🏰LUKE🏰
Ayaw ko sanang umalis ngayon, dahil gusto kong sulitin ang oras na nandoon pa si Wantawsan sa bahay. Kaso para akong minumulto ng bear na nakita ko eh. Hindi ako tinatantanan, hanggang sa panaginip nakabuntot.
Gusto ko rin namang mabigyan siya ng remembrance. Souvenir niya man lang sa pagtira niya sa amin. Para 'pag nakita niya 'yong bibilhin ko, maaalala niya kung ilang beses niya akong binulahaw tuwing gabi.
Sila Mommy kasi ang nakaisip ng party, para naman daw mag-enjoy si Alex bago sunduin. Gusto sana namin siyang ilabas, kaso bawal sabi ni Lolo, kaya 'yong party ang naisip ni Mommy na alternative.
Sa sandaling panahon nang pananatili niya sa bahay, napamahal ang mga tao ro'n sa kaniya. Kaya nga nalungkot din sila nang malaman na susunduin na ni Lolo si Alex bukas. Hindi kasi siya p'wedeng magtagal sa amin.
Nalulungkot lang ako, dahil hindi ko alam kung saan na siya sa susunod. Kung p'wede pa ba siyang dalawin. Magkikita pa kaya kami?
Napakamot ako, dahil sa kabaliwan na nasa isip ko. As if naman na may pake siya sa akin, eh puro lang naman siya pagkain.
Chicken, chicken, puro na lang chicken!
Nagmamadali akong pumasok sa mall at hinanap kung saan ko 'yon nakita. Hinahabol ko kasi ang oras dahil baka maunahan ako. Laking pasalamat ko nang mabungaran ko pa rin 'yon doon. Agad kong nilapitan ang bear at nagawa pang kausapin.
"Nandito ka pa rin? Walang bumibili sa 'yo? Cute ka naman ah?" Hindi ko alam kung bakit parang naawa ako sa bear. Wala na ang ibang items na nakita ko. Ito na lang ang naiwan at halos napalitan na ang iba niyang kasama ngayon. "Walang may gusto sa 'yo? 'Ge, akin ka na lang."
Nakangiti kong kinuha ang bear at nagpa-assist sa attendant. Pinabalot ko na rin dahil kung sa bahay ko 'yan gaganiyanin makikita pa ni Wantawsan. Napakaatat pa naman ng babaeng 'yon. Gusto siya lagi nasusunod.
Sobrang saya ko pagkalabas ko ng shop. Alam kong mukha na akong t*nga, dahil nakangiti ako habang naglalakad. Hindi ko kasi talaga mapigilan ang saya ko. Pakiramdam ko, nagawa ko na ang isang bagay na pinapangarap ko.
Ingat na ingat ako na 'wag malukot ang balot. Nag-ikot pa ako para maghanap ng ibang maibibigay sa kaniya. Nagsama na rin ako ng mga pagkain na alam kong magugustuhan niya. Hindi naman kasi siya mahirap bigyan. Lahat naman ng pagkain masarap para sa kaniya, lalo na 'pag kulay blue ang balot. Kulang na lang pati plastic kainin niya.
Bumalik ako sa parking lot para ilagay doon lahat ng binili ko. Inayos ko 'yon sa likod dahil hindi ko naman 'to ibababa kaagad. Dito muna 'to hanggang mamaya, dahil baka hindi ito abutan ng kinabukasan.
Huli kong binili ang paborito niyang manok. Ayaw ko na sana siyang bilhan, kasi may pagkain na mamaya. Pero paki-manok kasi ang babaeng 'yon, kaya napabili pa rin ako.
Matapos kong bumili no'n ay napaisip ako kung paano ang gagawin ko rito. Kung ibibigay ko ba sa kaniya pagkadating na pagkadating o mamaya na lang. Hindi kasi 'to masarap 'pag hindi mainit. I mean, okay naman siya pero iba talaga 'pag ganitong bagong luto.
"Bahala na nga..." Inayos ko ang pagkakalagay no'n sa tabi ko.
Nagulat pa ako nang makita ko ang oras. Akala ko saglit lang ako, pero ilang oras din pala ang kinain ko. Habang nagmamaneho ay panay ang isip ko kung bakit ako inabot ng gano'n katagal sa pagbili.
Kabado ako nang makita ko ang sasakyan na gamit nila Daddy. Nauna na silang nakauwi kaysa sa akin, kaya naman nag-isip kaagad ako nang maayos na paliwanag.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: