Kabanata 48

320 11 2
                                    

Sudden Cold



Pumiglas ako nang hawakan niya ang pulso ko. Kusa akong bumaba at inayos ang sarili. I'm half crazy, I know that, alright but I need to fight! Hindi na tama ito. At simula palang ay wala ng naging tama. Hinarap ko siyang nakakunot ang noo.



"Hindi-

"Wala akong gagawin. Matutulog lang tayo." mariin niya sabi. Gamit ang paa ay tinatabi niya ang mga basag na pinggan kaya pinalo ko siya dahil lumilikha iyon ng ingay.

"Hindi pwede. Kahit ano pang sabihin mo hindi pwede." Pumihit ako upang kumuha ng walis.


~*~




"Bakit ganyan ang suot mo?"

"Eh ano bang pakielam mo?! Sa dito ako kumportable. Kanina ka pa ha!"

"Tsk. T-shirt nga pero sobrang nipis!"

"Eh anong gusto mo, mag-jacket ako!? Tigil-tigilan mo na nga ako, Seven ha!? Kanina ka pa wala nang tigil 'yang bunganga mo!"

Yumugyog nanaman ang kama kaya napaharap ako sakanya. Salubong na salubong ang kilay niya. "Eh bakit ang layo-layo mo!?"

Naiinis akong umupo at hinampas siya ng unan. "Ano bang problema mo?! Akala ko ba matutulog, e bakit ang ingay-ingay mo pa!?" muli akong humiga at umusod ng kaunti. "Oh ayan. Malapit na, bwisit ka. Kapag hindi ka pa tumigil papalayasin na kita!"





Kanina pa kasi 'yan dumadaldal simula nang pumasok ako sa kwarto ko. Letche napapayag niya akong makatabi siya, bantaan ba naman akong isusumbong niya daw ako sa mama niya na ako ang bumasag sa mga plato. Gagong 'yon syempre hindi bumenta sakin nung una pero talagang aakyat siya sa taas at gigisingin ang mga tao.



Edi, nataranta ako! Sabi ko nalang ay sa kwarto ko at hindi sa kanya. Bahala siyang magmadali bukas ng umaga para makalabas dito.




Ang una niyang pinuna ay ang pagligo ko kahit pagod daw ako. Tapos paglabas ko ng banyo nagulat nalang ako nang makitang kinakalikot niya nanaman ang mga gamit ko. Bukas lahat ng drawer ko at closet. Kahit gabi ay sigaw ako ng sigaw habang siya ay tawa ng tawa at tinatakot pa akong baka may magising.



Sumunod ay nakiligo rin siya at nakigamit ng mga gamit ko, kung hindi ko pa nga siya nakitang kukunin 'yung toothbrush ko ay iyon din ang gagamitin niya. Katwiran niya ay..

"We've just had an intense kiss minutes ago."



Pero hindi pa rin ako pumayag. Gago ba siya. At balak niya pang maglaro kami ng scrabble dahil nakita niya iyon sa ibaba nung player ko. Akala niya ata umaga pa. Nung pareho na kaming nasa kama ay tanong siya ng tanong at kapag hindi ko siya sinasagot ay niyuyugyog niya 'yung kama. Tapos ngayon ay damit ko naman ang pinagdiskitahan.



"I'm sorry."



Naidilat ko ang mga mata nang marinig ko ang boses niya. Nakaupo pa rin siya at tinititigan ang mukha ko. Alam kong antok na antok na ang mga mata ko ngunit kitang-kita ko pa rin ang mukha niya.

Muli akong pumikit. "Matulog ka na."

"Tsk." saka naramdaman ko ang paghiga niya. "Naglalambing, e.." bulong niya.

Muli akong napadilat. "Ano bang gusto mo." nakaharap kami sa isa't-isa.

"Ikaw nga."




Pumikit ako at hindi na sumagot. May iba pa siyang dahilan, nararamdaman ko. Iba ang may gusto sa may kailangan. Nagising ako sa tunog ng maingay na ringtone. Napadilat ako at nataranta ngunit nang maramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Seven sa bewang ko ay pinilit kong huminahon.



Halos humiga na siya sa dibdib ko at nakadantay ang isang paa niya sa binti ko, papalag na sana ako but he looked like a lost koala who needs shelter, so I didn't. I smiled at the thought that I'm his shelter, his home, the one he needed. Then later on, one lock flicked to his forehead and I had the urge to brush his hair, showing his soft and gentle features.



Bakit ang amo ng mukha nito kapag tulog? Oh baka naman maamo talaga ang mukha niya, nadala lang ng ugali...




Nilingon ko ang kanina pang cellphone na umiiyak. Hindi akin iyon kaya napatingin akong muli kay Seven na payapa pa rin ang paghinga. It really felt good in his embrace. His warm breath touches my collarbone. His natural manly scent and my shower gel mixed together and it smells really great, humahalo na sa akin ang amoy niya.





Medyo madilim pa sa labas pero ilang minuto na lamang ay sisikat na ang araw. Malayo ang side table sakin dahil nasa kabilang gilid ako. Dahan-dahan at maingat akong umangat habang nakatingin sa natutulog na si Seven, baka kasi magising. Tama nang ganyan muna siya.




Isang beses siyang gumalaw ngunit hindi naman nagising kaya nagpatuloy ako. Sinilip ko ang cellphone niya at kumunot ang noo ko.


Aikah's calling...



Sino kayang Aikah iyon? Nawala ang tawag ngunit tumunog nanaman. Tinignan ko si Seven. Ang Aikah kaya na kilala ko ay Aikah din na tumatawag sa kanya? Paano? Bakit hindi ko alam? Sagutin ko kaya? At bakit ang agang tawag nito?



Nagpatuloy ako sa pag-angat at muntik ko pang madaganan ang mukha ni Seven dahil inaabot ko ang phone niya nagulat kasi ako ng kurutin niya ang baywang ko. Sinilip ko siya at nakita kong nakatingin na siya sakin. Namumungay pa ang mata niya at namumula ang gilid. Antok pa siya.



"Uh.. 'yung phone mo." turo ko sa cellphone niya dahil seryoso lang siyang nakatingin sakin. Ilang segundo niya pa akong tinitigan bago lingunin ang cellphone.




Tamad siyang umupo at sinilip iyon. Kumunot ang noo niya at tila walang balak sagutin. Nilingon niya ko kaya tumaas ang kilay ko sa kanya. Tinignan niya ang wall clock sa taas ng pinto ko bago nagbalik ng tingin sakin.




Walang salitang kinuha niya ang phone na tumutunog pa rin at inilagay iyon sa bulsa niya. Humakbang na siya papunta sa pinto ko. Ngunit bago pa niya mahawakan ang seradura ng pinto ay nagsalita na ko.



"Saan ka pupunta?" naguguluhan sa inaakto niya.

Nakita kong huminga siya ng malalim. "Going back to my room." saka tuluyang lumabas.




Naiwan akong tulala sa pintong nilabasan niya. Bakit biglang ganun? Ano 'yun? Nagalit ba siya kasi kukunin ko 'yung phone niya? Pero hindi ko naman sasagutin e, titignan ko lang 'yung number kung kay Aikah nga pero hindi ko sasagutin.



Oo, pinagsabihan ko siyang habang madilim pa ang langit at wala pang gising ay bumalik na siya sa kwarto niya para walang makakitang lumabas siya dito. Pero hindi naman sa ganoong paraan. Kumunot ang noo ko sa inasal niya at napasandal sa headboard. I inhaled and exhaled the pang in my chest.



Tumunganga pa ko ng ilang minuto at binalak na matulog muli ngunit hindi na ko dinalaw ng antok kaya naligo na ko kahit mamayang alas nueve pa ang pasok ko. Bumaba na rin ako pagkatapos, nakita ko ang abalang mga kasambahay lagi silang ganyan sa umaga.



"Si papa manang Ester?" kalbit ko sa nagsusulat na si manang Ester.

"Baka nagkakape sa likod. Kakagising lang 'non e." sagot niya na hindi manlang ako tinitignan.

Tinuro ko ang papel. "Ano po 'yan?"

Nag-angat siya ng tingin sakin. "Listahan ng mga kailangan dito. Mag-grocery kami ni Mel mamaya e."

"Ah.." Sagot ko nalang.



Papunta na ko sa garden sa likod ng mamataan ko si Seven na nagmamadali papunta sa Land Rover niya. Agad niya iyong pinaandar nang makapasok. Pinagbuksan siya ng gate ni mang Ramon at tumigil pa ito sa harap niya. Nakita kong tumango-tango si mang Ramon bago tuluyang umalis si Seven.


Ang aga naman niyang pumasok. Pero bakit wala siyang dalang bag?

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon