Kabanata 28

321 10 0
                                    

Kind of guy

"Woohh!"

Inihagis namin paitaas ang mga toga namin kasabay ng hagikhikan at may iilan pang lumuluha. Bawal talaga ito, pero syempre mga rule breaker ang mga kasama ko kaya nakisabay nalang ako, wala na silang magagawa tapos na kami sa school na ito wala ng grade na nakasalalay. Our graduation just ended. We survived our high school life. Now, we are preparing for another batch of years in college.

"Mga atey! Congrats!"

Tumawa si Orleane. "Yes, graduate ang bakla." sabay-sabay kaming humalakhak. "Saan kayo? Soli muna natin 'tong cheap na toga tapos kain tayo."

"Libre mo atey?"

Tumango nalang si Orleane. Nagpaalam ako kay mama na buong araw akong mawawala dahil lulubusin namin itong araw na magkakasama kami. Well, they are my only friends here na nagtagal kong nakasama kaya hindi na ko nagpapilit pa. Aalis na rin kasi ng bansa sa isang linggo si Hani, isa din sa mga kaibigan nila Orleane.

Nang maayos na lahat ay dumiretso kami sa van nila Orleane, plano na pala talaga nilang mag-mall kaya handa na. Mahigit labinglima kami dahil sumama din ang mga boys namin at pito naman kaming babae.

"Hey, Lean. Wala ka atang naging flavor of the month a?" nang-aalaskang tanong ni Aston-kaklase rin namin.

"Do you want to be, hm?" tamad na sagot ni Orleane. Humikab pa ito at humilig sa front seat na inuupuan bago tamad na bumaling kay Aston.

Sumimangot si Aston. "Tss. Just saying." umirap ito. "Mahirap ang makarma sa taong mamahalin mo."

"And it's you?" nakaismid na aniya.

"Woah! Guys stop it. Dude, keep your balls shut!"

Nagpatuloy lang kami sa biyahe at buong biyahe ay maingay ang mga lalaki. Samantalang panay ang usap at tilian ng ilang babae sa mga campus heartthrob na papasukan nila sa college.

"Ikaw, Caes. Where is your college?"

Nilingon ako ni Aston. "Don't tell me sa college pa nila Vann ikaw papasok?"

Days had passed but I'm still stucked and fvcked up. Pangalan palang niya ang naririnig ko pero sinisira na nun ang buong pagkatao ko. Wasted akong umuwi sa bahay ng magtapos ang relasyong akala kong hanggang huli. Hindi ko na sinabi kay mama na naghiwalay na kami dahil magtataka pa 'yun kung bakit siya pa ang nakipaghiwalay at sasabunutan lang ako nun kapag nalaman niya pa na naging desperada ako. Sinabi ko nalang sa London ako pupunta at dadaan nalang muna ako sa CamSur bago dumiretso sa England. Kaya rin ako dito naka-graduate ng high school dahil bago pa kami magtapos ay sinabi ko na kay mama ang desisyon kong ito.


"Pero kayo pa rin?" malamig na tanong sakin ni mama.

"Mas maganda ang opportunity abroad."

Tumango siya. "Alright. Alam ko namang hindi kayo magtatagal niyan dahil hindi niyan kakayanin ang long distance. That kind of guys... they are explorers, they will just loved you today but when you're not around parang mga tigreng nakawala. In a one swift move they had found another."

"Alam mo kalalake mong tao ang dami mong alam." dinig kong sabi ni Orleane.

Inikot ko ang paningin at nakitang lahat sila ay nakatingin sakin na tila may inaantay. Naalala kong tinatanong pala nila ako. Hindi naman kasi naging private ang hiwalayan namin dahil siya na mismo ang nagbabalandra ng relasyon nila ni Mitchy. Kalat sa social media ang pictures nila. Nag-status din si Mitchy na engaged sa kanya na inaccept naman niya. It was a stray bullet to me. Bawat gabi ay iniiyakan ko siya, may times na napapagod ako at natutulala nalang sa kawalan.

Kaya nagdesisyon akong magpalipas muna. I have to exhale all the heartache. At magagawa ko iyon kung hindi parehong hangin ang nilalanghap namin. Alam kong tatakas ako pero iyon ang kailangan ko dahil mamamatay ako kung hindi ko ililigtas ang sarili ko. Hindi ako duwag, gusto ko lang ng katahimikan. Katahimikang pwedeng magbalik sakin.

"I'm sorry. You'll be ok soon."

Nakarating kami sa mall at kung saan-saan na lumipad ang mga lalaki, isa lang ang bibili ng pabango pero lahat sumama. Kami ay tumungo na sa isang restaurant na pagmamay-ari nila Orleane. Pagbalik ng mga lalaki ay agad kaming kumain. Masasarap at unique ang mga pagkain dahil banyaga ang ilan at mayroong Filipino dishes with the touch of the taste of South America. Naalala ko tuloy 'yung resto namin, hindi ko na iyon nadadalaw pero si mama siguro ay araw-araw dahil nagkukwento siya kay papa.


"May isa akong dish na naiambag dito sa mga kinakain natin. Meaning ako ang nagluto at galing sa maganda kong utak ang paraan ng pag-pe-prepare." nakangisi at buong pagmamalaking sabi ni Orleane.

"Talaga atey?"


Tumango si Orleane at tinuro ang isang pa-oblong na pinggan na malapit sakin na kanina ko pa rin pinagdidiskitahan. Pinatong niya ang mga siko sa lamesa at pinagsalikop ang mga daliri habang nakatingin pa rin sa pinggan.

"Roast duck with.. orleane's sauce." tumawa ang mga lalaki kaya umirap si Orleane kahit natawa rin siya sa pagbanggit niyon. "Boys. 'Wag masyado green ha?" muli siyang umirap. "It was my experiment that's why sinunod ko sa pangalan ko."

Kinuha ni Aston ang maliit na platito kung saan nakalagay ang sinabing sauce ni Orleane. Dinakot niya ito ng isang daliri bago isinubo ng nakapikit. Ngumiwi si Orleane at sinaway sa ginawa, for pete's sake! Masyadong elegante ang lugar para sa ginawa ni Aston.

"Sarap naman ng Orleane's sauce." Aniya habang matamang nakatingin sa nadidiring si Orleane.

"You fvcking asshole and your fvcking dirty mind. Don't flirt with me here, not this time. Kung gusto mo sa ibang araw nalang."

Tumawa si Aston. "So can I have your number then?"

"Hahh.." pagod na bumuga ng hangin si Orleane bago umikot ang mata. "Whatever. Shut up or I will kick you outta here."

Nang matapos ay umikot muna kami sa mall. Pinag-uusapan nila ang skills ni Orleane sa pagluluto. Sabi niya hindi naman daw siya talaga nagluluto, pinilit lang siya dahil one day siya na ang magpapatakbo ng isang branch noon, she will rather chose education than culinary but she wake up one day she's inlove with cooking at ito rin daw ang dahilan kung bakit nawala ang atensyon niya sa paghahanap ng flavor of the month.

Nasa escalator kami ng umalingawngaw ang boses ni Romart sa tenga ko.

"Atey 'yun 'yung pinalit sa'yo ni Vann hindi ba?"

Hindi ko alam kung narinig ng iba ngunit ng tignan ko sila ay busy sila sa pagtatawanan. Nilingon ko ang tinuro niya at saktong pagtapak ko ng paa ko paalis sa escalator ay nakita ko ang inangat niyang isang pares ng sapatos na pink. Tuwang-tuwa siya doon habang pinagmamasdan. Nakamasid lang ako sa kanya na bumubuka ang bibig ngunit walang kausap ngunit ilang sandali pa ay nawala siya at nang bumalik ay hila-hila na niya si Vann sa braso!

Bakit nasa baby section sila?...

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon