🏰ALEX🏰
Sa sobrang inis ay napasunod ako sa kaniya. Ayaw ko sana siyang habulin, pero hindi pa kasi siya nakakapag-sorry sa akin. Sa ayaw niya man o sa gusto, kailangan niyang humingi ng tawad sa akin.
"Balik dito!" yamot kong sigaw. Nagulat ako nang umakyat siya sa taas. Sinigawan ko na pero hindi man lang ako pinansin. "Diwata, kailangan mong humingi ng tawad sa akin."
"Alex ano'ng nangyari?" Nakasalubong ko si Clarissa na nagtataka akong tinanong.
"'Yong Nanay mo, hindi man lang nag-sorry sa akin."
"Ang ibig kong sabihin, bakit nakakunot na naman ang noo no'n?"
"Malay ko," natagalan pa ako bago sumagot. Nakakunot daw kasi ang noo ng Mama namin. May hinala akong nagtampo na sa akin nang tuluyan. "Bahala nga kayo sa life niyo!" Aalis na sana ako, kaso nanakbo siya bigla at mukhang balak sundan ang nagtampo naming ina.
Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan si Clarissa na kumakaripas ng takbo papunta sa kung saan. Hindi na ako magtataka na siya ang paborito, dahil isa siyang straw!
Papatalo ba naman ako?! Siyempre hindi! Ako bida rito eh!
Natagpuan ko ang sarili kong bumubuntot din sa kaniya. Sa aming dalawa, alam kong mas alam niya kung nasa'n ang magaling naming ina kaya maganda nang siya ang mauna.
"Kaninong kuwarto 'yan?" tanong ko kay Clarissa, na ngayon ay nakasilip lang sa nakaawang na pinto.
"'Wag kang maingay, p'wede? Kumilos ka naman nang normal, kahit ngayon lang Alex."
"Wantawsan muna?" Sinamaan niya na naman ako ng tingin. "Wala ng libre ngayon."
"Ano ba kasing sinabi mo?"
"Sabi ko mag-sor—"
Pareho kaming natigilan sa pagbubulungan nang biglang sumigaw ang Mama namin. Tila niyanig ang mundo ko sa sobrang gulat.
Sino ba ang kausap niya? At naging tigre yata siya?
"Sumagot ka! Totoo ba ang sinabi niya?!"
"Malamang hindi," nakilala ko kaagad ang boses ni Mamaw. Hindi ako p'wedeng magkamali, dahil kilalang-kilala ko na siya. "Masiyado kang nagpapaniwala kay Alex, eh nakita mong napakasinungaling ng batang 'yon."
Napanganga ako nang husto, dahil sa narinig ko. Hindi lang basta nganga, 'yong labas pa ang ngipin at ready nang mangagat ng Mamaw na masama gaya niya!
"Sandali lang..." Nakaramdam din yata si Clarissa na sasabog na ako, kaya inawat niya agad ako.
"Hoy Mamaw! Ano'ng nisabi yow?!" Agad akong napapamewang nang sandaling sipain ko ang pinto na parang isang action star.
"Oh? Gutom ka?"
"'Wag mong iniiba ang usapan!" Napaangat ang balikat niya sa sobrang gulat nang magsisigaw ako. "Sinungaling ako?!"
"Yes, 'yon ang sinabi niya," sagot ng Mama ko.
"Hindi ikaw ang nitatanong ko!"
"Alex," nananaway na tawag sa akin ni Clarissa. Humarang din siya sa daraanan ko. "Tama na, 'wag ka nang magalit. Lumabas na muna tayo, dahil usapan lang ng matatanda 'yan."
"Nipag-uusapan nila ako." Hindi ko alam kung bakit gusto ko na lang magpayakap at magpa-comfort sa kaniya.
"Oo nga, kaya lumabas na muna tayo. I'm sure may reason 'yan kung bakit, kaya tara na muna sa labas."
"Hindi p'wede!" Galit kong hinarap ang dalawang pangit, dahil naiinis ako sa kanilang dalawa. "Bakit niyo ako pinagchichikahan?"
"Umalis ka na muna rito," sabi sa akin ni Mamaw. "Clarissa pakibitbit muna ang bubwit na 'to."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: