Kabanata 69

394 19 11
                                        

First love and fierce love

"Achiiii!"


Halos itulak ko siya ng marinig ko ang matinis na sigaw ng aking kapatid sa labas ng aking pinto. Napamura din siya sa gulat.


"Sino 'yon?" nakakunot niyang tanong habang nakatingin sa pinto.


Kinakabahan kong inayos ang sarili saka umupo. Narinig kong muli ang sigaw niya kaya halos mangatog ako ng tumayo.


"Kapatid ko, shit!" nag-isip ako kung saan siya itatago. "Teka lang! Ano bang kailangan mo?!" sigaw ko sa kapatid ko. Natataranta na ko!

"Anong oras na! Magluto ka na!"



Tumingin ako sa nakakunot na si Seven. Sinenyasan ko siyang lumapit sakin na agad naman niyang ginawa.


Parang lutang pa rin ang isang 'to. Nakakunot lang ang noong sumusunod sa akin. Lumapit kami sa pinto at muli ko siyang sinenyasang tumahimik muna. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Nasa likod ko lang siya upang hindi siya mapansin.


Bahagya kong binuksan ang pinto. Lintek na 'yan parang may pinagbabawal kaming affair nito e!

Bumungad sakin ang naka-pajama ko pang kapatid. May hawak siyang chips-a-hoy.

"Eight thirty palang, bakit magluluto agad?"

Kinamot niya ang ulo. "Breakfast! Tignan mo nga 'tong kinakain ko, hindi ka ba naaawa sakin?" nakanguso niyang sabi.

Inirapan ko nalang. Kung wala lang akong hawak sa likod ko baka tinadyakan ko na 'to pababa ng hagdan e!

"Sige na. Sige na! Napakatakaw. Kakain pero di marunong magluto!"

Yayakap pa sana siya sakin ngunit mabilis kong isinara ang pinto. Makita pa niya si Seven e!

"Achi!" muli niyang sigaw.

"Ano ba! Oo na, magluluto ako!" tahip-tahip pa rin ang aking kaba sa dapat niyang gagawin. Muntik na!

"Buksan mo nga 'to!"

Nanlaki ang mata ko. Napatingin ako sa kay Seven. Bagot lamang siyang nakatingin sakin.

"Ang iingay niyo. Sigawan kayo ng sigawan."

Kinunutan ko siya ng noo ngunit natatawa sa kanyang sinabi. Kaya pala ganoon ang pagmumuka ng isang 'to. Naiingayan nanaman.

"Susunod na nga!"

"Buksan mo nga kasi! May ibibigay akong cellphone!"

Doon ako napabukas ng pinto ngunit bahagya lang. Nasa likod ko pa si Seven. "Cellphone?"

Inilabas niya mula sa kanyang bulsa ang isang cellphone. "Ito. Sabi ni mama ibigay ko daw sa'yo."

"Huh? Binilan ako? Ayos pa naman 'yung akin ah?"

Tumango siya at muling kumagat sa cookies. "Akala ko din binilan ka, tapos ako hindi pero sabi niya nakita niya lang daw ito sa sofa. At saka may nakita ako..." nanliit ang kanyang mata sakin at ngumisi ng nakakatakot. "Nakita ko 'yung wallpaper.."

Ngumiwi ako dahil sa kanyang ngisi. Hahablutin ko na sana ang cellphone ngunit umilag siya. Nakakainis talaga 'tong impaktang 'to.

"Akin na!"

Mas lalo siyang ngumisi at tinignan pa ang cellphone. "Siguro nakita din ni mama 'tong wallpaper kaya niya nasabing ibigay ko sa'yo!" nanunuya niyang sabi.

Binitawan ko si Seven at hinarap ang maldita kong kapatid. "Ano ba kasi 'yan?!"

Tumawa siya. "Hala galit na siya!" muli siyang humalakhak. "Sige na nga, ayan na.." binigay niya na sakin ang phone.

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon