Kabanata 5

564 13 0
                                        

Boys town

Lalo akong namula at hindi alam kung paanong sasagot sa sinabi ni Kirt. Matinding kaba ang bumabalot sa puso ko. That mouth of him, I'll wipped that! Grr. Malakas na tumawa si Clae at busangot pa rin ang mukha ni Kirt. Alam kong ngayon ay nakumpirma na ng grupo na may gusto talaga ako kay Vann. Nakaka-frustrate!


"We will decide about that later. Stop laughing, Clae it's irritating. Parang kang kinikiliti sa kung saan.." gusto ko sanang tumawa ngunit seryoso ang mukha ni Luther kay kinagat ko nalang ang ibabang labi ko.


Ilan nalang ang natitira kaya't ipinagpatuloy na nila bago sila mag-break for lunch. Ganito pala sila ka-dedicated sa ginagawa nila, even skipping their meal e, ok lang, just to focused on what they are doing. Natapos lahat kaya't bumalik na ko sa pwesto ko kanina. Ngumiti sakin ang bagong palit sa si Shon.


"Magpalit ka na roon.." nakangisi niyang tulak sakin sa nag-iisang puting pinto doon. Siguro'y dressing room.


Ngumiwi lamang ako sa kanya. Isa-isa na ring nagsipag-alisan ang ibang nag-audition. Napakunot ang noo ko at napatigil sa paglalakad ngunit umabante din ako agad. Naisip ko kasing walang nagtatakang pumasok sa kwartong ito, tho, I'm a member na hindi talaga kapani-paniwala parang masyado yata kaming nabibigyan ng special treatment ni Shon. Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang...


My gosh! Ninakawan ba ito? Pero si Shontelle lang ang nakita kong lumabas dito?!...


Sinarado ko ang pinto at kunot noong ineksamin ang paligid. Binaling ko ang tingin sa kaliwa at nakita ko ang repleksyon ko sa malaking salamin. Katabi niyon ang isang malaking closet na nakaawang ng kaunti dahil sa naiipit nitong mga damit na nakalaylay doon. Namula ang pisngi ko ng may makitang white brief sa sahig. May dalawang pantalon rin! Sa kabilang bahagi naman ang isa pang pinto na sigurado akong cr. May maliit ding table na puro rootbeer can at mga balat ng chichirya, nalaglag pa ang isa sa sahig at sumabog ang kaunting laman nito. Katabi niyon ay isang king size bed... na halos matanggal na ang kaluluwa, I mean 'yung bedsheet. Nakakalat din sa sahig ang mga pillowcase at iba pang unan.


Is this a room?...


Nagulat ako ng bumukas ang pinto. Nagulat talaga ako dahil halos masubsob na ko sa lapag dahil, HELLO! NASA LIKOD LANG NAMAN AKO NG PINTO! Kaya ayun para akong tinadyakan ng zebra! Nabalian na ata ako ng spinal cord!


"Hala sorry!" agad akong inalalayan ni Kirt at inupo sa kamang muntik na kong lumubog dahil sa sobrang lambot. "M-masakit?"


Binatukan siya ni Luther. "Natural gago. Ikaw kaya ang dunggulin ko ng pintuan sa likod na pwersado pa!"


Umupo si Clae sa tabi ko. "Sorry, Caes ha. Ikaw naman kasi bakit na likod ka ng pinto?-Aw!"


Ngayon siya naman ang nakatikim ng batok kay-Vann. "Siya pa ang sisihin?!" tumingin siya sa paligid at nag-tiim ang bagang niya. Nilagay niya ang dalawang kamay sa baywang at huminga ng malalim. Tumingin siya kay Luther na tumingin din sa kanya ng ganun din ang postura. Parang sa mata sila nag-uusap.


Nang biglang...


"Mga gago talaga kayo!" sabay nilang pinuntahan ang mga ka-miyembro kasama na sina Clae at Kirt.

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon