Kabanata 42

382 14 0
                                    

Heartbeast



"Ugh!"




Gulong-gulo na ang buhok ko dahil sa kakagalaw ko doon. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Bakit ganoon kalakas ang self confidence niya? Tinatarayan ko nga siya e, kaya paano niya nasasabing hindi ako makakahindi sa kanya?! Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon pero... sobrang lakas ng impact sakin!



Narinig ko ang katok sa pinto ng kwarto ko kaya taranta akong halos napatalon sa kama upang makahiga at magtalukbong. Gosh, what's happening to me! Bakit ako natataranta?!



"Caeslei.."




Nang marinig ko ang boses ni papa ay napapikit ako at napahinga ng malalim. Tinampal ko pa ang dibdib ko sa bandang puso dahil panay pa rin ang kabog niyon. Dahan-dahan akong bumaba sa kama at bago buksan ang pinto ay inayos ko muna ang sarili at pinagmukhang inaantok ang aking mata.

Bumungad sakin si papa. "Natulog ka pa? O, aalis na ko ha. Bumaba ka na lang kapag nagutom ka pero mas mabuti kung tulungan mo sila rito. May sasabihin din si Seven sa'yo mamaya."



Kumabog nanaman ang puso ko sa pagbanggit sa pangalan niya. Naagaw ng paakyat na si Seven ang atensyon namin. Nagtama ang mata namin ngunit nanginig ako sa pagka seryoso nito habang may kausap sa phone. Nag-iwas ako ng tingin.




"Sige. I'll give you the details later. But I want it not to be revealing just pure elegancy." saka binaba ang phone. Nakarating siya sa amin at ngumiti kay papa. "Alis na kayo, mang Rems?

Tumango si papa. "Nagpaalam lang ako dito sa anak ko. Oh paano aalis na ko. Magsabi ka na.." humagikhik si papa. "Caeslei, aalis na ko. 'Wag mong aawayin si Seven, mapapalayas tayo dito." saka humalakhak.

Sumimangot si Seven. "Tss."






He laughed again before he tapped Seven's shoulder and go downstairs. Bumusina ang sasakyang magdadala sa kanya sa venue kaya natatawa siyang patakbong lumabas. Pagkaraan ay umalis na ang sasakyan.




I sighed and glanced at Seven's direction to find out he's staring at me! Ngumiwi lang ako saka tumalikod upang bumalik sa kwarto ngunit bago ko pa masarhan ang pinto ay humarang siya at pilit na nilusot ang katawan para makapasok. Ngumisi siya pagkatapos.

Hinampas ko siya. Dumadagundong nanaman ang puso ko! "Labas! Ano nanaman?!

"Woah. Nag-general cleaning ka? Nag-iba 'yung kwarto mo."

"Talagang alam mo ha? Pwede ba umalis ka na. Matutulog pa ko!"

Ngumuso siya. "You can't sleep again."

Tumaas ang kilay ko. "At baket?"




Ngumisi siya. Muli kong inulit sa utak ko ang sinabi ko, walang mali doon. Pero 'yung tono! 'Yung tono ang sumira sa pagtataray ko! Dammit!

Nilapat niya ang palad sa aking noo at tila pinaplantsa iyon. "'Wag ka na sumimangot, alam ko namang masaya kang andito ako."

Pinalo ko ang kamay niya at humalakhak siya. "Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang tumawa at ngisian ako?!"



Tumitig siya sakin at tumagilid ang ulo. Nag-iwas ako ng tingin dahil lintek! Ang pogi niya sa ganoon!




"Why, if I'll play the cold treatment around you, you'll fall for me? Ganoon ba ang mga tipo mo? 'Yung magpapakahirap ka munang magpapansin bago niya mapansin? What, Caes?" mariin niya ulit na banggit sa pangalan ko.




Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon