When we were inlove
Wala na kong nagawa ng hilahin niya ko pasakay sa isang bus. Sabi niya ay pupunta daw kami sa mall. Titingin daw siya ng tela para sa mga damit namin. Grabe, siya na mayaman. Tela lang sa mall pa? Ayaw ng wholesale sa divisoria?
"Hey.." nakangiti niyang sita sakin. Nakakunot lang kasi ang noo ko habang diretso ang tingin.
Umiling ako at humarap sa kanya. "Ano ba 'to?"
Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya. "Ano?"
"Bakit? Mag-" hindi ko matuloy dahil hindi ko alam kung iyon ba ang dapat na itawag doon.
"Kung magde-date tayo?" nanlaki ang mata ko. Ako nga hindi ko kayang sabihin, tapos siya. "C'mmon. Caes." ngumiti nanaman siya at huminga ng malalim na parang nagpipigil ng tawa. "Ok sige. I will say this not to offend you but to tell you the truth. Magpapasama ako sa'yo na bumili ng tela para sa damit natin, like what I've said a while ago. Why you, because you're a girl. Meticulous when it comes to this matter."
Ayun, assumera spotted...
Nahihiya akong nag-angat ng tingin sa kanya. Wala naman siyang ginawa kundi ang ngumiti ng matamis at lalo akong naiinsulto doon. Nakakahiya a!
Hindi na niya ata napigilan at tumawa siya. "You're cute.."
Hindi ko maiwasang palobohin ang pisngi ko dahil biglang nag-init ang mga iyon. Kung ano-ano pa kasi ang sinasabi!
Nagtanong nalang siya ng kung ano-ano upang hindi maging awkward. Naramdaman atang lalo akong nahiya sa kanya. Hindi naman kasi masyadong close ni Luther. You know, Vann exaggerates everything, so..
"Ilang months na ba kayo nung mokong na 'yon?"
"Magtu-two.."
Tumango siya. "Ano bang nagustuhan mo doon?" saka humalakhak ngunit biglang sumeryoso. "Bakit mo siya nagustuhan?"
Saglit na napaawang ang labi ko sa pagkakaseryoso ng boses niya. Ngumiwi ako. Lumunok muna bago nagsalita, ano nga ba? "E-ewan. Hindi ko rin alam e, he he.."
Ngumiti siya ngunit halata ang tamlay sa mata. "Paano mo siya napansin?"
"Huh? Ah.." kinamot ko ang ulo. Hot seat ako ganon? "N-nakita ko lang siyang sumayaw sa intrams. I-iyon lang.."
Tumawa siya. "Siya talaga ang nakita mo? Bakit hindi si Clae, si Kirt, o... ako?"
Tumingin ako sa kanya. Nakita kong kahit nakangiti siya ay seryoso ang mata niya. Umiwas ako dahil matalas ang tingin niya sa paraang nakakatunaw ng kalamnan, tinagilid ko ang ulo.
"Hindi ko rin alam e."
Nakita ko sa gilid ng mata kong tumitig pa siya sakin pagkatapos ay tumango-tango. Then he murmured.. "Yea, hindi natin alam. That's the only words we can say when we were inlove."
Nakarating kami ng mall at agad niya kong niyaya munang kumain dahil kanina pa daw siya nagugutom. Habang kumakain ay panay ang daldal niya sakin na siyang sinasagot ko naman. Ngayon ko lang nalaman na may pagka-chismoso pala itong si Luther dahil tanong siya ng tanong, pero parang hindi naman pumapasok sa kanya 'yung mga sinasagot ko dahil may ilang times na uulitin niya 'yung tanong.
"Sorry, again.." saka tumawa dahil naulit niya nanaman iyong tinanong niya kanina lang. "I forgot, tsk. My bad. Nakukulitan ka na ba?" nakangisi niyang tanong habang sinisilip ako dahil kasalukuyan niyang sinusubo ang pasta na kinakain.
Tumawa ako. "Malapit na." tumawa kaming dalawa at sinabi niya pang hindi na siya magsasalita ngunit hindi naman nagawa.
Madaldal ang isang 'to, hindi halata a...
Pagkatapos ay dumiretso na kami sa section kung saan nandoon ang hinahanap namin. Tinatanong niya ko kung ano ang mas maganda-yung cotton o satin para makintab. I rejected the satin, because my gosh! The cost is too much. We can make a decent and good clothes even the cloth is cotton. Nag-aaksaya ng pera.
"Ano ba 'yun iisang tela nalang ba ang gagamitin natin sa pang-itaas at pang-ibaba?" tanong ko habang sinasalat ang mga tela. Nasa likod ko lamang siya.
"Hm? What do you think?"
Humarap ako sa kanya at nakitang nakatitig siya ng diretso sakin habang nakahalukipkip. Ngumiti siya.
"Ako lang ba ang magde-decide? Ikaw kaya ang leader." Bumalik ako sa paghahalungkat. Naramdaman ko naman siya sa tabihan ko, kinakapa rin ang mga tela. Pero nagtagal siya doon sa satin.
"Kaya nga ikaw ang dinala ko dito."
"Ngayon na ba talaga tayo bibili? Hindi ba masyado pang maaga?"
"Gusto mo manuod muna tayo ng sine?" nilingon ko siya at nakangisi nanaman siya. Umirap ako. Baliw.
"Ewan ko sa'yo-uy teka! Woi!" pigil ko sa kanya dahil bigla niya akong hinila. Tinatahak palabas ng department store. "Luther!-
"Minsan lang 'to, Caes. Saka nalang tayo bumalik dito. Promise bibili na talaga tayo nun." Narinig ko ang munti niyang halakhak.
"Baliw ka talaga. Balak mo lang yatang gumala." natatawa kong sagot. Binitawan niya na ang palapulsuhan ko dahil nasa excalator na kami.
Tumawa siya at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa saka lumingon sakin at kumindat. Isa pang excalator ang sinakyan namin bago nakarating sa third floor kung nasaan ang sinehan. Hinayaan ko na siyang siya na ang pumili dahil wala naman akong gustong panuorin. Hinila nanaman niya ko upang makabili ng pagkain dahil saktong kaunting oras nalang ang hihintayin namin upang ipalabas iyon. Pumasok agad kami at sa bandang itaas pumuwesto.
Nilagay niya sa gitna namin ang large na popcorn na binili niya at ibinigay ang inumin sakin. Tinitigan ko lamang siyang umupo ng kumportable at parang sobrang stress niya nung mga nakaraang araw.
"Stress ba ang college?" nakangiti kong tanong.
Nilingon niya ko at ngumiti rin. "Hm.."
Tumango ako. "Kaya pala.." narinig ko naman ang tawa niya kahit mahina nalang iyong pagkakasabi ko nun.
Nagsimula ang palabas at kasabay nun ang pag-vibrate ng phone. Nahihiya man ay kinuha ko ito sa bulsa. Nakita ko ang paglingon sakin ni Luther. Bubuksan ko na sana ang message na galing kay Vann nang..
"Miss. Nakakasilaw 'yang-" hindi na niya naituloy dahil agad na hinawakan ni Luther ang kamay kong nakahawak sa cellphone saka ibinaba.
Naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko na siyang nakapagpakilabot sakin. "Don't text him. Mamaya nalang."
Kinagat ko ang labi at tumango nalang. Unti-unti ko ring tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Bigo kong ibinulsang muli ang cellphone. Tatawagan ko nalang siya. Pinirmi ko ang kamay sa hita dahil nangangati itong kunin muli ang cellphone. Tatayo na sana ako upang magpaalam na mag c-cr lang upang maitext si Vann nang pigilan ako ni Luther.
"Please stay.."
Kasabay nun ay ang sinabi ng lalaking bida sa palabas sa kanyang girlfriend na panay ang atungal.
"If you're going to cheat make sure you can do better than mine. Because when I'm the one who'll cheat, I'll make sure you can't take it."