Kabanata 67

408 21 9
                                        

Mainit

Wala akong nagawa kundi ang humingi ng tulong. Napapikit ako nang pindutin ko ang number niya at nagsimula iyong mag-ring. I had his number because I need to talk to him about something serious, but not this time!

Huminga ako ng malalim. Sinagot niya ang tawag!

"H-hello?"

Walang sumagot ngunit ilang sandali pa ay natataranta siyang nag.. [H-hello?]

"Where are you?"

[Ah? Hah? Ay, po? N-nasa bahay na po.]

Kinagat ko ang labi. "Vinn.. please uhm uh, 'wag kang mataranta dahil natataranta din ako!"

[S-sorry. Ok, eherm..] tikhim niya sa kabilang linya. [Bakit po kayo napatawag?]

"Nasa bahay niyo ka ba?"

[Opo.] nahimigan ko ang pagtataka niya.

"Well, uhm.. nandyan ba ang kuya mo?"

[Si Vann? Wala po. Nasa bahay yata nila. Diba po magkakasama kayo?]

"Uhm.. humiwalay ako sa kanila e. Ok so, wala siya dyan?"

[Opo.]

"Ok, I need your help. Kaya ikaw ang tinawagan ko dahil alam kong ikaw ang makakatulong sakin. Mamaya ko na sasabihin sa'yo. Basta itetext ko sa'yo ang kinalulugaran ko. Please, sorry sa abala pero wala talaga akong maisip kundi ikaw."

[Sige po. I'm on my way.]

Binaba ko ang cellphone at umayos sa pagkaka-upo. That's Joshvinn or Vinn they're calling him. He is the younger brother of Vann.. yes, I know him. Hindi lang kami ganoon ka-close nung kami pa ng kuya niya. Isa rin siya sa bagong miyembro ng bagong Eastrad. And fate really is playing with us. He is the ex-boyfriend of my little sister, Calei. They broke up months ago because of some issues. Pero alam kong sa mga mata ng kapatid ko mahal pa rin niya iyong lalaking iyon. What a fate right?

Siguro.. siguro may pagkakamali rin ako at minsan ko ring hiniling na sana mag-break sila. I even warned her at nasasaktan pa rin ako ng mga panahong iyon. Dahil ayokong maranasan ng kapatid ko ang naranasan ko kay Vann, lalo pa't magkapatid sila. Natatakot ako. It runs through the blood right, so I assumed that we'll be in the same shoes. At iyon ang ayokong mangyari sa aking kapatid. She's so precious to me and I don't want her to go what I'd have gone through.

And now, I want to do something for them. I want them together because I can see that it is not just a puppy love... it is something that only few people can understand.

Kung kay Shontelle ako tatawag malamang ay sasabihin niya sa mga kasama namin kung nasaan ako. Kanina pa sila tawag ng tawag, hindi ko nalang sinasagot. Bumaling ako sa gilid ko, nakasandal siya sa aking balikat at nakapikit ang mata. Hindi ko alam kung tulog siya o ano, mahinhin ang kanyang paghinga e. Pagkatapos kasi ng litanya niya ay nanaig ang mahabang katahimikan. Magsasalita na sana ako ng biglang bumagsak ang kanyang ulo. Mabuti't nasalo ko kaya nandyan siya sa balikat ko ngayon.

Pero hindi siya pwedeng matulog ng ganyan pa ang itsura niya!

Maya-maya pa ay dumating si Vinn. He said he know how to drive a car. Akala ko motor lang ang kaya niyang i drive kaya medyo hesitant din akong tawagan siya kanina. Agad siyang sumakay sa kotse at iminiobra iyon.

"Paano ka natuto?"

"Hans." maikli niyang sagot. Si Hans ay isa pa sa miyembro ng bagong Eastrad, kaibigan din ng kapatid ko.

Napapansin ko ang pagtingin-tingin niya sa rear view tapos ay kukunot ang noong nakatingin sa daan.

"Si Seven. Binugbog ng kuya mo!" hindi ko mapigilang umirap.

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon