Endless pain
Napatigalgal ako at tumabingi ang ulo. Nagsimula ng sipain ang puso ko upang maging dahilan ng pagbilis ng tibok nito. "Ha?"
Lumawak ang ngisi niya. Malinaw ko nang nakikita ang kagaspangan ng ugali niya. Biglang nanlamig ang katawan ko at ayokong mag-isip ng kung ano.
Mabait siya, mabait siya...
Paulit-ulit at walang patid kong isiniksik sa utak ko ang mga salitang mabait siya. But when she started talking.. I almost die.
"Vann is breaking up with you." tumigil ang lahat sakin habang siya ay tila aliw na aliw sa nakikitang sakit sakin. "He chose me over you. Indeed, he will be here in a minute to tell you all the details."
Umiling ako. "You're... lying."
Ngumuso siya at pumangalumbaba sa harap ko. "Tsk. tsk. I'm sorry dear, but I'm honest e. Kasi naman bakit mo tiniis ng ilang araw. Ayan naghanap ng iba. Nakagawa pa tuloy ng kasalanan. But even if it is forbidden, I know he liked it. He liked the way he touched me and of course he love the way I touched him." Kibit-balikat niya
Gustong-gusto ko ng hablutin ang buhok niya ngunit hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Napako ako sa inuupuan ko at hindi umaandar ang utak ko. Nakatitig lang ako sa maamo niyang mukha na hindi kakikitaan ng ganitong ugali.
Kumindat pa siya at.. "He is here. Fix yourself naman para kahit paano mahirapan siya makipag-break sa'yo."
I explode. Hinila ko ang buhok niya saka siya nginudngod sa lamesa. Panay ang tili at abot niya sakin ngunit nakatayo ako kaya hindi niya ko maabot. Gigil na gigil ko siyang winawasiwas sa lamesa. Mabuti nga't hindi sahig ang pinahalik ko sa kanya.
"You... ah! Sh-hit! Bitch! Awww!"
Hindi pa man ako lubusang nag-iinit ay may mga kamay ng pumipigil sakin. At sa boses niya palang alam ko na. He added the spice I felt here in my heart kaya lalo kong pinag-iigihan ang pagngudngod sa ipapalit niya sakin.
"Stop it, Rehm!" bahagya niy pa akong tinulak at doon ako natinag.
Laglag ang panga ko ng alalayan niya si Mitchy na sabog-sabog ang buhok maging ang itsura. Kung hindi pa ko sinalo ng isang crew ay nabuwal rin ako. Para akong sinisilaban habang sinasaksak ng paunti-unti sa nakikita ko. His eyes fixed with her and checking if she's still ok. Bumagsak ang dalawang kamay ko sa gilid at nanginig ang tuhod ko upang higpitan ng crew ang hawak sakin.
"Ma'am upo ka muna." malumanay nitong sabi, tinatanya ang mood ko.
Itinaas ko lang ang kamay ko upang sabihing ayos lang. Hinang-hina akong kumawala, nung una ay ayaw niya pa kong pakawalan ngunit nadala sa tingin. Pinunas ko ang pawis sa noo saka kinuha sa sahig ang bagpack ko. Naririnig ko ang tawag niya ngunit hindi na ko nakinig pa. For what? Hindi na kailangan. If you turned your back, don't look back, because you will cross the pathway of the endless pain.
That was a fantastic scenery. First time kong makipag-away sa public, but it feels good. Pero hindi pa rin ako satisfied and I don't want to stop but my soul is tired. I am tired seeking for the answers. I am tired balancing and controlling my patience. I am tired! Who will not? Is this just a prank in my fate? Or this is my fate? Kung ganun ang swerte-swerte ko naman. I cried all the hurt when I continued my way. Wala na kong pakielam kahit magmukha akong tanga, nasasaktan ako ng sobra at wala silang magagawa kaya dapat ay hayaan nila ako.
Parang nung isang araw pinipilit niya kong magpakasal tapos ngayon may iba agad? Nagawa agad nila? Shit, self-explanatory Caes, don't repeat it by yourself! Ano bang kulang? Saan ako nagkulang? Mali ba 'yung pag-iwas ko sa kanya ng ilang araw? In that short of time nakahanap agad siya, grabe. Ano ba dapat ginawa ko? Dapat hindi ko siya tinanggihan at nagpakasal saka nagpakalayo kasama siya katulad ng gusto niya? Sa sobrang gulo ng isip ko ay hindi ko namalayang yakap na niya ako.
"Rehm.." he cried.
"Hoy! Pagsabihan mo 'yan ha. Kung magpapakamatay sa building tumalon para siyang ang may kasalanan!"
Samantalang ako naubos na yata lahat ng lakas at luha ko. Hindi manlang ako nagalit sa nagsalita. Para akong stuff toy na yakap niya. Wala lang.
"Rehm.."
Tila bumalik sakin ang kaluluwa ko kaya't buong pwersa ko siyang itinulak. Halos napaupo na siya sa kalsada kung hindi lang niya napigilan ang sariling matumba. Akala ko ubos na ang luha ko, but tears are not failing to be there with you when you're hurt.
"Bakit? Akala ko ba tayo hanggang huli?" nanghihina kong sabi, pakiramdam ko nakalutang ang buong katawan ko.
Huminga siya ng malalim at nag-iwas ng tingin. "You're not enough."
Napanganga ako at gumawa ng pekeng tawa. Kinagat ko ang labi at hinawakan ang batok na miski iyon ay hindi ko na maramdaman. "I'm.. what?"
Sa gilid niya pa rin siya nakatingin. "Y-you're not—
"Bullshit!"
Tumahimik saglit at hindi ko na alam ang sasabihin ko. Marami ako sa utak pero hanggang utak nalang. Utak ko nalang ang nagsasalita. Para akong tinurukan ng anesthesia sa sobrang manhid ng katawan ko kaya napaupo ako sa gutter ng kalsada. Kita ko sa gilid ng mata ko ang biglang paglingon niya sakin pero ipinagsawalang-bahala ko nalang.
"I'm not enough. Galing." tumawa ako at pumalakpak. "So, who's enough? Siya?"
Itinuro ko si Mitchy na alam kong kanina pa nakamasid samin kahit nagtatago. Yumuko si Vann at dinig ko ang paghinga niya ng malalim.
"I don't want us to end up like this. Mag-usap tayo."
"Ha!" pinisit ko ang mata kahit masakit tiniis ko para lang hindi tumulo ang mga luha pang lalabas. "Talagang itutuloy mo? Ayaw mo na ba talaga? Kasal ba ang gusto mo? Pagtakas ba?"
"Rehm."
"Shut up!"
I know I'm desperate. Siya lang ang makakagawa nito. Lumapit ako sa kanya at walang sabing sinunggaban ko ang labi niya. Damn, how I miss this lips but when I remember what Mitchy said I collapse. Natikman niya din ito, at alam kong hindi lang ito.
"Stop. Rehm, stop!" paglalayo niya sakin.
"Ito ang gusto mo diba? saka magpapakasal naman tay—
"Stop! Marami ng nakatingin. Rehm. Please, damn!"
"No! Ayoko! Hindi ka mawawala sakin. No, Vann. Don't do this to me. Ako naman ang nagmamakaawa ngayon. Pinapakinggang naman kita diba? Ako naman ngayon. Kaya ko ring ibigay sa'yo 'to!"
"Let's.. damn!" mura niya ng hawakan ko 'iyon'. "Rehm, don't. Let's end this properly. 'Yung maayos—
"No!" patuloy lang ako sa paghalik sa kanya habang siya ay hindi malaman ko ano ang pipigilan sakin dahil pilit ko pa ring inaabot 'iyon'.
"STOP!"
Buong pwersa niya akong hinila kung saan. May isang eskinitang walang tao hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nagulat nalang ako ng marahas niya akong isandal sa pader. Galit na galit ang mga mata niya. Sobrang init rin niya at parang napapaso ako sa braso dahil sobrang diin ng hawak niya. Matamaan at malalim ang paraan ng pagtingin niya at nasasaktan ako abot hanggang kailaliman ng kaluluwa ko.
"Aayaw ka pa rin ba kung sasabihin ko sa'yong pinaglalaruan lang kita. Na hindi kita gusto at lalong hindi kita MAHAL. Na wala akong pakiealam sa'yo, dahil alam mo Rehm. Na-thrill ako sa'yo." Ngisi niya. "Na kung paanong mababaliw sakin ang katulad mo na... inosente, walang alam sa paligid, 'yung hindi self-centered. Nakakasawa na kasi 'yung mga naghahabol. Walang saya..."
Literal na dumudugo ang labi ko dahil nalalasahan ko na ang mala-metal na lasang nagmumula doon at dahil 'yon sa pagkakakagat ko. Sobrang diin na upang hindi ko na maramdaman ang sakit na dulot ng mga sinasabi niya.
"Pero katulad ka rin pala nila na kaunting mabulaklak na salita, bumibigay agad. Nabaliw kita. Pero instant celebrity ka naman nung naging tayo diba? 'Yung dating simple at tahimik naging paborito ng lahat. Dahil din sakin kaya ka napasama sa Eastrad na pinagsisisihan ko. Pero tapos na iyon. Gusto ko lang ipamukha sa'yong tapos na ang laro. Your time is up, Rehm. Thanks for a wonderful and challenging game. Yes, you are just a challenge for me kaso nagkamali ako madali ka rin palang makuha. But be thankful hindi ko kinuha ang virginity mo."
And with that I gave him what he deserved. I slapped him and kick his. FVCK HIM!