🏰DARYLLE🏰
Maaga kami nag-asikaso ni Ate, dahil mas malayo ang panggagalingan namin ngayong araw. Hindi pa makakauwi si Mama, kaya malamang ay tatagal kami dito kina Tito nang ilang araw. Wala namang kaproble-problema rito.
Ang totoo nga niyan ay kami pa ang nahihiya, dahil sila pa ang natataranta sa pag-aasikaso sa amin. Talagang full force sila ngayong umaga, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit tuwang-tuwa si Alex 'pag nandito siya.
"Magsikain kayo ha? Bawal umalis ng bahay na 'to na gutom," ani Tito Tonton.
Natatawa na lang kami ni Ate. Alam nilang mahiyain kami, kumpara kay Alex kaya grabe nila kami bantayan kung kakain o hindi. Si Alex kasi kahit 'di mo tawagin kakain talaga 'yon eh. Kami naman ay mahaba-habang pilitan pa.
"What do you want? Chocolate drink? Or milk?" tanong naman ni Tito Morgan.
Ang masasabi ko lang sa kanila... ay sayang. Siguro kung mga nagpamilya 'to masuwerte ang magiging anak nila. Kita sa galawan nila ang pagiging maalaga, kaya naman nakakapanghinayang. Maraming tao na biniyayaan ng anak pero imbes na alagaan ay tinakbuhan or worst, pinagpalit sa anak ng iba.
"Tito kami na po bahala," sabi ni Ate na inako na ang pagtitimpla ng inumin namin sa umaga.
"No, princess treatment talaga rito. Masanay na kayo."
Natawa na lang kami ni Ate sa sagot ni Tito. Mukhang ayaw talaga nila papigil kaya hinayaan na lang namin. Mukha silang sabik sa pamilya eh. Siguro ay pinangarap din nila, pero hindi lang para sa kanila ang pagpapamilya.
"Wow, grabe nag-abala pa talaga kayo?" biro ni Kuya ReiRei na kagigising lang din. May mga pasok at lakad din yata sila, kaya ang aaga nilang lahat.
"ReiRei anak, ito ang sa 'yo." Si Tito David naman ay may nakahanda na pala para sa panganay niyang ampon.
"'Wag kape, ito gatas oh," alok ni Tito Morgan.
"Hindi na 'yan bata, Morgan. Ayos na 'yang kape, para kabahan." Naupo na si Tito David, kaya naman nagsimula na kaming mag-almusal.
Gaya ng dati ay masaya at makulay ang almusal namin. Hindi na yata talaga mawawala sa kanila ang pagiging makukulit, kaya hindi lang kami busog sa pagkain—sa tawa rin.
Chineck ko ang gamit ko dahil baka mayro'n akong maiwan. Hindi p'wedeng may makaligtaan dahil malayo-layo ang panggagalingan. Nagawa ko na lahat ng gagawin and assignments; nabasa ko na rin lahat ng na-miss kong lecture. Ilang minuto pa akong nag-isip bago naghanda.
Si Tito Tonton ang naghatid sa amin ni Ate sa school. Hindi na rin daw uuwi ang mga kasama namin bodyguard, sa halip ay hahantayin na lang matapos ang klase. Si Tito Tonton naman ay may gagawin lang daw, pero babalik daw siya mamayang hapon para sunduin kami.
Kahit nahihiya ay wala akong nagawa kun'di tanggapin ang pabaon nilang sandamukal na pagkain at pera. Feeling ko tuloy ako si Alex, dahil ganito rin siya 'pag kina Tito David nanggaling. Para akong nag-grocery bago pumasok.
Sinalubong ako ng tili ni Kendrick. Tuwang-tuwa ang mga luka at akala mo naman sampung taon na kaming hindi nagkita. Sobrang inactive ko kasi sa socmed nitong mga nakaraang araw. Ultimong mag-backread sa chismis ay hindi ko na magawa. 'Yong assignment lang talaga ang pinuntirya ko.
"Magsitabi, dadaan si Queen Darylle." Kinuha ni Kendrick ang bag ko at siya mismo ang naglagay sa upuan ko. "Ano na 'te? Anong nangyari sa 'yo?"
"Paupuin niyo naman ako," biro ko. Siya pa kasi ang naunang maupo sa upuan ko.
"Ay sorry naman, na-excite akong marinig ang chika." Tumayo siya at pinaalis ang katabi ko.
Doon ay nagdaldalan kami hanggang sa mag-ring ang bell para sa flag ceremony. Kahit nakapila ay panay ang daldal namin. Sinabi ko naman ang totoong rason nang pag-absent ko, dahil wala namang dahilan para magsinungaling. Naitanong nga rin nila si Alex, pero sadyang wala talaga ako maski katiting na balita tungkol do'n sa kaniya.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: