🏰ALEX🏰
"Mamaw, ayaw ko na po!" pagmamakaawa ko, dahil wala siyang tigil sa kapapalo sa b*tt ko. Galit na galit siya sa akin, dahil sa nangyari sa Mama ko. Ayaw niya akong tigilan kahit nag-sorry naman na ako sa kaniya at sinabing hindi ko naman nga sinasadya.
Ayaw niyang sa kaniya ako mag-sorry; ang gusto niya ro'n sa Mama ko 'yon sabihin. Kahit palu-paluin niya pa ako hindi ko 'yon gagawin, dahil masama siyang tao. Hindi niya deserve ang sorry ko.
"Ayaw mo na? Eh 'di mag-sorry ka na."
"Nek-nek mo!" Napatili ako nang palu-paluin niya ulit ako. Hindi man lang siya name-mercy para sa akin. Naturingan pa naman siyang Mamaw ko, pero kung paluin niya ako para niya akong kaaway.
"Carmela..."
Napatingin kaming pareho sa pinto, dahil bumukas 'yon at iniluwa ang Mama kong magaling. Lalong tumindi ang inis ko, dahil naabutan niyang pinapalo ako. Kasalanan niya lahat ng 'to. Dapat siya ang pinapalo at hindi ako.
Huminto si Mamaw sa pamamalo sa akin, dahil ang sama ng tingin sa kaniya ng Mama ko. "Ba't nandito ka? 'Yang likod mo, ayos na ba?"
"Ganiyan ba ang ginagawa mo sa anak ko?" Naiiyak na lumapit sa akin ang Mama ko.
"Ang tigas kasi ng ulo eh," katuwiran ni Mamaw.
"Anak..." Hindi ako nakaiwas sa kaniya, dahil bukod sa nanghihina ang katawan ko ay masakit ang puw*tan ko. Niyakap niya ako kaagad. "Stop crying, okay? Hindi galit si Mama."
"Talaga," pinandilatan ko siya ng mata. "Ang kapal naman ng mukha mo kung magagalit ka sa akin." Ginamit ko ang natitira kong lakas para makalayo sa kaniya. Ayaw ko na magpa-comfort sa kaniya, kasi nga galit pala ako. Galit ako dapat sa kaniya, dahil pinabayaan niya ako.
Walang kuwenTANG INA...
"Nakita mo? Kung gaano katigas ang bungo niyan?" galit na galit na turan ni Mamaw habang nakaturo sa akin.
"Walang bungong malam-"
"Manahimik ka," banta niya sa akin, kaya natameme ako. "'Wag mong ibubuka ang bibig mo, kung ayaw mong mayari sa akin."
"Eh di wow..." Akala niya siguro ay natatakot ako sa kaniya. Excuse me, hindi pa ipinapanganak ang taong makakaubos ng kayabangang taglay ko.
"Talagang..." Gigil na gigil si Mamaw, kaya napadampot ako ng unan at iniharang sa parteng papaluin niya.
Todo awat naman ang tunay kong ina, para hindi ako mapalo ni Mamaw. "Tigilan mo na. Just stop it! Will you?! Hindi magandang namamalo ng bata."
"Hindi na siya bata."
"I thought kilala mo siya?" Hindi nakaimik ang Mamaw ko, pero huminto na siya. Nilapitan ako ulit ni Mama at sinubukang yakapin, pero hinarangan ko na siya ng unan. Hindi ako papayag na makayakap siya sa akin ng walang bayad. "Alex, 'wag ka nang magtampo sa akin." Naluha ang Mama ko, pero wala akong paki. Hindi ako tinatablan niyan ngayon, dahil galit ako. Masamang-masama ang loob ko sa kaniya.
"Umalis ka na rito." Ngarawngaw na naman ako, dahil naiinis ako sa kaniya at sa sarili ko. Gusto ko namang maging mabait sa kaniya, pero 'pag nakikita ko na siya ay naiinis na ako. "Ikaw din!" galit kong sigaw kay Mamaw. Hindi man lang siya nagdalawang isip na umalis, kaya lalo akong napaluha. "Mamaw..!" Yumuko ako at doon humagulgol ng iyak. Mahaba-habang ngusuan na naman 'to, dahil siguradong mahihirapan akong makipagbati kay Mamaw this time.
"Stop crying, I'm here."
"Ayaw ko sa 'yo!" Pinagsisipa ko siya hanggang sa siya na mismo ang tumayo sa kama at lumayo sa akin. Hindi pa ako nakuntento at pinagbabato ko pa siya ng unan. "Labas dito! Ayaw ko sa 'yo!"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: