Nag-sorry at Nag-thank you
Matalim na titig ang sumalubong sa akin. Kinagat ko ang labi at nag-alangang humakbang sa kinatatayuan ni papa. Pinilit kong ideretso ang lakad at mukha upang hindi siya makahalata kahit sa totoo ay mas mabilis pa sa marathon ang tibok ng puso ko!
Nag-ensayo ako kanina sa cab ng mga sasabihin sa kanya ngunit ngayong kaharap ko na siya ay nababaluktot ang dila ko.
"Papa.."
Huminga siya ng malalim at pinakatitigan ako. "Mahiya ka naman, Caeslei!"
Nagulantang ako sa mariin at pasigaw niyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin? M-may alam ba siya sa nangyari?! Napapikit ako at mas dumoble ang kaba ko! Dapat ko na bang paghandaan ang sampal niya?
"Si Seven pa ang nagtext sakin kagabi na hindi ka makakauwi dahil sa ginagawa mong project dahil natuloy niyo na daw na gawin iyon! Nakitulog ka pa sa condo niya pagkatapos mo siyang paghintayin dahil gabi na daw kayo natapos at malayo iyong bahay ng kaklase mo!"
Nanlaki ang mata ko. Ano daw?
"Imbis na nagpahinga siya ay hindi. Hinintay ka niyang matapos at nung natapos ka ay pagod na siya kaya hindi na siya dumiretso dito dahil nga naman baka maaksidente pa kayo at mas malapit sa condo niya 'yung bahay nung kaklase mo!"
Nalaglag ang panga ko ngunit agad kong binawi. Hindi dapat makahalata. Lumunok ako kahit hirap. Speechless ako kaya ang nagawa ko nalang ay ang tumungo.
He did texted my father, siguro nung tulog na ako kaya hindi ko alam. And hearing my father's sentiments... napaniwala niya ito. Ganun ba siya kalakas sa tatay ko? I silently thanked him kahit na ganun ang ginawa ko sa kanya.
"S-sorry po.."I heard his resignation sigh. "Sige na. Pero next time magsabi ka o magtext manlang. At hindi ka dapat sa akin nagso-sorry." kumunot ang noo niya at may tinignan sa likod ko. "Nasaan si-
"I'm here."
Nag-angat ako ng tingin ngunit hindi ko siya nilingon. Gusto kong tumakbo palayo, libo-libong boltahe ng kuryente ang gumapang sa katawan ko nang marinig ko ang boses niya. Hindi ko mapigilang mangilid ang luha ngunit matinding paglunok ang ginagawa ko upang hindi tumulo. Nasa harap pa ako ni papa. Pilit kong hinaharangan sa isip ko ang pagbuhos ng alaala namin kagabi.
His kiss...
His breath...
His rugged voice...
His touch...
"Pasensya na talaga, Seven ha?" tumingin si papa sakin ng nakakunot ang kilay. "Nag-sorry at nag-thank you ka na ba?"
Napakurap ako ng dalawang beses bago lumunok. Do I need to say that to him? Sorry... and thank you? Then... goodbye? Napaayos ako ng tayo nang maramdaman ko siya sa aking likod.
He's just freaking standing behind me but it's like I felt his hand touching me to cause shivers. Dala ba ito ng nangyari sa amin na kahit wala siyang ginagawa ay nagdadala na ng kakaibang kilabot sa akin? I will suppress this feeling, I wouldn't let him make me feel this way. Hell no!
Nilakasan ko ang loob bago humarap sa kanya. Sinigurado kong wala siyang mapipigang emosyon sakin. Paglingon ko sa kanya ay walang gana, walang buhay, walang anumang ekspresyon ang naglalarong mukha ang bumulaga sakin, tila ba pagod siya at wala nang lakas. Bigong-bigo. Gusto ko mang haplusin ang mukha niya ay pinigilan ko ang sarili.
