Chapter 649: GANDA MO KASI

100 9 0
                                    

🏰SYDNEY🏰

Araw-araw yata akong excited pumasok at siyempre dahil 'yon kay Yixing. Ewan ko ba, mababaliw yata ako 'pag hindi ko siya nakita maski isang araw lang. Hindi kami masiyadong nakapag-usap dahil do'n sa phone niyang nakumpiska dahil sa kaka-chat sa akin.

Sinabi niya rin sa akin na may quiz sila ngayon, kaya hindi ko muna siya kinausap. Tiniis ko muna na hindi siya reply-an para hindi siya ma-distract. Kailangan niyang mag-focus, dahil ayaw ko namang maging masamang ehemplo sa kaniya.

Bago ako pumasok ay ni-reply-an ko naman ang good morning niya na may kasama ng crying emoji. Tila nagmamakaawa na siyang reply-an ko kaya hindi ko na natiis. Sinabi ko rin sa kaniya na after class ay mag-uusap kami. Mayro'n lang akong kailangan linawin sa kaniya, bago pa magkalimutan.

Dumiretso na ako sa room kaagad. Wala pa naman ang teacher namin, pero iisang tao ang una kong napansin—si Darylle, bakante pa kasi ang upuan niya.

"Oh, wala pa si Darylle?" Ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase.

"Hindi raw papasok," sagot ni Cassey.

"Bakit?" Mabilis na iniangat ni Cassey nang bahagya ang dalawang balikat bilang tugon.

"Hoy S-S-S-Sydney! Bakit hindi mo nire-reply-an ang bata ko ah? Ang sama mong tao, wala kang puso." Mabingi-bingi ako dahil sa bibig ni JC. Nasa likod ko pala siya at nag-aabang sa akin sa may pinto. Pinag-aasar na naman tuloy ako dahil sa kaniya.

"Sira ka, kagulat ka naman."

"Reply-an mo bata ko, baka umiyak na 'yon," pangungulit niya sa akin.

"Sira ka ba? Kailangan niya mag-review."

"Lalong hindi nakapag-review si Young Master, at kasalanan mo."

"Ba't ako?" gulat kong tanong.

"Hindi mo nga nire-reply-an." Kinuha niya ang bag ko at siya mismo ang naglagay do'n sa upuan ko. "Nasaan na ang phone mo? Ako magre-reply." Nagsimula na siyang halungkatin ang bag ko.

"Wala kang makikita diyan, nasa akin ang phone ko." Nakalagay kasi 'yon sa bulsa ng coat. Lumapit na ako sa kaniya, dahil baka kung ano pa ang makita niya.

Kinuha ni JC ang pagkain ko at binuksan. "Pero seryoso ako, reply-an mo na, kawawa naman. Tinakot mo pa."

"Seryoso rin ako, may sasabihin talaga ako sa kaniya."

"Sarap nito ah?"

"Siyempre, thank you ah?"

Napangiti siya nang husto. "Welcome, ikaw talaga nag-abala ka pa. Hayaan mo sa susunod, kasama na ako sa budget ng inyong pamilya."

"Balik ka na ro'n sa upuan mo."

"Reply-an mo ah?"

"Oo na, ang kulit..." Talagang mapapakamot ka ng ulo dahil sa kakulitan ni JC. Literal na mapapa-oo ka nang wala sa oras. Naupo ako at sinilip ang phone ko. Mukhang natakot yata si Yixing sa sasabihin ko, kaya hindi napakali. 

Wala na pa sana akong balak na kausapin siya, pero kasi nakokonsensiya ako. Kaya nang magkaro'n ako ng pagkakataon na silipin siya sa classroom nila ay ginawa ko na.

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon