Epilogue

849 31 27
                                    

Epilogue

Umihip ang napakalamig na hangin sa buong paligid. Kaliwa't-kanan ang huni ng mga maya at panay ang sayaw ng mga puno. Walang araw ngunit hindi iyon makikitaan ng nagbabadyang ulan. Makulimlim ang langit. Napakatahimik... napakapayapa.



Nakapikit na dinama iyon ni Caeslei dahil tila hinehele siya ng huni ng mga ibon at tunog ng mga sumasayaw na puno. Muli siyang huminga ng malalim saka pinunasan ang mamasa-masa niyang mata. Idinilat niya ang kanyang mata at ngumiti ng mapait sa kawalan.


Muli siyang humugot ng hangin. "Na-mimiss na kita.." saka tumingin sa lupa.


Nagbabadya nanaman ang luha sa kanyang mata. She was still in state of shock. Tuliro pa rin siya at nanlulumo sa nangyari. Hindi makapaniwalang ganun nalang ang kahihinatnan ng lahat.

It was his 40 days.

40 days na ang nakakaraan pero maga pa rin ang kanyang mata sa kakaiyak.


"Namimiss ka na namin." muli ay mapait siyang ngumiti. "Nakakainis ka talaga! Kahit kailan talaga nakakainis ka!"



Di niya mapigilang humagulgol muli. Masakit. Sobrang sakit. Walang mapaglagyan ang sakit. Hindi niya matanggap. At hindi niya matatanggap! Nakatatak pa rin siya sa puso at isip niya. Buhay na buhay sa sistema niya.



Napaluhod siya sa panghihina. Pinaghalong galit, lungkot, pighati at panghihinayang ang namamayani sa kanyang dibdib. Tila nilulukot iyon sa sobrang sakit!


"Bakit naman ngayon pa?! Kung kailan naman... Iniwan mo agad kami!" nanginginig ang kamay niya habang nakasabunot sa damo. She's facing his grave now.


"Aaaah!" she shouted her lungs out like it can make all her pain go away. Kasunod nang muli niyang paghagulgol. Wala nang ibang maririnig kundi ang huni ng ibon, sayaw ng puno at ang kanyang walang humpay na iyak.

"Caes..." tawag ni Vann sa kanyang likuran.



Humagulgol lamang siya at hindi nag-angat ng tingin. Nakita niyang naglapag ito ng arrange flower na nasa basket sa kanyang tabihan at saka sinindihan ang kandilang dala.


Pa-squat siyang umupo sa tabi ng dalaga. Pareho nilang tinitignan ang lapida. Humina ang kanyang iyak ngunit hindi niya pa rin mapigilang humikbi.



"Tahan na.." haplos nito sa kanyang likod. Napakagat na lamang ng labi ang dalaga dahil mas lalo siyang nasaktan sa sinabi nito.

"Vann? Bakit?! Bakit kailangang ganito! Bakit ambilis.. shit!" muli siyang napaiyak.

"Tahan ka na.." he pulled her into a hug.

"H-Hindi ko kaya.." umiiyak pa rin niyang sabi.

"Sshh.. may plano ang Diyos para sa kanya."


Kumalas lang sila sa isa't-isa nang marinig ang ugong ng mga sasakyan. Nilingon nila iyon at nakita nilang bumaba ang mga dati at bagong Eastrad. Lumapit ito sa kanila. May mga dala ring bulaklak.


"Andito pala kayo."

Ilang sandali pa ay tahimik silang nakaupo pabilog sa lapida. Pinagmamasdan ito na tila isang mahiwagang bagay sa kanilang harapan.

                                  R.I.P
                 KIRT ROEVEN RIVERO
            Nov. 4, 1987- March 24, 2011
      *You'll stay in our hearts. Forever.*


Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon