🏰SHANE🏰
I was still feeling nervous, kahit na nandito na ako sa bahay. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari mula nang mabalitaan naming wala na si Tally. Talagang hindi ko inasahan na madadawit pa ako sa pagkawala niya. I was so suprise by it.
Sobrang nasaktan ako sa pagkawala niya at dumadagdag pa 'tong problema ko, dahil pinaghihinalaan ako ng mga tao. Buong akala ko absuwelto na ako nang ilabas ang CCTV footage ng hotel.
Kita naman do'n ang pagpasok ko at gano'n din ang paglabas. Doon ay napatunayan na buhay na buhay pa si Tally bago kami maghiwalay. But imbes na mapawalang-sala ay lalo akong idinidiin ng mga tao sa comment section.
Nilason ni Tally ang sarili niya, 'yon ang hinala ng mga pulis kaya nasabi nga nilang suicide. Pero ang sinasabi ng mga tao ay baka ako raw ang naglason. Lalo pang lumala ang hinala ng mga tao nang mag-post ang dati kong ka-eskuwela, sinabi niya sa post na magkaaway nga raw kami ni Tally, kaya posible raw na ako talaga ang pumatay.
Kita rin sa footage ang pagharurot ng sasakyan ko, kaya sabi ng mga tao ay nagmamadali lang daw ako kasi takot ako. Sobrang daming mga kuwento ang ginawa ng mga tao sa socmed, at panay ang post na beware daw sa mga kaibigan. Nagkalat ang gano'ng post ngayon at ako ang pinatatamaan, dahil nga sa umugong na kuwento na ako raw ang pumatay.
Sobrang dami kong na-receive na message sa mga fans niya. Nananakot ang iba at ang ilan naman ay pinagsasabihan ako ng masasakit na salita—which I can't take. I never imagine na iingay ang pangalan ko ng ganito, and the worst part is related pa sa killing.
Mukha ba akong mamamatay tao?
I know hindi ako perfect, pero bakit kailangan nilang ikalat sa media ang pangalan ko—even my accounts—kahit wala pa silang pruweba. Hindi ko maintindihan kung saan sila kumukuha ng lakas ng loob para gawin 'yon.
Wala na dapat akong iintindihin, dahil okay na ako sa batas. Itong mga tao na lang ang hindi ko ma-control. Ayaw ko nang mag-post nang kung anu-ano, dahil baka makapang-away lang ako.
Hindi ako okay. And hindi ko alam kung kailan ako magiging okay. Hindi ko man lang nakita ang bangkay ng kaibigan ko, dahil isang araw lang siyang binurol. Right after that ay dinala na sa hometown niya ang labi niya para do'n siya ilibing.
Akala ko palalabasin lang niyang patay siya, para makalusot siya sa kaso na isasampa nila Roger. Pero hindi pala, totoong namatay siya at kinumpirma 'yon ng mga pulis at no'ng iba kong kakilala na nakapunta kahapon.
I feel so bad for her, dahil kahit mapera at sikat siya ay hindi niya na-enjoy nang husto ang buhay niya. Sira ang pamilya niya. Halos lahat ng kaibigan na mayro'n siya ay dahil lang sa trabaho niya. I could say na bukod sa akin ay wala siyang solid friend, kasi kung mayro'n hindi ako ang pipiliin niyang makasama bago niya wakasan ang buhay niya.
Hindi na siya sinuwerte sa ibang tao pagdating sa pag-ibig, dahil 'yong kaisa-isang tao na minahal niya ay ginamit lang siya. Yes, I could say na ginamit lang siya ni Roger. Nag-gamitan silang dalawa at sa dulo..? Pareho naman silang talo.
And now, ang daming nakikiramay sa pagkawala niya. Ang daming nagpo-post about sa pinagsamahan nila ni Tally. But the question is... nasa'n sila no'ng kailangan sila no'ng tao? Kaya naging gano'n si Tally, dahil walang sumasaway sa kaniya. Ako lang ang naglakas-loob gumawa no'n, kahit na alam kong p'wede no'ng tapusin ang pagkakaibigan namin.
Alam kong may mali rin ako, pero bilang kaibigan I think nagawa ko naman ang part ko. Kahit sa huling sandali, hindi ako nagkulang na paalalahanan siya.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: