Kabanata 65

411 15 5
                                    

Hope for the best

Pumalakpak at naghiyawan ang mga tao sa bahay namin nang makarating kami. Graduate na ko! Kami! At last! Haha! Humagalpak ako ng halos madapa si Shontelle papunta sakin. Tinulak kasi siya ni Kirt.. I don't know what they are now, pero sa tingin ko naman ay maayos na rin sila. Ata?

"Oh my gosh! We need to take a selfie. Caes! Let's post it on IG.. inggitin natin si kuya."

Binatukan ko nga. "Baliw! Pero sabi naman niya susunod siya. Gabi na nga lang."

Sayang at hindi nakaakyat ng stage si Clae. Ewan ko ba doon, ayaw sabihin kung saan pumunta basta daw kailangan niya munang umalis kahit ilang oras nalang ay aabutin niya na ang diploma. Graduate na halos lahat ng Eastrad. Naka-black toga pa nga kami nila Kirt e, feel na feel.

"Sus! Inuna niya pa ang babae niya." reklamo ni Shon.

Papasok na kami sa bahay at halos lahat ng kapitbahay namin ay nandoon. Isama pa ang mga kaibigan namin. Edi wasak ang bahay!

"May babae si Clae?" tanong ko ngunit hindi ako kay Shontelle nakatingin. Binabati kasi ako ng mga kapitbahay at kakilala.

"Malay ko 'don, probinsyana ata ang target."

Kumunot ang noo ko at napatingin na sa kanya. "You mean nasa province siya ngayon?"

Nagkibit-balikat siya at umalis sa tabi ko dahil tinawag siya nila Genie. Hindi katulad namin, may isang taon pang bubunuin si Shontelle sa college. Late nga kasi siya.

Nagpaalam ako upang magbihis na. Pagbaba ko ay wala na gaanong tao at puros co-teacher nalang ni mama ang nandoon.

"Nasa labas sila.." sabi ni mama sakin at nagpatuloy sa pakikipag-kwentuhan.

Lumabas ako at nakitang nandoon nga silang lahat. Ngunit umalis na ang iba dahil may kanya-kanya rin silang salu-salo sa mga bahay nila. Close friends at Eastrad nalang ang nandoon. Even the new Eastrad are there too. Malamang dahil kaibigan din sila ng kapatid ko.

"Ate Caes! I can't believe talaga you're a dancer pala!" maligayang sabi ni Brit—kaibigan ng kapatid ko. Conyo talaga 'yang batang 'yan. Alien.

Tumawa lang ako. Alam na nila lahat. That means the world's so small for us. Sa isang orbit lang umiikot ang mga mundo namin. Is that great? Of course!

"Achi." Tawag ni Calei. "Sa ibang table nalang kami."

Tumaas ang kilay ko ngunit hinayaan ko na. Well, baka nahihiya sa kanila Kirt. Walang paglagyan ang aking saya dahil sa wakas buo kami at walang kahit anong awkwardness. Wala pa si Luther dahil may inaasikaso pa. We forgave each other and that's enough.

But there's still I'm looking for. Parang may space pa rin na hindi ko alam kung anong kulang.

"Siguro sa isang linggo na. May dad wants me to manage it." Kibit-balikat ni Jess. Sila kasi ay may business na talaga.

"Bale apat na araw lang ang pahinga mo then isusubsob ka na agad?" di mapigilang tanong ko.

Tumango siya. "Iyon na nga siguro.."

Ngumuso ako at nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan. Inabot kami ng gabi at nagpasyang lumabas. The boys wants to drink, tho it's not that we're not allowed to do so pero gusto ko ring lumabas kasi. Pinayagan kami ngunit may curfew ako ng 2 am buti nga nakalusot.

We drop by at District mall. Sabi kasi nila ay mag-Padis Point Pala-pala nalang kami so we decided na mamasyal muna. Mamaya pa kasi ang peak at boring lang kung maaga kaming pupunta. Nang mag-alas diyes ay tumungo na kami doon. Jess drives his new Tucson, gift from his father. RK talaga.

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon