Chapter 620: PAKIPOT

98 14 0
                                    

🏰ALEX🏰

Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ng araw ngayong alam ko na wala akong kakampi rito maliban sa aso na walang ibang ginawa kun'di kulitin ako, kaya hindi ako nakatulog nang maayos. Hiyang-hiya na nga ako kay Umbag eh, kulang na lang paalisin niya ako sa kama at siya na ang pumalit. Napakatigas ng mukha niya.

Manang-mana sa akin!

"Ano na naman?!" inis kong sabi, dahil lumilinggis na naman siya sa akin. Napaka kapal niya talaga. "Ayaw kitang yakapin, Umbag! Mabaho ka!" Binuhat ko na siya at inilapag sa sahig. "Diyan ka humiga!" Umakyat na naman siya. "Hindi ka talaga marunong mag-listen!" Naiyak na ako sa sobrang asar ko sa kaniya. "B'wiset talaga lahat ng nandito rito sa bahay na 'to." 

Humiga na lang ako ulit, dahil wala naman ibang p'wedeng pagkaabalahan dito. Sobrang boring dito sa pesteng bahay na 'to. Maganda nga pero sobrang boring naman.

Walang kabuhay-buhay!

"Umbag! Naiinis na ako sa 'yo!" Napahinto ako nang siya na mismo ang lumayo sa akin. Parang nagtampo na sa akin ang anak ko. "Hoy, joke lang." Sumiksik na lang siya ro'n sa ilalim. "Umbag, joke lang sabi." Umiwas siya ng tingin sa akin. "Hala, ma-attitude kang pangit ka ah? Bahala ka diyan!" Humiga na lang ako gaya kanina.

Sa pagkakataong ito, maski paghinga ay kinatatamaran ko na. Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko sa buhay ko. Wala na talaga akong plano.

Ngayon gusto ko na naman tuloy mamatay. Wala naman kasi akong silbi. Walang nagmamahal sa akin. Lahat ng mga kinade-deds-an ko galit sa akin. Ka-fight ko silang lahat at hindi ko sila bati!

Nakita kong gumalaw ang doorknob, kaya nagtulog-tulugan muna ako. Ayaw kong makausap ang kahit na sino sa bahay na 'to, dahil wala ako sa mood.

Hindi ko alam kung sino ang pumasok, pero ang daming yabag ng paa ang narinig ko. Nang magsalita ang Diwata ay napagtanto kong siya ang nandito. Siguro marami na naman siyang dalang pagkain, kasi panay ang utos niya na ilagay dito at ilagay doon.

"Bango..." bulong ko, dahil nangamoy pagkain na ang kuwarto ko. Mukhang hindi ko yata mapaninindigan ang sinabi ko na wala ako sa mood. "Sino ba 'yan?" Nagpanggap akong kagigising lang at kunwari ay nagulat nang makita ko siya. "Bakit ka nandito?!" Siyempre nilakasan ko ang boses ko para kunwari galit ako. "Sino may sabi sa inyong p'wede kayong pumasok?! Out!" Nataranta ang mga yaya kaya naglakad sila papunta sa may pinto bitbit ang dala nila. "Hoy, iwan niyo 'yang pagkain ko!" Napatayo ako nang wala sa oras.

Lintek naman kasi 'tong mga yaya na 'to—ang bobobo. Kaya nga sila nandito para dalhan ako ng pagkain, tapos dadalhin naman nila palabas.

"Patawad, Señorita," sabi ng babae.

"Alex pangalan ko!" inis kong sabi.

"Ako na ang bahala rito," sabi ni Diwata.

"Ano'ng ikaw bahala?" baling ko sa kaniya. Nagmamarunong kasi siya, eh wrong din naman ang nipag-gagagawa niya. "Pati ikaw, bawal ka rito! Alis! Bawal pangit dito!"

Nagsipaglabasan na ang mga kasam-bahay. Siyempre sa pagkakataong 'to, iniwan na nila mga dala nila. Very good talaga sila! Ang gagaling! Matatalino! Mabibilis, kahit na ang papangit!

"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?!" Tinaasan ko ng kilay ang Diwata. Akala niya siguro matatakot ako sa kaniya. Kahit gutom ako, gutom na talaga ako!

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon