🏰ALEX🏰
"Mama!" Magkukuwento na sana ako, kung hindi lang dumating ang Mama kong maganda. Mabilis akong tumayo at yumakap sa kaniya. Buong akala ko ay i-indian-in niya na naman ako. "'Kala ko 'di ka na pupunta." Siyempre ay nginusuan ko agad siya.
"Sorry, may inasikaso lang si Mama," malambing niyang sabi, kaya napatawad ko kaagad siya.
"Ocakes, forgiven," nag-thumbs up pa ako sa kaniya. Hinila ko na siya at pinahiga sa kanang parte ng kama. Ako naman ay pumagitna na.
"Kiss niyo na ako," utos ko sa dalawa kong Mama. Wala na talaga mas susuwerte sa akin. Ako na talaga ang pinaka-lucky na baby sa buong mundo.
Grabe na talaga ako...
Hindi naman nagpatumpik ang dalawa at agad akong ginawaran ng kiss sa cheeks. Muntik na akong himatayin dahil do'n. Talagang kinilig ako nang sobra-sobra.
"Sabi sa 'yo idiretso na natin sa mental 'to eh," ani Mamaw kay Mama.
Napanguso ako't napahinto. Siguro ako mukha akong uod na inasinan sa paningin niya. "Mama si Mamaw oh..."
"Nagsisimula na naman kayong dalawa," iiling-iling ang Mama ko.
Ito kasing si Mamaw eh, ang tigas ng mukha! Hindi na lang magparaya sa akin, para hindi kami away nang away.
"Matulog na tayo, mahaba pa ang araw bukas." Nahiga na si Mama at pumalakpak nang dalawang beses para mamatay ang ilaw. Binuksan niya ang lampshade sa magkabilang gilid para kahit papaano ay may kaunti pa ring liwanag.
"Good night Mama," sabi ko kay Mama sabay halik sa cheeks niya. "Good night din sa 'yo Mamaw, kahit pangit ka." Siyempre ay hindi ko rin kinalimutan ang ina-inahan ko noon. Kiniss ko rin siya, bago pa siya umiyak nang sobrang lakas.
Kinabukasan ay wala na naman akong katabi. Hindi na ako nagtataka kung bakit. Nakaturo na sa twelve ang orasan, kaya naman hindi na rin ako nagulat nang may pumasok na kasambahay at tawagin ako.
Pupungas-pungas ako ng bumangon. Nagpalit ako ng damit at habang nagsisipilyo ay para akong hihimatayin. Hindi ko alam kung bakit inaantok pa ako, kahit na sobra na sa walong oras ang aking tulog. Daig ko pa ang naglasing.
Maya-maya pa ay bumaba na ako para makakain na kami ng tanghalian. "Good afternoon," malamya kong bati na ikinagulat naman ng madlang pulpol. "Si Mamaw?" Napansin ko kaagad na wala siya.
Pinandilatan ako ng mata ni Bes, kaya napansin kong tila may kakaiba. Masiyado silang tahimik ngayon, dahil si Lolow ay salubong ang kilay sa hindi na naman malaman na dahilan. Lagi siyang nakabusangot, pero iba ang pagkakalukot ng pagmumukha niya ngayon. Mas lalo tuloy siyang pumangit.
Hindi ko maintindihan kung bakit parang ayaw kong kumain. Hindi ako ganito. Magana ako lagi kumain at kapag may manok ay nagiging patay-gutom ako.
"Kumain ka na," ani Mama. Nilagyan niya ako ng pagkain sa plato, pero parang gusto kong ipabalik dahil ang dami. Nasanay siya na malakas akong kumain kaya ang dami niyang nilagay.
Unang subo pa lang ay alam kong ayaw ko na, pero sa takot na baka masinghalan ay pinilit ko pa rin. Wala pa naman ako sa mood makipagrambulan ngayong araw.
"Mama ayaw ko na..." bulong ko sa kaniya. Kaunti na lang naman ang natitira, pero hindi ko na talaga kaya.
"Bakit? Hindi mo ba gusto ang ulam?"
Ayan na naman ang nangungusap niyang mga mata. Ewan ko ba, pero mula nang maging okay kami ay hindi ko na talaga siya matiis. Lalo na kapag nakikita ko ang mata niyang puno ng emosiyon.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: