Akala
Babala: Words
Maraming salamat readers! Natutuwa ako ng bongga sa inyo! Lalo na 'yung mga nadadagdag,specially kay @Hopelessromaticpoet nasa sasakyan ako nung binasa ko yung mga comments mo at muka akong loka-loka kakatawa haha. You made my heart flutter, big time. I want to dedicate this chap to you pero di ko alam pano haha dahil mobile lang ito. At dahil napasaya mo ako... extended ang JAC! *sabog confetti* Yeey! Haha. Dapat kasi 2 chapters nalang ito. At di ko na papatagalin, mahaba na masyado itong author's note. Thank you! Thank you! Thank you for trusting me *tears* (at dahil atat po siya, eto na ang UD haha) Cheers, Skydragon's!
Time flew past. Isang araw nakita ko nalang ang sarili ko na kaharap siya.
Hindi ko alam na sa tinagal-tagal na panahon kong nagagalit ay kaya ko pa rin siyang harapin ng ganito. Kinakabahan ako pero hanggang doon nalang.
"Uh.."
Napayuko ako at napatitig sa black forest cake na nasa harapan ko. It's my birthday. Pinaglaruan ko iyon saka tumingin sa kanya. Bakit ba muli kaming nagkita? Para sa mas maraming sakit? I'm hoping for us to work out again pero... hindi na iyon ang nakikita ko sa kanya kahit anong sabihin niya.
"Vann.." nilunok ko ang nagbabadyang luha. "You love someone else. Hindi na ako ang mahal mo."
Kumunot ang noo niya at lumapit pa sa akin. Hindi ako gumalaw kahit nararamdaman ko na sobrang lapit niya sakin. Hinawakan niya ang upuan ko at iniharap iyon sa kanya. Nanatili ang mata ko sa ibaba.
"Mahal kita, Rehm. How many times do I have to tell that to you? I want us.. I want us again!"
Tumingin ako sa kanya at di ko napigilan ang pangingilid ng aking luha. My heart's squeezing like hell!
"Hindi! Hindi na-
"I love you! Mahal na mahal pa rin kita, hindi mo ba naririnig? Mahal-
"Ikaw! Ikaw ang hindi nakakarinig! Vann, mahal mo na ang asawa mo kaysa sakin!" tumulo ang luha ko. "You love her! I can see it in your eyes. Akala mo lang mahal mo ako pero hindi na! Akala mo lang dahil nagi-guilty ka sa nagawa mong pang-iiwan sakin noon kaya mo nasasabi iyan! But the truth is hindi mo siya kayang mawala! At for goodness sake you have a daughter!
"Sinabi ko na sa'yong hindi sakin iyon! Kay Luther nga diba?!"
Ramdam ko ang lalong pagsikip ng dibdib ko. Nakabuka na ang bibig ko upang makahinga ng maayos.
Sobrang bilis ng mga pangyayari. Lahat nagulantang! Bumalik nalang bigla dito si Luther after many years na paninirahan sa ibang bansa. He's like a bomb! Pagbalik niya ay isang nakakagulat na balita ang dala niya at 'yun nga..
That he is the real father of Mitchy's daughter! May nangyayari na pala sa kanila nung mga panahong kami pa ni Vann. Doon ko napagtagpi-tagpi ang lahat. Mahal ni Luther si Mitchy, but Mitchy love Vann kaya humihingi ito ng pabor noon.
"Lagi niya kong tinatakot na ilalaglag niya ang bata kapag hindi ko kayo napaghiwalay.." malungkot na kwento ni Luther nang magkita-kita kaming lahat! Ang buong Eastrad. The original Eastrad!
"Syempre natakot ako. Nung una gusto ko nang tigilan dahil may nasisira talaga ako, mabigat sa loob pare. Kaya sabi ko kahit mahal na mahal ko siya hindi ko na siya susundin." Ngumiti siya ng mapait at umiling. "Pero isang araw, umiiyak siya sakin at sinabing buntis siya at ako ang ama. At least she trusted me, hindi niya itinago sakin."