🏰ALEX🏰
"Alex, wait," pigil sa akin ni Luke. Hindi ko talaga alam kung bakit nae-excite akong maging miyembro ng pamilya nila. Siguro kasi marami rin silang pera gaya nila Mamaw at Papa.
I smell wantawsan...
"Tara na, Kuya Luke!" excited kong sabi. Kahit papaano, masaya ako dahil may bago na akong pamilya.
Ayaw ko sana rito, pero mas okay na ako rito kaysa naman doon kina Diwata. At least dito, may Kuya ako at si Luke 'yon. Mabait siya, at sinusunod niya ang mga wants ko. Hindi gaya ro'n kina Diwata, ang daming bawal.
Masarap sana mga pagkain doon eh, kaya lang ang boring. Hindi gaya rito, mukhang may makakalaro ako. Saka nandito rin si Baby Ko, kaya wala pa rin akong talo.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya. Kasalukuyan kaming umaakyat sa hagdan.
"Hahanapin natin si Mommy!" sagot ko. "Row, row, row your boat," nagsimula na akong kumanta, dahil sa sobrang saya.
Buti na lang talaga sumama ako rito kay Wantawsan, dahil kung hindi baka sa ibang lupalop na naman ako dinala ng Lolo niya. Siguro magkamag-anak kami ni Wantawsan, kaya lang ayaw lang nilang sabihin.
Magkaanu-ano kaya kami?
"Alex wait," pigil niya kaya napahinto ako. Tumingin ako sa kaniya at binigyan siya nang nagtatanong na ekspresiyon. "Hantayin na lang natin si Mommy rito, baka pagalitan tayo 'pag pumasok tayo sa room nila ni Daddy."
"Bawal ba doon?"
"Hindi naman," sagot niya, "pero may mga importanteng files kasi roon."
"Bawal pakialaman?"
"Oo, kasi mga original copies 'yon. May kaso kasi sila ngayong hawak, kaya marami silang mga papel na inuwi."
"Gano'n ba 'yon?" Tumango siya, kaya tinandaan ko ang mga sinabi niya, para 'di ako mapalayas dito. Ayaw kong lumipat ng bahay. Dito na lang ako kasi mukhang may aircon. "Oki doki," pakantang sabi ko. Nilibot ko ng tingin ang bahay nila.
Kung hindi ako nagkakamali, narating ko na 'to dati—noong kinukuha ko 'yong damit. Hindi ako na-amaze noon, kasi wala naman akong pake, pero ngayon, parang nagagandahan na ako.
"Wow," nakita ko ang maraming picture; kasama 'yon ng family portrait nila.
Talaga pa lang isa lang si Wantawsan, wala siyang kapatid. Pero dahil nandito na ako, hindi na siya mag-isa. Dalawa na kami kaya may kalaro na siya!
"Ikaw 'to?" Tinuro ko ang picture ng bata na naka-bike at nakangiti.
"Hoy, 'wag 'yan..." Nakatawa niyang kinuha ang frame. Pinagtataob niya pa ang iba no'n. "Doon ka na kina Mommy."
"Patingin ako," pagpupumilit ko. Nakita ko kasing may cute siyang picture noong baby pa siya. Wala naman kasing ibang anak sila Baby Ko, kaya malamang siya 'yon.
"'Wag na," kinuha na niya ang iba. Masiyado 'yong marami kaya hindi magkasiya sa kamay niya kahit gaano pa 'yon kalaki.
Nagawa kong agawin at itakbo ang tatlo. Natawa talaga ako, at napatili nang habulin niya ako. "Ops! Bawal!" Wala akong matakbuhan dahil hindi ko naman alam na dead end na pala rito. Na-corner na ako kaya itinago ko 'yon sa likod ko. "Bawal, Kuya Luke," nakanguso kong sabi. "Patingin muna ako."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: