Eastrad Angels
Nahihiya at dahan-dahan akong umupo sa tabi niya habang umaagos ang kuryente sa sistema ko. Hindi magkandamayaw ang puso ko sa pagdagundong. Mas lumakas ang hiyawan ng mga kabarkada niyang nasa parehong mesang inuupuan namin. Nakita ko siyang umiiling at nangingiti habang panay ang suway niya sa mga kaibigang walang ginawa kundi ang itulak at asarin siya sakin. Yumuko nalang ako at pinigilang mapangiti.
"Tama na. Nakakahiya kayo!"
Binato siya ng bottled water na wala ng laman ng isa niyang kaibigan. "May hiya ka pa pala, ano?"
Tumawa siya. "Oo, katabi ko siya e.."
Lalo akong nahiya at lalong nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Simula palang ng tawagin ako ng mga kaibigan niya upang umupo dito sa mesa nila ay alam ko nang marami na kaming naagaw ng atensyon. Break ng karamihan ngayon kaya ganun nalang ang hiya ko! Ginalaw-galaw ko ang dalawa kong kamay sa ilalim ng mesa upang mapigilan ang panginginig noon bago iyon iangat upang magsimula ng kumain. Ngunit sadyang hindi ko kayang itaas manlang iyon dahil ayaw pa rin tumigil ng panginginig ko.
"Kain ka na, Caes.."
Inangat ko ang ulo at nakita kong nakangiti sakin si Kirt, isa rin sa Eastrad. Ngumiti lamang ako at tumango. Nagsimula silang magkwentuhan at puro tawanan lamang nila ang maririnig.
"You should eat. Anong oras ang klase mo?"
Halos manigas ako sa kinauupuan at napakamot nalang sa pisngi ko. Inangat ko na ang kamay ko upang makakain na. Pinilit kong huwag magmukhang tanga dahil ramdam ko pa rin ang panginginig niyon. I am trying really hard to be casual, and at the same time ay kahit kaunti ay sumulyap manlang sa kanya. But, I'm just like a robot na kailangan mo pang sabihin kung anong gagawin! Damn! Miski ako ay nababastusan na sa ginagawa ko dahil kinakausap niya ko pero ni hindi ko manlang siya tapunan ng tingin.
"Tsk."
Doon ako napatingin sa kanya at nakita kong kunot-noong nakatingin siya sa cellphone niya. Tumipa siya doon. Mababa lang ang hawak niya sa cellphone dahil nakapatong ang mga braso niya sa mesa. Hindi ko napigilang silipin ang ginagawa niya. Mas lumapit pa ako ng kaunti at mas niliitan ko pa ang mga mata ko upang makita ang tinetext niya. Natigil lang ako ng tumigil siya sa pagtipa. Tiningala ko siya at laking gulat ko nalang ng makitang sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. Mabilis akong lumayo.
Ngumisi siya. "Usod ka naman konte. Masikip na sakin e.."
Marahas akong tumingin sa space sa baba at nabwisit ako sa sarili ng grabe pala ang inusod ko kaya halos magkadikit na kami. Narinig ko ang munti niyang halakhak pero nauwi iyon sa tawa kaya kunot-noo akong tumingin sa kanya.
"Ay. Ayun, so, ano. Close na kayo? Makatawa 'tong si Vann e, no?" sabi ng isa niyang kaibigan.
Tumungo ako at inusod ng bongga ang upuan ko palayo sa upuan niya. Narinig ko nanaman ang halakhak niya at lilingunin ko na sana siya ng bigla niyang hinawakan ang upuan ko at hinila iyon palapit sa kanya. Sasabog na ang puso ko at wala akong ginagawa para maibsan iyon! Naghiyawan ang mga kabarkada niya. Pero ang damuhong ito ay ngingiti-ngiti lang.
"Pushing yourself away is futile. I'll just pull you closer." bulong niya na dahilan kung bakit wala sa sariling kinuha ko ang tubig ko at nilagok iyon ng walang patid. Ngumisi lang siya.
I am not a blooming flower. I am just a plain and a non-special girl to be exact. Isang tipikal na third year high school girl na walang ibang ginawa kundi ang mahiya sa harapan niya. He is Cai Joshvann Savellano-fourth year at hindi basta-basta. Siya lang naman ang nag-iisa at matagal ko ng pinapangarap. First year palang ako, siya na ang unang nakita ng mga mata ko. Bakit? Nagsayaw sila ng grupo niya nung intrams namin nung first year ako at second year siya nun.
He is a dancer. He's one of these guy na nabibilang sa grupong Eastrad. Kilala na sila elementary pa lang sila dahil malimit silang sumali sa iba't-ibang contest. At first, hindi ko sila iniintindi dahil bagong salta lang kami noon dito sa Cavite, dahil sa Bicol kami unang tumira-my father's home.
At saka malayo ang naging school ko dito noong elementary ako, kung saan nagtuturo ang mama ko kaya hindi ko pa sila noon kilala. Doon ko sila unang nakita-sa intrams. Marami-rami na silang fans nun, dahil bukod sa magagaling talaga sila ay wala kang masasabi sa mga itsura nila lalo na kapag nasa stage na sila. Kaya simula nun ay sinundan ko na rin sila, I am now a certified member of Eastrad angels.
Andyang bumibili ako ng mga printed shirt nila, mga lightstick sa tuwing lalaban sila, at kung ano-anong binebenta ng mga admins ng fans club nila. Yes, they had their own fans club. Kaya kahit guest lang sila at hindi sila ang mga kalahok ay napakaraming sumusuporta sa kanila. Maraming naiinggit sa kanila dahil palaging sila ang nagiging champion sa mga patimpalak na sinasalihan nila, but it doesn't affect where they are now. Kaya ganun nalang ang pagwawala ng mga fan girls kapag dumadaan sila sa hallway or kahit saang sulok ng school. Kahit yata umutot itong mga ito ay titilian pa rin sila.
They had the heart of everyone. At alam kong sa mga babaeng nakikilala nila ay walang-wala ako kaya hangga't maaari ay ayokong malaman nilang may gusto ako sa isa sa miyembro ng grupo, and that's, Vann. Every inch of him is shouting that I am no welcome. He's like a home and I'm just a pest, they say.
Nakilala nila ako because of one person na hulog talaga ng langit. Hindi naman sa kinaibigan ko siya para makalapit sa Eastrad, it's just that bonus nalang na close pala siya sa Eastrad nung maging magkaibigan kami. She is Shontelle Acueza-kapatid ng isa sa Eastrad, kaya may koneksyon siya sa mga ito. Kaklase ko siya ngayon and I find her my best buddy. Noong first year kasi ako ay wala akong masyadong kaibigan, like I've said, I'm not the type of girl na social elite. Hindi pa ako nakakalabas sa cocoon ko, well I'm hoping that someday I'll be out.
Lumingon ako sa paligid at nakitang maraming nakatingin sakin ng masama. Ano bang ginawa ko? Buti sana kung kumakandong ako sa isa sa mga lalaking ito e, ang kaso hindi! Ni hindi nga ako makakain oh! Binilisan ko nalang ang pagkain habang sila ay patuloy sa pag-aalaskahan.
"You done?"
Tumango ako at kinuha ang bag sa likod at isinukbit iyon. "Alis na ko. Baka ma-late ako e."
Tumango siya at tumayo. Nakakunot-noong tinignan ko siya. "Saan ka pupunta?"
Nakangiti siyang tumingin sakin kaya't napalunok ako. "Sasamahan na kita."
"Yown naman, bro! Maganda 'yan."
"Hanep gumaganon na tropa natin oh!"
Napangiwi ako sa mga pinagsasabi nila. Umiiwas na nga ako sa mga tinging pamatay sa paligid, dinagdagan pa!
"Tumahimik kayo. Namumula siya.." saka humalakhak.
Pumikit ako at hiyang-hiya na. Iyan ba ang ayaw ipahalata? What the fvck, Caeslei Rehm?! Tumayo nalang ako at hindi na sila pinatulan dahil alam kong sa huli ay ako rin ang matatalo. Bakit naman kasi hindi sakin sumama mag-break itong si Shontelle. May gagawin daw siya sa library, eh sa nagugutom na ko kaya hindi ko na siya sinamahan tapos ito ang napala ko.
"Sige alis na ko. Salamat sa accompany."
Tumawa ang ilan sa kanila at nandyang magpapasaring pa sila ng simulan naming maglakad. Halos hindi ako makalakad sa isiping kasabay ko siya ngayon-nang kaming dalawa lang kaya iba talaga ang epekto sakin. Wala na kong pake sa tingin ng iba. Ihahatid niya ba ako sa room ko?
Ay! Ayoko isipin baka gumapang nalang ako dito bigla!
"Bakit sa kanila ka nag-thank you, eh ako lang naman ang halos nag-accompany sa'yo."
Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya sa tabi ko. Nakataas ang kilay niya habang nakanguso. And that made my hormone cells burst!