Kabanata 62

329 15 0
                                        

Version 2.0

Dumating ang festival week. Nagsisigawan at murahan na sa aming room dahil sa pagka-irita ni Genie sa mga kaklase naming ayaw paawat sa pagpasok sa aming silid.

"Pwede makaintindi naman?! Puta paano kami makakatapos kung ayaw ninyong tumahimik muna dyan! 2 hrs lang naman ang hinihingi ko e!"

"We want to see them first!"

Inis na ginulo ni Genie ang buhok habang pilit pa ring isinasara ang pinto. "Saglit nga lang! Hindi kami makakagalaw ng ayos kung lahat kayo ay nandito sa loob!"

"You bitch! Hindi kami bata para manggulo dyan sa loob!"

Napahinga ako ng malalim. Tumayo ako dahil hindi matatapos iyan, mas lalo kaming made-delay. Buhok palang ang naaayos sa akin!

"Genie.." tawag ko.

Iritado siyang lumingon sakin. Galit pa rin sa mga tao sa labas.



"Let them in. Baka mapagalitan pa tayo dahil nakahambalang sila dyan sa labas."

"No, Caes. Imbis na tahimik tayo ay iingay pa. Hayaan mo sila. Magpa-make up ka na doon!"


Inangasan ko lamang siya at bumalik sa upuan. Bahala siya dyan, dadami nanaman ang haters niya. Si Benny pa ang inaayusan e—'yung isang babae namin kasunod ay ako saka 'yung isa pang babae na Klare ang pangalan.


Ang mga lalaki naman ay walang ginawa kundi ang magmura dahil sa COC nila. Mamaya pa kasi sila dahil kami munang mga babae ang aayusan, madali lang kasi ang lalaki. Bahagya akong dumausdos sa arm chair na inuupuan.


Nakatunganga ako sa kay Benny na nakapikit at nakatingala sa nag-aayos sa kanyang mata, ngunit sa iba naglalakbay ang utak ko.



Hindi ko alam kung paanong nakabalik pa ko sa loob. Muntik-muntik na kong murahin nila Kirt dahil sa biglaan kong pagkawala. Hindi pala sinabi ni Shontelle na kausap ko si Vann kaya ganoon nalang ang pag-aalala nila. Wala ako sa sarili. Nakaupo lamang ako habang panay sila sa pagdaldal.

Hindi ko na alam kung nasaan si Vann at hindi ko alam kung nagpakita siya sa lahat... pero tingin ko'y hindi. Walang silang alam na nagkita na kami.


Sinabi sakin ni Shontelle na hiniram niya daw ang cellphone ni Dwane at siya ang tumawag kay Vann. She just want us to talk.. to clear all things pero hindi iyon ang nangyari. Mas lalong gumulo! Sinabi ko ang tungkol kay Seven, na sumunod siya dito sa Pilipinas.


"What?! Bakit hindi mo pinakilala sakin?!"



Sinamaan ko siya ng tingin at nilagok ang kakalapag lamang na mix ni Clae. Halatang nagulat siya at dapat ay pipigilan ngunit bago pa siya makapagsalita ay taob na ang baso. Ngumiwi ako sa tapang! Hayop! Vodka ata 'to!


"Ang pait!" kumuha ako ng tubig.

Kunot-noo siyang tumingin sakin. "Basta ka kasi inom. Puro pa kasi 'yon!"

Humarap ako kay Shon at hindi inintindi ang kanyang kapatid. "Wala kaming relasyon para ipakilala ko siya—

"Kahit na!"


Hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari. Inipit ko ang pagitan ng aking mata at saka pumikit. Dumagsa ang nangyari noong gabing 'yon ngunit tanging mukha lang ni Seven ang focus.

When a tear fell down. When how his eyes reflected the tiredness, not just tired but exhausted. Really exhausted. And when he turned his back.


Ang sakit! Sobrang sakit makitang naglalakad siya palayo ngunit wala akong ginawa para lang pigilan siya. Pero sino bang niloko ko? Sila ni Aikah, right? Anong paglalaro nanaman ba ang gusto niya?



"Hey daydreamer, you're next!" tawa ni Kiel sa aking tainga kaya't mabilis akong napatayo.



Sinimangutan ko siya at pumwesto na kung saan ako aayusan. Tapos na pala si Benny. Nasa kalagitnaan ng pag-aayos sakin ay tumunog ang phone ko at pangalan ng bruhang Shontelle ang lumabas.


"Ano?"

[Where are you? Bakit sarado ang room niyo at bakit nakita kong pagala-gala 'yong ibang mga classmate mo sa labas?]

"Come in. Kumatok ka. Sinarhan lang 'yan dahil mag-aayos muna kami. Pasok ka na." nilayo ko ang cellphone sa tainga. "Genie! Buksan mo! Si Shontelle 'yan!"


Pagbukas ay bahagya pang nakakunot ang noo niya ngunit ngiting-ngiti ng lumapit sa akin. Pinaupo ko muna siya sa katabing silya at muling nagpaayos. Nang matapos ay si Klare naman ang pumalit sa aking pwesto.


"Matagal pa ba iyan, Dhar? Kami nalang mag-aayos ng buhok namin!" inip na sabi ni Ram habang kunot-noong tinitignan ang make-up kit.

Tumaas ang kilay ni Genie. "Can you just please shut up and wait? Pagkatapos nito ni Klare, ikaw na!"

"Ang tagal-tagal! Kanina pa!"

Mas lalong tumaas ang kilay ni Genie at nilapitan na si Ram. "Oh, halika rito. Ako ang mag-aayos niyang buhok mo!" saka kinuha ang gunting at mabilis na hinabol si Ram.

Sa hindi ko mabilang na pagkakataon, muli akong huminga ng malalim. Kinakabahan ako, oo! Sobra! Dumadagundong na ang rnb music sa lobby at nagkalat na rin ang mga estudyante at manunuod. Hindi na ko sanay sa ganitong karaming tao na manunuod sa bawat galaw ko. Ilang taon na ang lumipas nang huli akong tumuntong sa ibabaw ng stage at ngayon...


"Be ready. Three minutes left at matatapos na si bakla sa speech niya." seryosong anunsyo ni Genie sa amin.

Kami ang pangalawang magpe-perform para sa mga representative ng bawat department. Apat lang kami dahil walang entry 'yung iba.

"Then magsisimula 'yung battle?"

"Yep."



Natapos ang una. Tinawag ang department namin. Agad kong nakita si Shontelle sa gilid at malawak ang pagkakangiti sakin. Nilibot ko ang paningin at halos lahat ay nakatingin sakin. Like I'm an alien from outer space! Yumuko nalang ako dahil nasisilaw rin ako sa mga spotlight na nakatutok sa amin, hindi na talaga ako sanay.


Halos lumabas na ang puso ko sa kaba nang marinig ko ang intro ngunit pinanatili kong kalmante ang sarili. I might lose it, alright!

Eto na Caes... magsasayaw ka ulit!


Sumigaw ang mga manunuod.


At first, my movements are not that pleased and it was numbered! But when I found my comfort, I'd marked the stage. I felt so alive and renewed. Bumalik ang passion ko sa pagsasayaw, well, I guess hindi naman iyon nawala sakin.



Humiyaw ang mga manunuod at hindi ko napigilan ang ngumiti ng malawak. We had a part na kami lang tatlong babae and we need to act fierce and bitch at the same time. Doon din namin tinanggal ang blazer na suot.

Naibsan ang kaba at napalitan iyon ng matinding saya. Dahil muli akong nabigyan ng pagkakataon para gawin ang gusto ko.. ang bagay kung nasaan ang puso ko.


Nang matapos ay agad kaming sinalubong nina Genie. Halos dumugin kami! Natapos ang bawat department at nakapagpalit na rin ako ng damit. Katabi ko si Shon at nasa likod namin sila Genie. Panay ang bida sakin ni Shon ng mga shot niya sakin kaya hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng emcee sa stage.


"—dahil version 2.0 na sila! The Eastrad Moversss!"


Imbis na sa stage, dumiretso ang tingin ko kay Shontelle na natigilan at nakatingin na rin sakin. Unti-unti niyang binaba ang camera na hawak at nilingon ang stage. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtakip niya sa kanyang bibig.

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon