Afraid
Nagsalita sa unahan ang mama at papa niya at maging siya ay unti-unti ng ipinapakilala sa lahat ng mga business partners at investors nila sa kompanya. Nagkita na rin kami ni Mr. at Mrs. Kwon at laking tuwa nila ng makita ako dahil hindi nila inaasahang nakaladkad ako ng anak nila dito. Tapos na ang programa at mga nakakaindak na musika na ang dumadagundong sa buong paligid.
Nagsimula ng magkainan ang mga bisita kaya't lalo akong nawala ng pag-asang makita o mapuntahan si papa, alam kong mas busy siya ngayon. Nagtipa nalang ako sa kanya ng mensahe na nandito ako bago hinanap ng mata ko si Seven. Iniwan niya ako dito dahil may kakausapin lang daw siya.
Buti nalang walang nakiki-share dito sa table namin...
Saglit ko pang tinungangaan ang pagkain sa harap ko at saka iyon ginalaw. Maya-maya pa'y natapos ako ng wala pa rin siya kaya tumayo na ko upang sumaglit sa lady's room. Nagtanong nalang ako sa isang waiter doon kaya hindi ako naligaw.
Lumiko lang ako sa isang hallway at agad ko iyong nakita. Hahawakan ko na sana ang doorknob ng may marinig ako sa kung saan.
"I'm sorry, I can't make it... please, don't! Listen.."
Kumunot ang noo ko. Seven? Boses iyon ni Seven. Sa palagay ko'y nasa kabila lamang siya, hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya dahil natatakpan ng pader ngunit sigurado akong siya iyon. Palapit na ako ng bumukas ang pinto ng men's room sa tabi ng lady's room at nang lingunin ko 'yon ay lumitaw ang mukha ni John.
Ngumisi siya. "Caes!"
Ngumiti rin ako. "Hey!"
Bago pa man siya makalapit ay may humaplos na sa baywang ko at madilim na ekspresyon na ni Seven ang nakita ko.
"What are you doing here?" mariin niyang sabi sakin ngunit na kay John ang paningin niya. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya ngunit lalo lamang dumiin.
Huminga ako ng malalim at hinarapa siya. Tumingin din siya sakin. "Mag-ccr ako!"
Labag sa loob na binitawan niya ko. "I'll wait you here." saka sumandal sa pader at inilagay sa bulsa ang cellphone saka humalukipkip.
Umirap ako, hindi siya inintindi. Bumaling ako sa seryosong si John. "You still have my number, right?" tumango naman siya kaya tumango rin ako sa kanya. Tinap ko ang balikat niya. "See you when I see you." ngiti ko.
Ngumiti din siya. "See you." saka kumindat.
Tinignan ko siyang naglakad palayo at nang makita ko sa gilid ng mata kong lalapitan ako ni Seven ay kumaripas na ko sa loob.
Kinamot ko ang noo at muling humikab. Ilang linggo nang nagsimula ang pasukan at kaunti palang tao sa room dahil maaga akong dumating. Tinignan ko ang orasan at kumunot ang noo ng makitang sampung minuto na ang nakalipas at wala pa rin si Aikah. Siya itong nagsabi ng pumasok kami ng maaga tapos siya pa ang late.
Nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko iyon. Napa-irap ako ng makita ang pangalan ni Seven sa screen. Sapilitang nakuha niya ang number ko dahil kung kani-kanino ko daw binibigay ang number ko. Ilang araw na ang nakaraan simula nung party, kinukuha niya na ang number ko noon pero hindi ko binibigay.