🏰MARGA🏰
Talagang aliw na aliw ako sa pagbabasa nitong Love and War, kahit na paputol-putol pa ako. Hindi kasi ako makapagbasa nang maayos lalo na no'ng nagalit si Lolo sa amin. Nito ko lang naituloy ang binabasa ko at masasabi kong paganda na nang paganda ang story.
Halos makahati ko na nga ang libro at talaga hindi ko na maihinto ang pagbabasa, kahit na pinagagalitan na ako ni Mama dahil hindi na ako nakakakain sa tamang oras.
Buong akala ng lahat dito ay may malubhang sakit ang Hari, kaya siya wala nitong mga nakaraang araw. Galit na galit siya nang malaman ang tungkol doon, lalo na't nagpa-party pa sila. Kaya kung hindi sila okay ni Papa noon ay mas lalo ngayon. Ilang araw nang hindi sumasabay sa pagkain namin ang Hari.
Dahil sa nangyari, lalo akong naging maingat. Lahat kasi ng kilos namin ay tila bantay-bantay nila. Especially si Lolo, kaunting kibot talagang umiinit ang ulo niya.
Hindi na nga ako makapaghintay na mag-Sabado, para makalayas na ako rito kahit saglit lang. Gusto ko namang huminga, kahit papaano. Masiyado akong nasasakal sa reyalidad ng buhay ko. Sawang-sawa na talaga ako.
"Marga?" tawag sa akin ni Mama. Hindi ko napansin na nakapasok pala siya. Tanghali kasi kaya nagpapahinga rin ang mga bantay ko. "May ginagawa ka ba?"
"Wala naman," sagot ko. Ilang araw nang postponed ang shooting ng show niya, dahil sa sobrang galit ni Lolo sa amin. Pare-pareho kaming hindi makaporma.
"Magpapasama sana ako, dahil mayro'n akong interview."
"Sa Opulent?" tanong ko, dahil noong isang araw ko pa naririnig 'yan sa kaniya. Ang Opulent ay isang sikat na magazine na pang mayaman, kaya hindi talaga mawawala ro'n ang mga Bughaw.
"Oo, gusto mo ba?"
"Ano'ng gagawin ko ro'n?"
"Wala, sasamahan mo lang ako. Ayaw kasi kitang iwanan dito. Alam mo naman, mainit sa atin ang Papa."
Nakuha ko ang gusto niyang sabihin, kaya pumayag na ako. Wala naman kasing magtatanggol sa akin dito, sakaling mapag-initan ako ng dugo.
Habang nasa biyahe ay nakatanaw ako sa mga estudyante na lumalabas galing ng school. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mainggit. Mabuti pa sila, malaya nilang nagagawa ang gusto nila. Kahit hirap sila sa buhay ay masaya naman sila.
"Marga, gusto mo bang sumama sa interview? P'wede kitang isali, para mabigyan ka naman ng highlight."
"No thanks..."
Hindi gano'n ang hilig ko. Hindi ko naman gustong sumikat nang husto. Ang gusto ko lang ay magawa ang gusto ko at matupad ang pangarap ko. Gano'n lang kadali sa pandinig pero napakahirap kung gagawin na. Marami ang magbabago kung sakaling ipipilit ko ang gusto ko.
Enggrande ang pag-welcome nila sa amin, lalo na kay Mama. Habang nagbibihis at naghahanda siya ay kumakain naman ako. Hindi naman kasi ako kailangan doon, kaya chill-chill lang ako rito.
"Marga?" narinig ko ang boses ni Mama, kaya lumingon ako may pinto. Nakabihis na siya at mukhang ready'ng-ready nang magpakuha.
"Po?"
"Magbihis ka."
"Bakit?"
"Kasama ka sa interview."
"Ha?!" Nabitawan ko ang biscuit na kinakain ko. Agad akong nilamon ng kaba, dahil hindi naman ako handa. At higit sa lahat, that's Opulent—one of the best 'yon.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: