Kabanata 10

525 14 1
                                    


Malamig na hangin ang humampas sa mukha ko. Hindi ko maiwasang mapangiti. Alam ko kanina na kinikilig siya habang katabi ko siya. Natutuwa ako sa pamumula ng mukha niya. I find it cool, bakit siya mamumula sakin? Because she like me? Ha ha, that's not new for me but there's something in her expression that can caught my attention. Hanggang sa mas nakilala ko siya nang maging isa siya samin. Sa Eastrad. As I watched her dance, may kakaiba. Parang inaangkin niya ang stage, and no one can stop her. Ganun ang hinahanap namin, 'yung may passion hindi lang basta magaling magsayaw. Dapat 'yung mahal niya 'yung ginagawa niya. Humanga ako sa kanya, hindi lang pala pamumula ng mukha ang alam niya.


As the time passes na nakakasama namin siya—I had this affection towards her. I don't know if it's just because she's-not-that-head-turner-type-of-a-girl but when you saw her dance... bibigay ka. She has a strong charisma when she's on. Ibang-iba siya sa school, kaya nagugulat nalang kami sa mga nagagawa niya. Then our fans acknowledge her as a princess, so as we. We valued her like a queen and not just a princess.


"Malayo mararating niyan kapag nagpatuloy siya.." Luther commented habang nakatunghay kaming dalawa sa  kanya na mahinang tumatawa sa mga kasamahan namin na ginagawang laro ang practice. Well, what's new? We're always like this. Playing while practicing pero kapag seryoso... seryoso.


Tumango nalang ako at hindi sumagot. Bigla akong natakot. Kumunot ang noo ko. What if she will changed—I mean changed the way she dress. Iyong kailangan niyang ngumiti sa iba dahil kailangan. Iyong marami ng makakakita sa kanyang sumasayaw. Magiging madaldal na rin siya at kahit sino ay pwede ng kumausap sa kanya. Marami ng magkakainteres sa kanya.


That was the time I concluded that I fell—that fast and wasn't aware.


"Woists!"


Napitlag ako at napangiti. Umayos ako ng upo sa bato saka tinignan ang malawak na dagat sa harapan ko. Nandito kami sa seaview na ilang lakad lang ay mararating mo na ang park. Parang sa MOA, may uupuan kang bato tapos nasa harap mo iyong dagat.


"May problema ba?" inosente niyang tanong. Isa siguro ito sa nagustuhan ko sa kanya. Inosente pero hindi pa-birhen. Nakakainis kasi 'yung mga babaeng kunyari walang alam pero meron naman talaga.

"Naisip ko lang sila. Baka nagpatayan na.." nilingon ko siya at nakita kong napanguso siya ng kaunti at naawang ang bibig. Mahina ako napatawa. "Biro lang."

Huminga siya ng malalim. "Sana ok lang sila."


Imbis na sagutin siya ay may naalala ako. "May kapatid ka pala?" nakangisi kong sabi.


Napapikit siya at napakagat sa labi saka tumango. Nang marinig niya ang mahina kong ngisi ay nilingon niya ko ng nakakunot ang noo habang namumula ang buong mukha. Lalo akong natawa, parang ang sarap pisilin para lalong mamula.


Lalo pa siyang sumimangot. "Pinagtatawanan mo ba ko?!"


Sa puntong iyon ay hindi ko na napigilang mapahalakhak. Umiling saka.. "Bakit kita tatawanan? May nakakatawa ba?"


Naasar siyang tumitig sakin. "Ayan oh! Tumatawa ka nga! Kainis!" nagdabog siya at kinutkot ang kuko. Nag-angat siyang muli ng tingin pero binawi rin ng makitang nakangisi pa rin ako. What can I do? Hindi ko mapigilang matuwa sa kanya e... at iba ang natutuwa sa natatawa.

"Sige hindi na."


Ilang minuto ang dumaan at biglang tumahimik. Ayoko namang ma-bored siya sa katahimikan pero iba ang katahimikang ito. Hindi awkward. Parang ang sarap lang sa pakiramdam na andyan siya, mismo sa tabi ko na kahit walang nagsasalita alam kong komportable din siya. Sa bawat araw na nakakasama ko siya sa practice lalo akong naaatract sa kanya. Gusto ko makikita ko lahat ng kilos niya, dapat bawat buka ng bibig niya alam ko. Hindi ko alam pero parang ayoko siyang nawawala sa paningin ko. It's like I am smitten.

Really?...


Bago pa kung saan dumako ang isip ko ay niyaya ko nalang siyang mag-bike. May nirerentahan kasi dito, per hour ang bayad. The place has this relaxing feeling so mas masaya kung may mga recreational activities kayong gagawin. Nang matapos naming kausapin 'yung may ari ay may inilagay itong parang device sa bike namin. Sabi niya kapag time na namin ay tutunog ito at iilaw, well dalawang oras lang naman ang sinabi namin saka mamaya na daw kami magbayad kapag isinoli na namin 'yung bike. It's alright kung saan pa kayo makarating basta isasauli sa tamang oras.


Sumakay kami at napagdesisyunang kung saan-saan nalang pumunta. Wala naman kasi masyadong spot dito e. Kaya iikot nalang kami.


"Wag tayo dadaan sa malapit samin ha? Tumakas lang ako." sabi niya habang tina-try 'yung break saka sumakay.

Napatawa ako. "Bakit hindi ka nagpaalam?"

Parang nag-isip naman siya. "Baka hindi ako payagan e."

"Bakit?" napatawa ako. Ano kaya 'yun? Bakit hindi siya papayagan e, maaga pa naman saka wala namang mangyayaring masama.


Umayos siya ng upo at nakahanda ng pumidal. "Dahil kasama kita.." saka naunang umalis.


Sumunod lang ako kahit naguluhan ako. Nakarating kami ng palengke at nilagpasan iyon. Nasa gilid niya lang ako at pasulyap-sulyap sa kanya kahit may mga kasabay din akong sasakyan sa gilid ko.


"Hoy, Joshvann! Kapag ikaw bumangga ewan ko nalang sa'yo."

Humalakhak ako. "Hindi 'yan." binilisan ko ng kaunti ang pedal ko at hinarang siya. Napatigil naman siya habang nakakunot ang noo. "Race tayo."

Tumaas ang kilay niya saka tumingin sa tapos sa gilid namin kung nasaan ang mga pari't-paritong sasakyan. Saka tumingin sakin na tila nahihibang na ko. "Highway ito baka hindi mo nakikita?"

"Hindi naman tayo mababangga. Ako bahala sa'yo. Saka sa tabi naman tayo. Dali!"


Kumunot ang noo niya. "Ayoko. Hindi ako ganun kagaling sa bike. Kanina nga lang na may sumabay saking truck kinabahan na ko."

Tinagilid ko ang ulo ko at ngumisi sa kanya 'yung halos wala ng mata. "Edi diyan na din ako sasakay. Angkas kita."


"Abno ka ba? Paano 'yang bike mo? Saka.." tumingin siya sa likod kung saan siya uupo kung sakaling iaangkas ko siya. "Ayoko. Tapos ikaw ang driver. No way!"

Ngumuso ako. "Bakit naman? Ayaw mo nun mahahawakan mo 'yung kataw—


Napatigil ako dahil nakita ko ang isang pulang vios sa likod ni Caes na dire-diretso sa direksyon namin—ni Caes. Agad akong kumalas sa bike ko at hindi ko alam kung nadurog na iyon dahil sa pagkakahagis ko basta ang alam ko lang ay mahahagip si Caes. Hinila ko siya pababa sa bike kaya't natumba iyon dahilan upang masagasaan ito nung kotse. Tumigil ito. Nalula ako sa pagitan ko sa bumper nito! kaunting-kaunti nalang mahahagip na ko. Kahit malayo na ang naiatras namin ay dumire-diretso pa rin ito samin kaya't sobrang lapit na nito samin.


Agad akong kumilos at tinignan si Caes sa likod ko. Ngayon ko lang din napansin na halos masira ang damit ko sa pagkakakapit niya sakin. Nanginginig ang katawan niya kaya't bago pa siya bumagsak ay hinawakan ko na ang bewang niya. Nakatingin pa rin siya sa nayuping bisikletang sinasakyan niya kanina. Narinig ako ng kalabog kaya't lumingon ako at nakita kong bumaba na ang driver ng red vios.


Mitchy...

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon