Chapter 609: PARTNER

113 18 2
                                    

🏰GLYDEL🏰

Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na naklaro ang utak ko. Lagi ko na lang iniisip lahat ng problema ko. Lumilipas ang mga araw na napapagod lang ako dahil sa kaiisip. Ang sabi nga ni Tío ay namamayat na raw ako, pero 'di naman ako naniniwala dahil ang laki pa rin ng dibdib ko.

"Hoy bruha, ano hindi ka ba kakain?"

Speaking of the devil, dumating na ang matanda dala ang pagkain na pinadala ni Papá rito. Kahit papaano ay gusto kong magpasalamat sa kaniya, dahil kahit alam kong galit siya ay hindi niya ako pinababayaan. 'Pag nakita ko talaga siya iki-kiss ko siya sa cheeks.

"Nananaba ka na yata," puna ko. Halos lahat kasi ng pagkain na dinadala rito ay napupunta sa tiyan niya.

"Ayos lang, basta pogi pa rin."

Natatawa talaga ako sa kaniya, dahil feeling bata siya. Akala mo bagets pa siya kung makapagsalita. "Ipapaalala ko lang sa 'yo, gurang ka na."

"IKR."

Napapaawang ang labi ko sa tuwing nagsasalita siya ng mga ganiyan. Minsan nga ako ang hindi maka-gets kahit na ako ang mas bata-bata nang kaunti. Ewan ko nga kung saan niya nadadampot 'yan eh nandito lang naman kami sa bahay.

"Ano ba 'yan?" tanong ko. Nakaramdam ako bigla ng gutom.

"Hornazo at Gazpacho," sagot niya. "Gusto mo ba? Bibigyan kita."

Natawa ako kaagad. "Ay wow ha? Sa pagkakaalam ko, para sa akin 'yan." Tumayo na ako at lumapit sa kaniya. I think panahon na para kunin ang para sa akin.

Kumunot ang noo niya. Halatang iniisip ang susunod na sasabihin. "D... DNS," aniya, kaya kumunot din ang noo ko. "Ay DMS pala," natawa ang loko.

"Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?!" Nayayamot na talaga ako sa kaniya. Feeling teenager kasi lagi eh.

"That means 'di mo sure, DMS."

"Oh tapos?"

"'Yon ang reply ko sa 'yo."

"Ewan ko sa 'yo!" Sa sobrang yamot ko ay nadakma ko tuloy ang Hornazo at naidiretso sa bibig ko.

Si Tío kasi eh...

"Sa akin 'yan," aniya at tinangka pang agawin sa akin kahit na nabawasan ko 'yan.

"Akin na 'to." Tinalikuran ko siya at naupo na lang ulit. Literal na kain-tulog lang ang ginagawa ko rito. "Sarap..." sabi ko pa. Iba talaga ang pagkain sa España.

"Glydel, kumain ka pa rito. Baka sakalin ako ni Jaime 'pag nalaman niyang hindi ka nagkakakain."

"Maganda nga 'yong sakalin ka na eh, para matuluyan ka na."

"Napakasalbahe talaga nitong bruhang 'to."

"Talaga," sabi ko sabay irap. Pinagpatuloy ko ang pagtunganga hanggang sa tamarin ako.

Gusto ko sanang lumabas, kaya lang iniiwasan ko ring magpang-abot na naman kami ni Hermana. Baka kasi hindi na ako makapagpigil at masagot ko na siya. Ayaw ko namang dumating sa gano'ng punto, dahil masiyado na ngang marami ang kasalanan ko.

"Gusto ko pa naman ng taho, 'yong strawberry." Sinilip ko muna siya sa pagbabakasakaling tatamaan siya sa parinig ko. "Parang masarap 'yong strawberry taho 'no?" Lalo ko pang nilakasan ang boses ko, pero wala pa ring talab sa kaniya.

"Masarap nga 'yon," sabi niya lang.

Hindi na lang ako umimik, dahil mukhang wapakels naman siya sa akin. Bored na bored na ako rito. Gustuhin ko mang lumabas ay alam kong 'di naman sila papayag, lalo't wala na silang tiwala sa akin. Nawala ang tiwala nila dahil din sa akin.

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon