Be mine
Nanlalambot ako.
Hindi ko alam kung kaya ko pa bang maglakad matapos ng nangyari. Kung wala si Vann sa tabi ko ay gumapang na siguro ako. Hinang-hina ako tila namanhid ang mga tuhod ko at hindi ko mramdaman ang lupang tinatapakan ko. Nagulat ako, syempre. Hindi ko inaasahan iyon. Grabe pa rin ang kabog ng puso ko, tila aalis na iyon sa loob ko. Tapos makikita mo pa 'yung bisikletang sinakyan mo kanina lang at nagkalasan sa isang kisapmata.
"Caes, please speak. I'm worried." Muli ay tumitig nanaman ako sa mukha niya. Gusto kong pawiin 'yung pag-aalala ngunit tumigas ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Muntikan na ko dun! Kaya ganito nalang ang nararamdaman ko! First time 'yon!
"Dalhin mo na kaya sa ospital iyan, hijo." Dinig kong sabi ng isang matanda. Doon ako napatingala. Maraming tao ang nakaikot samin. May humahawak din sakin at kinakausap ako pero tinitignan ko lang sila.
"She's in shock. Kaya kung pwede lang ho ay magsi-usod tayo ng kaunti. Kailangan niya ng hangin." Sabi ng isang traffic enforcer saka marahang hinahawi ang mga taong nakapalibot samin. Naramdaman kong hinawakan ni Vann ang kamay kong nanlalamig pa rin saka marahang pinisil.
"Do you want to go to the hospital?"
Umiling ako. Ayos naman talaga ako pero nasa aftershock pa ako kaya ako ganito. Nang medyo lumuwag na ay naaninag ko ang isang babae na tumatango habang may malungkot na mukha. Kinakausap siya ng isang enforcer at may sinusulat sa hawak nitong papel. May isa pang enforcer na hawak ang radio at sinisipat ang pulang kotse na muntik ng makasagasa samin. Napatingin si Vann sa tinitignan ko kaya hinila niya ako papunta doon.
"Yes. I'm going to wait for them." tumango pa ito. Napansin niya kami kaya tumingin siya samin. Nagulat ako at inisip kung siya nga ba iyon.
Iyong girlfriend ni Luther...
"Vann.."
Napakunot ang noo ko at tumingin sa kay Vann na diretso lang ang tingin sa kanya. Hawak niya pa rin ang kamay ko na nagsisimula ng kumalma. I feel at home in his hand. Like it is made for me. Psh, kung ano-ano na iniisip ko nasa matino na siguro ang pag-iisip ko.
"I'm really sorry. Nawalan ako ng break.." tumingin ito sa sasakyan na humaharang sa daan kaya't panay ang kampay ng kamay ng mga traffic enforcer sa mga sasakyang dadaan. "Kahapon ko lang kasi iyan pinagawa, ang sabi ay ayos na pero hindi pa naman pala. I don't know what might happen if that bicycle is not there to stop me."
Nagtiim ang bagang niya. "Sa susunod siguraduhin mong fully furnished na iyan. Baka mapano ka at mas malala kung may madadamay ka pa." malamig ang tingin niya dito.
So magkakilala sila?
Of course, ka-grupo niya si Luther!...
Tumango ang babae. "I will." Malambot ang ekspresyon nito. Bumagay sa maamo niyang mukha. Medyo matambok kasi ang pisngi niya na bumagay sa maliit at singkit niyang mata. Tumingin ito sakin. "Are you alright, miss? Gusto mo bang dalhin—