🏰LUKE🏰
"Dito ka," sabi ko habang hinahabol ang pasaway na si Guiven. Sobrang nataranta talaga ako kanina, kaya napilitan akong iakyat si Alex sa taas para lang hindi siya makita nila Tita Izza.
Binilinan ko naman siyang 'wag bababa bago ako bumalik dito. Hindi kasi talaga siya p'wedeng makita rito nila Tita Izza. Tiyak na magtataka 'yon lalo't nakita na nila si Audrey dati. Baka makuwento nila kay Guione at kumalat pa sa iba.
"Kuya Luke, habulin mo ako!"
Natawa na lang ako, dahil talagang ang kulit niya. Kanina pa siya sinasabihan ng Mommy niya na 'wag magtatakbo, pero hindi siya nakikinig. Palibhasa may kalaro, kaya limot na limot.
"Slow down," sabi ko, dahil baka madulas siya. Natatawa na lang ako, dahil ilang beses nang nahuhulog si Peppa Pig, pero dinadampot niya talaga. Hindi talaga p'wedeng mawalay sa kaniya, kahit na saglit. "Nandiyan na 'ko." Binilisan ko ang galaw ng paa ko, pero niliitan ko ang hakbang ko para 'di ko siya maabutan.
Nagsisigaw siya habang hinahabol ko, kaya sinaway siyang muli ni Tita Izza. Hindi na sila magkarinigan ni Mommy, dahil ang ingay talaga ni Guiven. Nakita niya pa si Yaya Eve, kaya doon nagpakargang pilit. "Heaven!"
Huminto ako kasi bawal ko siyang tayain, dahil nasa taas siya. "Ang daya mo ah?" sabi ko sa kaniya. Sinabayan niya naman ako ng tawa. Bata pa lang mautak na.
Tumayo lang ako malapit sa kaniya at inabangan ang pagbaba niya, pero mukhang uulitin niya na naman ang ginawa niya kanina.
"Ayaw ko na," aniya sabay pababa kay Yaya.
Sabi na eh...
Alam niya kasing wala siyang kawala sa akin, kaya umayaw na naman. Sure akong magyayaya na naman siya makalipas ang ilang minuto.
"Mommy, tired na." Suko na yata si Bagets, dahil lumapit na siya sa Mommy niya para magpakarga.
"Basang-basa ka na naman ng pawis oh."
Agad na dinampian ng halik ni Guiven ang Mommy niya sa pisngi, para hindi na siya kagalitan. Yumakap siya nang mahigpit dito at sinandal ang ulo sa balikat ni Tita.
Ako naman ay umakyat sa taas para silipin si Alex. Baka nabuburyo na siya dahil wala siyang kasama. Sa kuwarto niya ako nagpunta, dahil do'n ko siya iniwan. Awa naman ng Diyos ay nandoon pa rin siya. Busy'ng-busy siya sa paglalaro sa cellphone, kaya hindi niya yata ako napansin. Hindi niya man lang kasi ako tinignan.
"Ang saya-saya talaga mag-play." Lumipat siya sa gawi kung saan nakatalikod sa akin.
"Alex," tawag ko sa kaniya, pero hindi niya ako pinansin. Napakaimposible namang hindi niya ako narinig, kaya nagtaka na agad ako.
"Ang saya-saya talaga mag-play."
"Psst, Wantawsan," kinalabit ko na siya, pero hindi pa rin ako pinansin. Umusod pa nga siya ulit palayo sa akin. "Uy, galit ka ba?"
"Wala akong naririnig."
Galit nga...
Tumayo ako sa harap niya bago bumaba para magpantay kami. "Bakit ka galit ha?" Sa halip na sumagot ay yumuko siya para pilit itago ang mukha sa akin. "Uy... bakit hindi mo 'ko pinapansin?" tila nagmamaktol kong tanong sa kaniya.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: