Kabanata 59

383 18 6
                                    

Freedom

Hi my beautiful and wonderful readers. I just want to inform you guys, na baka maging mabagal ang update dahil sobrang pinapatay ako sa trabaho. Peak season na kasi so paguran talaga kami. But I'll try my very best to update once or twice in a week kung kakayanin ng sched ko. And secret muna kung hanggang ilang chapters nalang. Magugulat nalang kayo end na pala siya haha! So thanks for inspiring me and please keep supporting me. See you on my other stories! Thank you ng malupit sa inyo! :) ❤



Hindi mapawi ang ingay namin kaya nagpasya kaming lumipat ng lugar. Nag-alangan pa akong sumama dahil hindi naman ako nagpaalam na gagabihin o baka nga umagahin pa. Sa Padis Point kasi sila nag-yayaya—ay mali plano na pala nila iyon.

Sinabi pala ni Shon na kasama niya ko pero dati daw ay sinabi na ni Kirt sa kanila sa nakita niya na ko dito sa Pilipinas pero hindi naniwala ang ilan.

"I told you guys, nakita ko siyang lumalakad sa school namin!" humagalpak si Kirt. "Akala ko nga nababaliw na ko pero nung nasundan iyon ng pangalawa at pangatlo..." tumingin siya sakin habang nakataas ang kilay at nakangisi.

Nakangiti akong umiling sa kanya. "E, bakit hindi mo ako nilalapitan?"

Nagkibit lamang siya ng balikat. "You've changed." Nakangisi siya ngunit seryoso ang boses.

"Oo mas lalo siyang gumanda... and dude... the body! Sizzling!"

Tumawa ako. "Hindi ko alam na may pagkamanyak ka na pala, Dwane?"

Nagtawanan kami. Ngunit nanatili sa aking isip ang sinabi ni Kirt. Eh, ano ngayon kung nagbago ako ng itsura. Hindi naman ibig sabihin noon ay hindi na ko marunong kumilala ng kaibigan kahit matagal na panahon pa ang lumipas. Pero hindi ko maitatangging may iba pang ibig sabihin si Kirt doon, ramdam ko e.


The party is in half peak. Medyo napaaga nga kasi kami pero ok lang dahil mahaba-habang gabi ito para sa amin. Lubos ko talagang ipinagpasalamat at walang Joshvann akong nakita.. hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko siya.

Na-eexcite na kinakabahan ako!



Hindi rin naman siya napag-uusapan, siguro'y iniiwas talaga nila. Kaya mahal na mahal ko 'to sila e! Nakalatag na ang iba't-ibang inumin sa aming lamesa dahil mag-mi-mix sina Clae at Kirt bilang sanay na sanay sila sa ganito. May kinalaman kasi sa bartending ang kursong kinuha nila kaya't may subject silang ganoon.


"So, perks of being HRM students?" ngisi ko sa kanila habang pinagmamasdan silang namimili ng magandang i-mix.

Nagkibit ng balikat si Clae. "Kailangan ko rin kasing mag-practice dahil may event kami na kami ang mag-aayos."

"Ikaw, Kirt, bakit iyan ang course mo?" tumawa ako. "Don't know you love food?" tumaas ang kilay ko sa kanya.


Umirap siya at isinalin ang kaunting Smirnoff at iyong sparkling wine. Tinikman niya ito pagkatapos ay dinagdagan ulit ng Smirnoff bago muling tinungga. Nag-antay ako ng reaksyon sa mukha niya ngunit ibinaba niya lang ang basong hawak bago kumuha ng isa pa.

"Masarap?" tanong ko.


Inilapit niya sakin ang basong ininuman na may laman pa. "Tikman mo."


Nakangisi kong tinikman iyon. Nakatuon ang atensyon ko sa iniinom nang maramdaman ko ang titig niya sakin. Bumaling ako sa kanya, nakatapat pa rin sa bibig ko ang baso ngunit hindi ako umiinom. Bahagya kong naibuga ang iniinom dahil sa paghalakhak. Lalong sumama ang tingin niya sakin kaya't lalo akong napahagalpak.



Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon