🏰MINA🏰
Hindi naging madali ang naging adjustments ko nitong mga nakaraang araw. Dapat komportable na ako dahil nandito na ako sa bahay, pero hindi naman 'yon ang nangyari. Mas nahirapan akong makisama sa kanila this time, dahil sa ilang.
Naroon pa rin ang hiya ko, dahil sa nagawa ko. Hindi na nga yata mawawala ito at mukhang panghabang-buhay ko nang dadalhin. Hindi ko sila masisi, dahil malaki ang pagkukulang ko.
Noon pa nagrereklamo na si Daddy about sa gastos, pero naging bingi kaming lahat sa pag-aakalang hindi mauubos ang pera namin. Sinabihan na ako ni Daddy na magtipid, but I didn't listen to him. No'ng sabihin niya sa akin noon na lumipat na muna ako sa mas murang school ay nagalit pa ako.
Kung nakinig lang sana ako sa kaniya, hindi sana ako inabutan ng sangkatutak na kamalasan sa buhay. Never kong naisip na magiging ganito ang buhay namin. Halos lahat ng negosyo namin ay wala na. Ultimong properties na dati ay hindi mabilang sa daliri, ngayon ay nakasanla na at malapit nang maremata. At maski ang iba naming gamit dito sa bahay ay wala na rin. Kakaunti na kumpara no'ng huli akong nagpunta.
It was... really heartbreaking...
Ang makita si Daddy na problemado tuwing gabi ang dumudurog sa akin. Hindi ko pa siya nakitang gano'n noon. Dati ay lagi siyang masaya, sa tuwing nanghihingi ako sa kaniya ay bigay agad. Naging abusada ako, kaya ako kinakarma.
Ngayon ko nari-realize lahat ng mali ko. Palibhasa wala akong ginagawa kaya hindi ko maiwasan na hindi mag-isip. Ayaw ko namang manood, dahil nagtitipid ako sa kuryente. Ayaw ko ring mag-phone, dahil mula nang mangyari 'to sa akin ay nahiya na ako sa lahat. Gusto ko na ngang i-deactivate lahat ng account ko, sa totoo lang. Ang pinagkakaabalahan ko ay ang mag-overthink habang nagpapaypay dahil sa sobrang init.
Hindi ako makareklamo, kasi kasalanan ko rin naman talaga. Sa oras na magsalita ako, siguradong malilintikan ako kay Mommy na nagbabago na ang ugali. Aminado akong hindi siya kabaitan noon, pero iba na ang pinakikita niya sa amin ngayon.
Si Daddy ang sinisisi niya sa lahat ng nangyari, kahit na hindi lang naman siya ang may kasalanan. Yes, maaring may mali rin ang Daddy, pero hindi lang naman siya ang nagpabaya. Lahat kami ay naging magastos at naging iresponsable. Gusto kong isatinig 'yan sa tuwing nagbubunganga siya. Gusto kong ipagtanggol si Daddy, pero wala akong magawa dahil ayaw kong sa akin mapunta ang sisi.
Rinding-rindi na ako sa masasakit na salita. Kung makakaalis nga lang siguro ang mga sanggol sa tiyan ay baka iniwanan na rin ako ng anak ko, dahil sa sobrang gulo ng pamilya na kalalakihan niya. Wala pa rito ang conflict namin ng Tatay niya.
Hindi pa siya lumalabas pero awang-awa na ako sa kaniya. Sana lang, hindi niya pagsisihan na ako ang naging Nanay niya. Sana lang maging maayos ang buhay niya. Ako na lang ang karmahin, 'wag na siya.
Nagsimula akong maglinis ulit, kahit na malinis naman na. Hindi ako napapakali, dahil pakiramdam ko ay anytime may mangyayaring masama. Naging ganito ang mindset ko mula nang tumira ako sa mga Jacobe. Hindi ako makakilos nang tama, dahil sa takot ko sa kanila.
Nilimitahan ko ang pagkilos ko, dahil ayaw kong may masabi sila. Nadala ko ang ugaling 'yon ngayon. Kinakabahan ako sa hindi malaman na dahilan. 'Yong pakiramdam na bawal akong maabutang nakaupo, dahil palamon lang ako? Gano'n ang nararamdaman ko kahit wala na ako sa kanila.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang hirap na naranasan ko ro'n. Kung p'wede nga lang na hindi ko na sila ipakilala sa anak ko ay gagawin ko, kaso ay hindi. Sino ba naman ako para magmalaki? Lalo na ngayon, na wala na kaming pera.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: