Kabanata 32

361 9 2
                                    

Sorry for waiting so long. Inayos ko lang para mas worth it. 'Yung una ko kasing ginawa parang lutang ako nung sinulat ko, so.. here it is. Thanks for supporting this story, anyway. Hi to all #SkyDragon fans out there! Saranghaeyo!


Burglar


"Anak baka gusto mong mamigay?"


Napatawa ako kay papa. Inilahad ko sa kanya ang hawak kong dried mangoes. Patuloy kami sa paglalakad dito sa parang bazaar na puro Pilipino items ang tinda. Sa nagdaang dalawang taon ay ngayon lang ako nakapunta dito dahil ngayon ko lang naman nalaman ito. Yes, it's been two years since I was migrated here. Many things happened and I'm thankful that all those are good. Kaya ngayon ay busy akong magliwaliw dahil natuyot ang utak ko noong nakaraang semester. I'm in my third year now, upcoming eventually.


"Pa. Nakausap ko si mama kagabi. Sabi niya nagkukulang na daw tayo ng tauhan sa resto." Sabi ko habang patuloy sa paglinga sa paligid.

"Oo nga eh. Nung isang araw niya pa iyan sinabi sakin. Tinatanong kung magdadagdag na raw ba. Ay sabi ko naman sige, alangan namang hayaan nating magkulang tayo sa tao."


Humalakhak ako at tumingin sa kanya. Inakbayan ko pa. "Ibig sabihin.. malakas ang restaurant pa!"

Tumango siya, nagpipigil ng ngiti. "Siguro."


Muli akong humalakhak. "Naku si papa, ngumiti ka na ng malawak!" hinawakan ko ang shoulder bag ko. "Ito na iyong pinapangarap mo na magkaroon ng restaurant at ngayon bumibenta pa sa madla! Kaya humagalpak ka na diyan!"

Tumawa naman siya. "Hindi lang ako ang nagpapatakbo niyon, Caeslei. Kasosyo ko ang mga tiyo mo."

"Kahit na. At saka success niyo 'yan." pumitik ako sa hangin. "Because of that, I'll treat you, pa. Tara!"


Umalis kami sa lugar. Nag-commute kami papunta sa madalas naming kainan. Nadiskubre ko ito unang taon ko palang dito kasama ang mga kaibigan ko nung i-celebrate ang debut ng blockmate namin at buong section ay imbitado.


Sa umaga ay isang simple at payapang kainan lamang ito ngunit pagdating ng alas nueve ay nag-iiba ang buong lugar. Manghang-mangha ako noon dahil first timer lang ako sa bar kaya sobrang natuwa ako. Yes, bar siya sa gabi. Tanggal lahat ng mesa at ang tanging lamesa ay nasa mga VIP at ang sa counter. Because once the party started people prefer to dance all night so they didn't bother if they have or haven't tables around.


Pati ang mga laserlights ay nakakaengganyong sabayan ng sayaw, drinks are everywhere and that was the first time I've tasted the bitterness of liquor. Pero hindi rin ako nakatagal dahil ilang shots palang ang nagagawa ko ay tumba na ko. Pinagalitan pa ako ni papa at ng mag-asawang Kwon kaya nangako akong lilimitahan ko nalang ngunit hindi pumayag si papa.


"Doon nalang tayo sa second floor, pa. Mahangin doon e." yakag ko kay papa nang makita kong uupo siya sa tabi ng glass window.


Umakyat kami at doon sumingaw ang malakas at nakaka-relax na hangin mula sa ibaba. Mga malalaking payong lang ang nagsisilbing silong sa bawat mesa kaya't ramdam mo pa rin ang sikat ng araw. Itinuro ko kay papa ang uupuan namin habang ako ay humawak sa railings upang silipin ang ibaba. Dumampi sa mukha ko ang hanging nakapagpataas ng balahibo ko dahil sa lamig, maybe winter will come soon. Tumingin ako sa harap at doon nakita ang luntiang kulay dahil sa mga halaman at mga kapatagan. Sa gabi naman ay kumikinang ang buong syudad ng London dahil sa mga city lights kaya't marami ang nawiwiling mag-star gazing dito.

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon