Kabanata 14

392 13 2
                                    

Squidward

The phasing of everyday was fast. Naging tutok sa unang linggo ng pasukan kaya't hindi ko namalayang ilang araw na akong bahay at eskwelahan lang. Minsan pa'y pumapasyal ako sa restaurant na pagmamay-ari ng papa ko at kasosyo naman nito ang mga tito ko na siya ngayo'y namamahala at nagpapalago rito. Minsan nama'y babad sa computer sa mga research at pakikipag-usap kay Shontelle na busy rin sa pag-aaral at pag-aayos ng mga sched. namin.

Lumabas ako ng kwarto bitbit ang ilang libro at notebook para doon gumawa ng assignment. Nakakasawa at nakakabaliw ang mag-isang nag-aaral sa kwarto. Naabutan ko si mama na nakaupo sa swivel chair at nakaharap sa computer habang maingay ang boses dahil kausap si papa. Lumapit ako sa likod niya at kinawayan si papa.

"Oh. Gising ka na? Kapatid mo?" ani papa.

Tumango ako. "Kanina pa po ako gising.." pinakita ko ang mga dala. "Hindi ko alam pa e, baka nasa kwarto niya."

"Ano 'yan?" obvious niyang tanong sa mga dala ko. "Slambook iyan no?" saka humalakhak. Umirap ako. "Sige na, hindi ikaw ang gusto kong makausap. Itong nanay mong masungit sa umaga."

Nahawa na rin ako sa tawa niya. At syempre hindi naman pwedeng hindi umapela ang nanay ko. Napaka-energetic. Parang hindi pagod sa trabaho. Kadalasan kasi ay natawag siya matapos lahat ng trabaho niya.

"Naku, pa. Sabi naman namin sa'yo ang paminta pampalasa hindi sinisinghot." Nakatawa kong sabi. "Sige na pa. Ingat diyan, labyu."

"Labyu din. Sige na mag-aral ka na."

Tumungo na ko sa sala at tumapat sa electric fan. Naririnig ko pa rin ang pang-aasar ni papa kay mama at binabara naman siya nito. Hindi ko nga alam diyan sa kanila bakit ganyan mag-usap pero masaya ako dahil masaya sila. Nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Nagtext si Luther.

Luther: Can we please meet today? :)

Me: Bakit?

Luther: Woah. You're awake. Well, kailangan nating mag-meeting for our upcoming battle.

Me: Uh. Alright. Alam na nila?

Luther: Ah. Oo sasabihan ko sila.

Napaisip ako at tinignan ang mga nakalatag na notebook sa harap ko. Siguro naman ay magagawa ko ito mamayang pag-uwi at may linggo pa bukas.

Me: Osige.

Luther: Great. I will fetch you. Sabihin mo nalang kung anong address niyo at ako ng bahala. Siguro mga five ng hapon. Thanks :)

Me: Huh? Hindi na. Ayos lang mag ta-tricycle nalang ako.

Luther: Alright, ikaw bahala. Kita nalang tayo sa 711. Hihintayin kita :)

Napangiti nalang ako. Para namang tatakbo ako? Tatakas ba ko o magpapaalam? Tsk, bakit kasi wala akong ibang kaibigan bukod kay Shon. Sabi nga pala ni Vann ay pupunta sila ngayon sa puntod ng papa niya, sad to say his father dead when he was ten at araw ng kamatayan nito ngayon. Pinilit niya pa akong isama pero tumanggi ako. It should be their moment to reminisce at dapat ko iyong ibigay sa kanya.

Ngunit kumunot ang noo ko at napanguso, hindi siya makakasama mamaya. Alam ba ni Luther iyon? Hindi kasi iyon nagpapa-meeting ng hindi kami kumpleto. Kinuha ko ang cellphone ngunit binitawan ko na rin dahil naalala kong si Luther na pala ang magsasabi sa kanila. Siguro sila nalang ang mag-usap.

"Pa. Sabi ni tito Jhon, magpadala ka daw ng mga spices dito. Mag-eexperiment daw sila ng bagong dish." dinig kong sabi ng humihikab at magulo pa ang buhok na kapatid ko habang hawak ang isang pahabang unan na may mukha ni squidward.

Mabilis akong lumapit at nakangiting tumabi sa kanya. Kahit hindi ko makita ang mukha ko ay tiyak kong mukha akong nakakita ng ginto dahil sa ningning nito. Wala na si mama at siya na ang nakaupo.

"Saan galing 'yan?" maluwag pa rin ang ngiti ko.

Tumingin siya sakin. "Huh? Ito?" tinuro niya ang unan at parang bata akong tumango. "Matagal na 'to. Bigay ni Shin. Bakit?"

"Akin nalang?" sabi ko kahit mukhang ilang linggo ng hindi nalalabhan.

Niyakap niya ito at inilayong mabuti sakin. "Ayoko nga. Bigay sakin 'to tapos bibigay ko sa'yo."

"Hoy, ano ba'yan. Kayong dalawa.." sita ni papa.

Ngumuso ako sa kanya. "Pa... ayaw ibigay sakin 'yung unan."

Tumayo ang kapatid ko at lumayo sakin. "Akin 'to e! Bakit ko ibibigay sa'yo."

"Papalitan ko nalang ng ibang unan. Basta akin nalang 'yan."

"Bakit ba? Anong gagawin mo?!"

"Iuunan malamang! Dali na, si squidward 'yung mukha o!"

Nakangiwi niyang tinignan ang unan na yakap tapos ay tumingin sakin na parang ganun na rin ang itsura ko.

"Favorite mo si squidward?" nakangiwi pa rin siya. "Kailan pa?" dugtong niya.

Simula nung bigyan ako ni Vann...

"Dali na. Akin nalang 'yan.." pagmamakaawa ko ngunit umismid lang siya at tumungo sa kusina. Susundan ko na sana ngunit natigil ako sa sinabi ni papa na siyang nagpatalon ng puso ko sa sobrang tuwa at kagalakan.

"Bibilhan nalang kita dito. Gusto mo pati kumot at bed sheet.." natatawa niya sabi. Mas lalo akong na-excite.

"Sige pa! Aasahan ko iyan a. Thank you, mua mua! Labyu!"

"Ano 'yon?" usyoso ni mama ng magbalik at may hawak ng papel. Umiling lang ako at niligpit ang mga kalat ko sa mesa. Mamaya ko na lamang gagawin ito.

Pinili ko nalang magpaalam kaysa hindi. Sinabi ko ang totoo at wala akong narinig sa kanya kundi ang walang kamatayang...

"Maaga kang umuwi. Isusumbong kita sa papa mo kapag umuwi ka nanaman ng alas-onse sa daan."

Pumayag ako. Meeting lang naman. Gumaan din ang pakiramdam ko sa usapang iyan dahil mukhang sumuko na rin si mama sa pagbabawal sakin. Nung isang gabi kasi'y pasado alas-onse na ko nakauwi dahil puspusan ang practice na ginawa namin, kaya pag-uwi ko ay sinermunan agad ako ni papa kahit nakikita ko pa siya noong nag-gagayat ng kung ano-ano, buti't hindi nasita. Inantay niya kasi talaga akong makauwi bago binaba ang tawag. Doon lang siya nagagalit, 'yung umuuwi ako ng gabi. Sabi niya pa nga ay sa bahay nalang namin kami mag-practice pero syempre hindi pwede iyon dahil ano ba ang lawak ng bahay namin sa dami ng kasamahan ko.

Nakarating na ko sa 711 at tinext si Luther. Ako palang mag-isa, wala pa akong makitang anino ng Eastrad at maski ni Luther.

Luther: Malapit na ko.

Tinago ko nalang ang cellphone at lumabas ng store upang salubungin siya. Namataan ko naman agad siya. Walking like a respected person. Tipong bumangga, giba. Sanay na ko sa kanila na ganyan sila pero may iba-iba pa rin silang pagdadala sa sarili. Their uniqueness is absolutely fits on their personality, really captivating. White button down long sleeve na tinupi hanggang siko at kupas na maong lang pero iba ang karismang dala niya. Ngumiti siya sakin kaya ngumiti rin ako pabalik.

"Nasaan 'yung iba?" tanong ko ng makalapit siya.

Nakangiti siyang umiling. Kumunot ang noo ko. "I'm sorry but I lied. Tayong dalawa lang."

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon