Preggy
Hinawakan ko ang kamay ni Genie.
"Ah.." huminga ako ng malalim hindi malaman kung kanino titingin at ano ang sasabihin. "I don't know what to... I... sorry.."
Pinunas niya ang luha at ngumiti. Umiling siya. "It's ok. Matagal na panahon man ang lumipas, ikaw pa rin naman ang idolo namin."
"Hindi kami nagpatinag sa mga ibinato nila laban sa'yo noon. Kasi alam naming hindi ka ganoon."
Napapatanong tuloy ako ngayon.. Ano kayang klase ng pamba-bash ang ginawa nila sakin? Lahat kasi ng accounts ko ay dene-activate ko na, gumawa ako ng bago sa skype dahil kailangan ko iyon.
Gusto kong magtanong ngunit wala pa akong lakas ng loob na balikan ang nakaraan. Nararamdaman kong wala silang alam sa naging totoong rason ng pagkabuwag ng grupo at kung may alam man sila siguro ay pili lang.
"Naniniwala kaming hindi mo iniwan si Vann para sumama kay Luther dahil sabi nila nabuntis ka niya.."
Nalaglag sa sahig ang aking panga sa narinig.
Hindi ko napigilan ang aking mata sa pandidilat. Halos mapaupo ako sa sahig dahil biglang nanlambot ang aking tuhod at kumawala ang aking diwa sa aking katawan.
Lalong nanuyo ang aking lalamunan. Napatitig ako kay Genie upang kumpirmahin kung tama ba ang narinig ko sa isa niyang kaibigan.
Marahan siyang tumango. "Iyon ang naging balita simula nung mawala ka. Dahil kasabay ng pagkawala mo ay pagkawala rin ni Luther. Hindi pa namin alam na nasa London ka, kaya nung una ay naisip naming maaring magkasama kayong umalis.." humina ang boses niya sa dulo.
Hinarap pa ko ng isa. "Saka hindi nagsasalita ang Eastrad, lalo na si Vann. Hindi na rin siya nagparamdam. May rumors na sinundan niya kayo ni Luther sa kung saan ngunit nang bumalik siya dito makalipas ang isang taon ay nalaman naming..." may simpatya sa kanyang tingin nang dumapo ang mata niya sakin. "May anak na siya.."
Kahit alam ko na iyon ay nahirapan pa rin akong lumunok ngunit hindi na katulad noon na pati puso ko ay nahihirapang mag-function.
Iba ang kabog ng dibdib ko, kinakabahan ako pero parang hindi ko dama ang takot. Parang more on shocked at kabado sa mga malalaman pa.
"H-hindi ko kasama si Luther!... h-hindi naman kami magkasama." Lumunok ako at inalala ang nangyari. Halos matawa habang nagsasalita. "Nauna siyang umalis sakin!"
All those years, people thought I'm with Luther!? The fvck, e? Suklam na suklam nga ako sa kanya tapos sasama pa ako? Ang galing naman talaga!
I will probably kill that somebody who spread that fantastic rumor! Hindi ba niya alam na naunang umalis ng bansa sakin si Luther. Tinawagan niya pa ako 'nun para mag-sorry!
Napatakip ng bibig si Shane. "Nauna? So, hindi talaga kayo magkasamang-
"Of course not!" sigaw ko. "Bakit ako sasama sa kanya? Boyfriend ko pa si Vann noon!"
"'Yun ang pinapalabas ng mga haters mo! Mga letcheng 'yon! Buti nalang talaga sumapi ako dito at hindi na-brain wash ang utak ko."
"So, sino ang nagpakalat ng issue?"
Kumunot ang noo nila. Tila nag-iisip. Hanggang sa may tumunog na telepono at halos mapatalon ako nang maramdaman ko ang vibration sa aking kamay. Nanginginig ko iyong inangat at nakita ang pangalan ni Shon.
Tumingin ako sa nandoon bago sinagot ang tawag.
[I'm sorry if I didn't catch your call. I was convincing dad na ako nalang ang magda-drive papunta dyan.]