You can't have
Mabilis akong pumara nang masasakyan ngunit isang hablot lang sakin ay napababa ako at narinig ko ang pamilyar na boses sa likod ko na pinapaalis na ang cab. Kung kanina ay mabilis na ang tibok ng puso ko ngayon ay dumoble. His hands in my arms! Fvck it! Ngayon niya nalang ulit ako nahawakan pagkatapos ng nangyari.
I turned around and glared at him. Pinigilan kong mapasinghap nang magtama ang aming paningin. His hair is slightly mess and his chinky eyes is now serious and go even more darker. Hindi ko napigilang mapalunok. All I am feeling is.. shallow.
"Bitaw." Pilit kong ginawang casual ang aking boses sa kabila ng pagkatuyo ng aking lalamunan.
Pumungay ang mata niya. "Let's talk... please."
Kumabog ang aking dibdib sa tono ng kanyang boses. Walang pinagbago. Malambing pa rin. Tinanggal ko ang kanyang kamay sa aking braso, muling kumabog ang puso ko. Tinitigan ko siya at may nakita akong mas lalong ikinabog ng dibdib ko.
"Tapos na lahat sa atin diba? We have no reason to talk about it. I'm fine. We're done." Ngumiti ako ng pilit. Sarcastic, rather. "What are you doing here, anyway? Why...Are...You...Here?" humalukipkip ako.
Pull yourself over Caeslei!
Pinilit niya kong abutin ngunit iritado akong lumayo. Kumunot ang noo niya. Kitang-kita ko kung paanong dumami ang linya sa kanyang noo kahit madilim dahil sa ginawa kong pag-iwas. I thought this day would come but not today. I'm.. not prepared.
"Please.." pumikit siya ng mariin. "Please.. let's talk. I'm sorry. H-hindi ko na alam kung paano ka ibabalik sakin—
"Hey!" pumeke ako ng tawa. "You know I won't come back, don't you?"
Kitang-kita ko din ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib at lahat ay malalalim na paghinga ang pinapakawalan niya. Binasa niya ang labi at bumulong ng mura saka sinuklay ang buhok. Lalo iyong gumulo imbis na umayos. I can see his hardship.
"Rehm.."
Matalim akong tumingin sa kanya. I don't wanna hear it anymore! "I'm not coming back to you... Vann."
"Rehm, please.."
"Vann let's stop all this fvcks! You already a married man?! Paano mo nasasabi iyan sakin? Asawa mo na si Mitchy! Kayo rin ang nagkatuluyan sa huli, hindi ba. At may batang involved! Hindi nalang tayo ito, Vann! Please open your mind!"
"But I still want you—
"Yeah, she's not coming back to you.." baritonong boses sa kung saan.
Madilim ang paligid ngunit may nakita akong isang bulto, nung una ay hindi ko ito maaninag ngunit nang unti-unti siyang lumapit samin ay nalaman ko na, nakumpirma ko nalang nang masinagan siya ng ilaw ng streetlight.
Anong ginagawa niya dito?!
Halos mapaatras ako nang makita kong madilim at matalas ang mga mata niya sa amin—sa akin. Maangas siyang naglalakad papunta sa direksyon namin. Gusto kong tumakbo ngunit napako ng mabuti ang aking mga paa sa sahig at nanlalambot ang aking tuhod sa panginginig. Hindi ko na makontrol ang kabog ng dibdib ko at parang hihimatayin ako sa sobrang kaba. Nanlalamig ang buong mukha ko ngunit pinagpapawisan ako.
Vann is also staring at him. Mabilis ang hakbang niya at mabilis din ang paghinga niya. Galit! Hindi niya nilubayan ang mata ko kaya't nag-iwas ako ng tingin. Luminga ako at naghanap ng sasakyang dadaan ngunit wala. Gusto ko mang hilahin si Vann palayo ay hindi ko kaya talaga.
Nagulat nalang ako nang nasa tabi ko na siya at hawak na ang kamay ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Nanggigigil siya! Nararamdaman ko ang sakit dahil pinipisil niya iyon ng madiin at parang gusto niyang durugin ang kamay ko. Naamoy ko ang pabango niya ngunit mas lumutang ang amoy ng alak.
Lasing siya?
"Seven! Aray!"
"You can't have her again 'cause she's now mine." yun lamang ang kanyang sinabi ngunit mas naramdaman ko ang pagwawala ng puso ko. Lumuwag ang hawak niya sakin at ngumisi siya sa kay Vann. Tumingin siya sakin at napalunok ako ng matamaan niya akong suriin.
I'm wearing plain white racerback with peach longsleeve coat and black maong shorts with my killer stilettos. Binalik niya ang tingin sakin. Matalas iyon ngunit dahil sa kalasingan ay pumupungay din.
"Who are you?"
Binaling niya ang tingin kay Vann at tumagilid ang ulo niya na tila nang-aasar pa. Dammit! "Her husband."
Kumalas ako sa pagkakahawak niya. "What are you.. He is not.. I'm not married yet!"
Kitang-kita ko ang pagtagis ng kanyang panga. Tumingin siya sakin at muntik pa kong matapilok ng hilahin niya kong muli sa tabi niya. "Well.. you are not... yet." Ngumisi siya sakin. Tila may sinasabi ang kanyang mata. Our first night together! "Now, let me kiss my bride first."
Hindi pa man ako nakakahinga dahil sa sinabi niya ay nagulat nalang ako ng bigla niyang dakmain ang batok ko at madiin akong hinalikan sa labi pagkatapos ay mabilis niya akong hinapit sa baywang. Hindi ako makagalaw sa gulat at sa higpit din ng hawak niya. Malalalim na halik ang sumalubong sakin at parang lumutang nanaman ako sa ulap. Nalalasahan ko ang alak at mula sa mainit niyang hininga ay nalilipat iyon sa akin. He invade our space! He locked me with him... in front of Vann! The fact!
Pumalag ako ngunit mas nagiging agresibo siya. Hindi na ko makahinga! Napahawak na ko ng madiin sa kanyang mga braso at alam kong naramdaman niya iyon kaya tigilan na niya ako.
"See? Run away and I'll make you breathless again."
Hinihingal pa akong tumitig sa kanya ngunit naalala kong bigla na nasa harapan lang namin si Vann! Bumaling ako sa kanya. Malamlam ang mga mata niya. Hindi ko alam kung ano-anong emosyon ang naglalaro doon. Napapikit ako at napahinga ng malalim.
Kitang-kita ko na, Vann. Kitang-kita ko...
Napadilat ako sa paghaplos sa aking mukha. Bumungad sakin ang mapupungay na mata ni Seven. Nagulat nalang ako ng makita ko ang pagkislap ng kanyang mata. Nanlaki ang aking mata.
"Seven.."
Pumikit siya at suminghap. Tumingala habang hawak pa rin ang aking pisngi. Sinilip niya si Vann kanya't napasilip na rin ako. Tumalikod siya habang nakayuko.
Kinagat ko ang labi. "Vann!"
Nang biglang bitawan ni Seven ang pagkakahawak sakin. Napatingin ako sa kanya, nakabaling na siya sa ibang direksyon. Nanlambot nalang ako ng tumulo ang luha sa isang mata niya. What the hell?! Napatunganga nalang ako ng hawiin niya ang luhang iyon. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya na tila gusto niyang durugin ang mga ngipin niya.
Nasasaktan ako! Nanghihina ako sa itsura niya! Ang sama-sama ko dahil umiiyak sa harapan ko ang lalaking mahal ko! Ang lalaking muling bumuhay sa namatay kong paniniwala sa mga lalaki. Ang lalaking dahilan ng lahat. Ang lalaking nagpaikot muli ng aking mundo.. ay lumuluha dahil nasaktan ko siya at patuloy na sinasaktan.
I'm not deserving for his love..
"Seven—" lalapit sana ako ngunit napanganga ako ng bigla siyang tumalikod sa akin.
Ang sakit! Ang sakit sakit na kaya na niya akong talikuran! Panay ang mantra ko sa isip na dapat lamang iyon sakin ngunit hindi ko mapigilang mamuo ang aking luha. Ang sakit sa lalamunan at lalo sa puso.
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "When will you end this, Caes? This challenge. When will you satisfy? 'Cause if you don't know, I'm starting to get tired."
