Kabanata 16

357 13 1
                                        

Kinabahan

Vann: Why are you with him?

Tinitigan ko ang message na iyon ni Vann sa viber. Ito iyong dapat na titignan ko kanina nung nasa sinehan kami ni Luther. May mga picture. Iyong paakyat kami ni Luther sa bus. Iyong kumain kami at nagtatawanan. Iyong hinila niya ako. Meron pang 'yung pumipili siya ng panunuorin namin. At hanggang sa makapasok na kami sa sinehan.

Tinitigan ko rin ang reply ko.

Me: Sabi niya kasi ay may meeting daw pero sinama niya lang ako para doon sa pagpili ng mga telang gagamitin natin.

Vann: You did not tell me. At alam mong hindi siya nagpapa-meeting ng kulang-kulang!

Me: Huwag ka naman magalit :( Akala ko kayo na ang mag-uusap tungkol doon kaya hindi ko na sinabi sa'yo. Nawala na rin sa isip kong itext kita na kasama ko siya. Sorry.

Pagkatapos nun ay hindi na siya nagreply. Humilata ako sa kama. Bakit nawala sa isip ko? Dahil hindi ko alam na dapat pala sinasabi iyon. Hindi ako ganun ka-eksperto sa relasyon kaya hindi ko alam ang mga do's ang don't's. At isa pa bago palang kami, hindi ko talaga alam na dapat pala ay sinasabi iyon. Sa susunod ay magpapaalam na ko.

Ang pinagtataka ko lang ay kung paano siyang nagkaroon ng ganung mga litrato. Imposibleng may sumusunod samin? Anu 'yun? Wala naman kaming ginagawang masama upang sundan ng kung sino. Muli kong inangat ang cellphone at sinubukang kontakin ulit siya ngunit hindi niya pa rin sinagot. Kanina pa ko nakauwi dahil simula ng makita ko iyong message niya ay sinabi ko kay Luther na kailangan ko ng umuwi.

Nagtaka rin siya kung bakit may pictures kami. Humingi nalang siya ng dispensa at tanging tipid na ngiti lang ang naisagot ko sa kanya. Hindi ko alam pero parang takot ako na kinakabahan na hindi ko malaman. Ito ang unang beses na sa tingin ko'y galit siya sakin. May kasalanan kasi ako, dapat sinabi ko sa kanya.

"Please, Vann.." kagat-labi kong bulong dahil puro ring lang iyong naririnig ko.

Halos mahimatay na ko dahil sa pagpigil ko ng hininga ng marinig ko ang senyales na may sumagot na sa kabilang linya.

"Vann.." walang sumagot kaya't tumikhim muna ako bago magpatuloy. "S-sorry.."

[Bakit ka nagso-sorry?"] nahimigan ko ang galit sa tonong ginamit niya.

"Kasi hindi ako nakapagpaalam."

[Don't do that next time.] sabay buntong-hininga. [Akala ko kaya ka nagso-sorry dahil makikipag-break ka na. Kinabahan ako, Caes..]

Nalaglag ang panga ko kaya't kinagat ko ang labi. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngunit nangibabaw ang emosyong gusto ko siyang makita. Paano niyang naiisip na makikipaghiwalay ako, hindi ko iyon magagawa dahil hindi ko kaya! Huminga ako ng malalim.

"Hinding-hindi ako makikipag-break sa'yo. Tandaan mo 'yan. Akala ko nga ikaw dahil sa mga nakita mo. Pero maniwala ka, wala kaming ginagawang masama. At saka kilala mo si Luther."

[I know.. it's just a picture. I know it is some of our fans na against satin. Sinisiraan ka nila sakin kaya sa'yo ako maniniwala. At hindi rin ako papayag na makipaghiwalay ka sakin, kahit sampu pa ang lalaki mo dahil uubusin ko sila.] saka humalakhak.

Napangiti na rin ako dahil ayos na kami. Ito ang isa sa mga nalaman at lalo ko pang nagugustuhan kay Vann hindi agad siya nagagalit. Pinapakinggan niya muna ang lahat ng side kaya madaling naaayos ang problema.

[I miss you babe..]

Ngumuso ako. "Same here."

[Takas tayo?]

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon