta kina Luke.
Ngiting-ngiti ang dalawa nang matanaw akong naglalakad. Halata na excited din sila gaya ko, kaya sinenyasan na akong bilisan. Nanakbo ako at dumiretso na sa sasakyan; pumasok na kasi sila nang magsimula akong manakbo kanina.
"Ready?" tanong ni Tito Carlos na nakaupo sa unahan ng sasakyan. Mukhang kasama namin siya at ihahatid kami mismo ro'n.
Lumingon muna sa amin si Luke bago sumagot. "Yes Daddy..."
"Wala nang naiwan?"
"Wala na Tito," madaling sagot ni Guione. "Dali na po, baka magising si Guiven."
Nakatawang sinabihan ni Tito Carlos ang driver na umalis na. Lalo pa kaming natawa nang bumusina pa siya sa tapat ng bahay nila Guione. Si Tito talaga mismo ang nagpindot, sa pag-aakalang magigising ang bunsong kapatid ng brader namin.
"Talaga si Tito oh, kung nagising 'yon maiiwan talaga ako."
"Napindot ko lang, 'di ko sinasadya," pagsisinungaling niya, kahit na kitang-kita naming inabot niya 'yon mismo gamit ang kamay.
Habang nasa biyahe ay panay ang daldalan namin. Simple lang naman ang sinabi ni Tito, 'wag daw masiyadong magulo at magkalat dahil bago pa raw ang rest house na 'yon at kami pa nga lang ang bibinyag. Ang Hari raw mismo ang nagsabi na do'n kami magkasiyahan, para makapag-enjoy naman kami.
Makikita ang ganda ng lugar, kahit nasa malayo pa. Parang nakakahiya tuloy pumasok sa loob, pero para sa enjoyment ay go lang kami.
"Feeling ko ang mahal-mahal ko," sabi ni Guione pagkababa namin.
"Ako feeling ko ang hirap ko," sabi ko naman.
"Lalo akong popogi rito, tara!" Hinila kami ni Luke sa loob. "Marco! Nandito na kami!"
"Lucas," narinig naming saway ni Tito Carlos sa anak niya, pero dahil nae-excite ay hindi na siya pinansin.
"Ang tagal niyo naman..." reklamo ng brader namin. Tawa kami nang tawa, dahil talagang nakaporma siya. Naabutan namin siyang nakahiga ro'n at nagpapaaraw. Naka-shades pa ang prinsipe namin.
"Aba, wala sa usapan 'yan ah?" napamewang si Luke. Naka-shirt lang kasi kami tapos short. Hindi kami na-inform.
"Kailangan pa bang i-memorize 'yan?"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: