🏰MARGA🏰
Ilang araw na akong hindi pinapatulog ng pesteng novel na Love and War. Hindi ko kasi natapos, dahil may nag-delete ng copy ko at hanggang sa ngayon ay hindi ko alam kung sino. Inis na inis ako, dahil kahit alam kong imposible ay pakiramdam ko may nakialam ng gamit ko.
Alam kong wala namang mag-iinteres do'n. Bakit naman sasadyaing burahin? Eh kuwento lang naman 'yon. Ang kinagagalit ko lang is may nakialam kasi. I know mayro'n talaga, dahil hindi naman 'yon basta lang mabubura kung walang nagbida-bida.
Kating-kati pa naman akong basahin, dahil nando'n na ako sa part na nagkakagustuhan na sila James at 'yong babae. Pakiramdam ko nasa climax na ako noon, pero may epal na nagbura ng kopya ko kaya hindi ko na matuloy-tuloy.
Sinubukan kong i-download ulit, pero kataka-takang hindi ko na mabuksan ang RP account na ginamit ko. Hindi ko alam kung mali ba talaga ang password o may nagpalit.
Eh sino naman nga ang gagawa no'n?!
"Kainis!" sigaw ko habang nililinisan ng taga-silbi ko ang paa ko. Naalala ko na naman kasi ang tungkol sa libro. "Aray!" muntik ko na siyang masipa, dahil may natamaan siyang parte ng paa ko at masasabi kong masakit talaga ang pagkakadali niya. "Ano ka ba?"
"Pasensiya na mahal na prinsesa, pero nagulat lamang po ako."
"Ayaw ko na nga, tigilan mo na 'yan." Binawi ko ang mga paa ko at naupo na lang sa kama. "Labas..." kinalma ko ang sarili ko, bago ko siya mapagbuntunan.
Ngayon hindi ko alam kung saan ako hahanap ng kopya, gayong hindi ko rin matandaan ang pangalan ng sender. Sinubukan ko nang gumawa ng bagong account at sumali ulit do'n sa group pero wala na ang post. Palagay ko ay nalinis na 'yon ng admin, kaya hindi ko na makita.
Nagsisi tuloy ako. Sana hindi ko na lang pala binasa, hindi sana ako mababaliw ng ganito dahil do'n. Hindi sana ako maiinis nang wala namang dahilan.
Nakakalungkot lang, dahil 'yon na lang ang pinagkakaabalahan ko these days tapos nawala pa. Aliw na aliw pa naman ako sa kuwento no'n, dahil ang ganda-ganda talaga nang pagkakasulat.
Kinuha ko ang laptop ko at sinearch ang isang writing platform. Madalas ko itong naririnig noon, pero ngayon ko lang naisipang i-download. P'wede kang gumawa ng account mo, para makapagbasa at makapagsulat din ng kuwento.
It's Wattpad...
Nag-isip ako ng unique na username, 'yong p'wede kong gamitin habang nagsusulat. Naisip ko lang na p'wede akong magsulat ng stories, since wala naman akong ginagawa.
Napangiti ako dahil sa naisip ko. Habang ginagawa ang account ay napa-download pa ako ng ibang app. Gusto kong magbasa nang magbasa, bago ko simulan ang pagsusulat ng sarili kong kuwento.
Kung ang iba, nagsusulat para sumikat at kumita. Ako, magsusulat para may makausap, para may mapagsabihan at para may pagkaabalahan.
Nawili ako nang husto, kaya hindi ko napansin na kailangan pa pala ng mga followers. Wala pa naman akong nasisimulan, dahil wala pa akong naiisip. Gusto ko lang gumawa for the meantime, para kapag sinipag ako ay madali na lang akong makakapag-publish ng gawa ko.
Buong akala ko ay madali lang, pero hindi pala. Marami pa pala akong kailangang pag-aralan at basahin para lumawak ang knowledge ko regarding this one. Kahit alam kong mahirap ay wala akong balak umatras.
Who knows? Baka nandito na ang suwerte ko.
I made myself busy by reading some writing tips. Lahat 'yon ay nai-note ko sa notebook ko, para hindi ko makalimutan. Alam kong sa una ay mangangapa pa ako, but sa kinatagalan I'm sure na mamani-maniin ko na lang 'to. Pasasaan din at masasanay din ako.