Chapter 670: PAG-AMIN

58 10 1
                                    

🏰CLARISSA🏰

Kasalukuyan akong naghahanap ng makakain sa pantry. Tapos na kaming mag-dinner pero parang may hinahanap ang dila ko na hindi ko maipaliwanag. Natuwa ako nang makita ko ang chichirya na kinain namin ni Alex. Buti na lang at mayro'n pa no'n dito. Buong akala ko kasi ay wala na.

Hindi naman kasi mahilig sa ganito sila Abuelo, kaya lang siguro may ganito rito ay dahil kay Alex. Napansin kasi ni Mamá na mahilig siya sa mga junkfoods. Ewan ko lang kung alam ni Abuelo na may mga ganito na rito.

Kinuha ko ang isang balot at hinawakan ang baso na hawak ko. Okay na ako sa pagkain ko, dahil ito lang naman talaga ang puntirya ko. Buti na lang at mayro'n pa rito, dahil baka matulog akong masama ang loob kung wala.

Nasa ikalawang palapag na ako ng mansiyon nang makita ko si Glydel na nakakunot ang noo. Gabing-gabi na pero mukhang mainit pa ang ulo niya. Muntik niya pa akong mabangga mabuti na lang at nakaiwas ako. "Ano'ng problema no'n?" Hinabol ko siya nang tingin bago hinayaan na lang. Napahinto lang ako nang magsisigaw siya bigla.

"Jaime! Lumabas ka riyan!"

Nanlalaki ang mata ko nang makitang kinakalabog at sinisipa niya ang pinto ng kuwarto ni Abuelo. Pinipilit niya pang sirain ang doorknob nito.

Mabilis kong ibinaba sa patungan na nasa gilid ang dala ko at nilapitan siya. "Ano'ng problema mo? Baka tulog na si Abuelo? Kumatok ka nang maayos."

"'Wag kang makialam dito!" Nanlilisik ang kaniyang mga mata sa hindi ko malaman na dahilan.

"Ano na naman ba 'to?" Napakamot ako nang wala sa oras.

"Manahimik kang ampon ka!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko inasahan na sa kaniya pa 'yon magagaling, ngayong siya dapat ang makaintindi sa akin dahil sa ginawa nila ng kapatid niya. Alam ko namang ampon ako, pero bakit kailangan pang ipamukha?

Wala sa sarili akong lumayo sa kaniya, dahil baka tama siya. Baka hindi para sa akin ang problema niya. Bakit nga naman ako nakikialam, eh ampon nga lang naman ako. Wala nga naman akong karapatang panghimasukan ang buhay niya.

"Jaime lumabas ka riyan! Kausapin mo ako!"

Narinig ko ang pagpihit at pagbukas ng pinto. "Ano na namang problema mo? Gabi na..." Mukhang galit din si Abuelo, dahil naudlot siguro ang tulog niya.

"Hayop ka!"

Tila ako natauhan nang marinig ko ang malutong na sampal. Dali-dali akong bumalik sa kung gaano ako kalapit kanina.

"Glydel ano bang ginagawa mo?!" galit kong tanong, dahil sinampal niya si Abuelo.

"Hayop ka! Sinungaling ka! Manloloko ka!" Sunod-sunod na hampas sa dibdib ang natamo ni Abuelo mula sa bunso niya. Galit na galit ito sa kaniya. "G*go ka!"

"Glydel..." sinubukan ko siyang awatin, pero sinenyasan ako ni Abuelo na hayaan lang siya. Nagulat pa akong muli nang sampalin na naman siya nito. "Tama na 'yan," inis kong sabi.

"Ano'ng problema?" malumanay na tanong ni Abuelo, habang sinusubukan na awatin si Glydel. "Ano'ng problema? Ha?" Sinubukan niya pang amuin ito na parang isang bata, pero hampas lang ang inabot niya mula sa babae.

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon