🏰LUKE🏰
Nagising ako dahil muntik na akong mahulog mula rito sa sofa. Buti na lang nauna ang paa. Wala kasi akong choice kun'di dito na humilata, dahil may isang nakikitulog lang naman pero inagawan ako ng higaan.
Grabe talaga...
Napabangon tuloy ako nang wala sa oras. Nasaktuhan ko naman ang digital clock na nasa gilid ng kama ko. Alas tres na pala nang umaga. Ang bilis talaga ng oras, parang kapipikit ko lang kasi kanina tapos ngayon ito na naman ako, kailangang bumangon dahil may pasok.
Napakamot ako nang makita ko si Wantawsan na mahimbing na natutulog. Hindi siya p'wedeng makita nila Daddy rito, dahil talagang malilintikan ako nang husto.
Paano ba 'to?
Kung gigisingin ko siya, baka mag-ingay. Lalo akong mayayari kapag nangyari 'yon.
Napailing ako bago naglakad papunta sa kama. Bubuhatin ko na lang siya, para walang problema. Kung magigising man siya bahala na, basta sana makalabas na kami bago mangyari 'yon.
Marahan akong naglakad papunta sa may pintuan. Chineck ko muna kung may mga tao ba sa labas. Nang makita kong wala ay tinakbo ko ang kuwarto na pinapagamit namin kay Alex. Bahagya kong binuksan 'yon para mas madali kaming makapasok. Baka kasi mahirapan akong buksan, dahil ang bigat niya.
Matapos no'n ay bumalik na ako sa kuwarto. Iniwan ko ring bukas ang pinto bago ako nagpunta sa kama at bahagyang sumampa. Inalalayan kong maigi ang ulunan niya gamit ang kaliwang kamay. Ang sa kanan naman ay ang hita niya dahil mas mabigat 'yon.
Parang nabasag ang buto ko sa likod nang bumwelo ako. Hindi pa ako nakaka-recover sa sobrang pagod kahapon tapos nagbubuhat na naman ako.
Sinikap kong buhatin siya, kaya lang nag-uungot at parang nagigising na. Minadali ko na ang paglakad bago pa siya tuluyang magising.
Nanakbo na rin ako, dahil hindi ko kinakaya ang bigat niya. Halos mabalibag ko siya sa kama, buti na lang at malambot. Nginitian ko siya nang makita kong nagmulat ang mata niya.
"Inilipat muna kita," sabi ko.
"Hmm..." tumango lang siya bago pumikit at dumapa. Talaga palang kahit sa pagtulog ay nakaumbok ang nguso niya.
Nakahinga ako nang maluwag, dahil sa wakas ay nagawa ko na ang mission ko. Naitaboy ko na ang mananakop na si Alex. Sana lang 'wag niya na 'yong ulitin mamaya, dahil mayayari na kaming dalawa.
Kahit inagawan niya ako ng higaan ay nagawa ko pa rin siyang kumutan. Inayos ko rin ang unan niya para komportable siya. "Sleep well," sabi ko bago lumabas.
Bumalik ako sa kuwarto ko at nahiga. Inamoy ko ang unan, dahil amoy wantawsan na. Kumapit na ang pang-baby'ng amoy niya sa kama ko. Parang naghalo ang amoy naming dalawa at nakabuo pa nang panibagong scent.
We smell so good...
Nakahiga ako, pero hindi na talaga ako natutulog. Iniisip ko kasi kung alam ba nila Daddy ang nangyari kahapon. 'Yong tungkol sa pagha-half day ko.
Nagtatalo ang isip ko kung sasabihin ko ba o gagawan ko na lang ng paraan para hindi na nila mapansin pa. Kaya lang makikita pa rin nila sa report card ko 'yon, dahil magma-mark do'n na may absent na akong kalahati. Matic kasi na incomplete na ang attendance ko.
Sayang...
Bumangon na rin ako maya-maya. Sinilip ko si Wantawsan bago ako bumaba. Tulog na tulog pa rin siya gaya kanina.
Bumaba na ako para makapag-almusal. Nakita ko si Mommy na tumutulong mag-prepare ng breakfast. Si Daddy naman ay parang may kausap sa labas, dahil nakita ko siyang hawak ang cellphone niya.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: