Kabanata 3

725 18 1
                                    

Don't Cry


Inhale.


Exhale.


Paulit-ulit na chant ko sa sarili dahil kanina pa ako hindi mapakali. Ayaw magproseso sa isip ko ng dahilan ko kung bakit ako napunta dito habang itong katabi ko ay nagkukutkot lang ng kuko. Hindi na mapakali 'yung pwet ko kahit nakaupo lang naman ako. Muli akong tumingin sa paligid at katulad kanina ay maingay iyon at maraming kababaihan at kalalakihan ang nasa gilid, nagpe-prepare. Mayroon pang nagpa-practice.


Siniko ko si Shon. "Ayaw ko na talaga, frend.."


Nag-angat siya ng tingin. "Nandito na tayo e. Saka nasabi ko na kay kuya na tayong dalawa ang mag-audition."


"Eh kasi naman. Andami-daming tao. Nakakahiya."


Umismid siya. "Hayaan mo nga. Baka nga mag-stand out ka pa sa mga iyan e.." irap niya. Kanina kasi ay reklamo siya ng reklamo dahil sa mga babaeng walang ginawa kundi ang tumingin at magpa-cute sa malaking salamin ng studio-ng ito. Oo, nandito ako sa studio ng Eastrad, kung saan gaganapin ang audition at ang tanging naging dahilan ko lang ay gusto kong makita ang pinagpa-praktisan nila.


At siyempre makita siya...


"Nakakainis! Akala mo naman ikagagaling nila iyang mga make-up nila. Halos matabunan na ang mga mukha nila sa sobrang kapal e. Baka malito pa ang Eastrad kung tao ba sila o foundation na tinubuan ng mukha!"


Natawa ako at marahang hinila ang buhok niya. Inggrata e. Medyo ayos na ang pakiramdam ko at hindi na ganun kabilis ang tibok ng puso ko. Ano ba kasi itong pinasok ko! Kinuha ko nalang sa bag ang earphones ko upang muling mapakinggan ang sasayawin ko mamaya. Sabi kasi ni Shon, mas maganda daw 'yung hiwalay kami-meaning individual kami hindi duo. Diba, mas lalo akong prinessure!


Nang mapakinggan ko ang kanta ay nagsimula nanamang tumibok ng mabilis ang puso ko. Tama bang ito ang sayawin ko? Nakakahiya talaga! Wala naman kasi silang alam kung ano ako kapag nagsasayaw? Ok, sige hindi ko nalang ibibigay ang best ko. Iisipin ko tuod ako na biniyayaan ng paa. Hindi ko nalang kakaririn. Tama, tama. Sabi na matalino ako e.


Bahagya lang sumasayaw ang ulo ko sa beat. Nakita kong kinuha din ni Shon ang earphones niya. Sinabi niya rin sakin na mas gusto niya daw 'yung on the spot 'yung sayaw kapag solo ka lang. Kasi kapag daw nandun na siya sa stage o kapag magpe-perform na siya doon niya ibinubuhos lahat ng skills niya, kaya pangit daw 'yung nagko-choreograph pa kasi may tendency na makalimutan mo pa 'yung step na binuo mo, so might as well give your best shot sa actual. Isinandal ko nalang ang ulo ko sa malaking salamin sa studio at itiniklop ang tuhod. Tumingala nalang ako at tinignan ang puti nilang kisame.


Nakita ko sa peripheral vision ko na nagsi-upuan na ang mga nakatayo kanina na nagpa-practice. Hindi ko nalang iyon pinansin. But, I stiffened when the door caught my eyes-it's open! At ang malala ay pumapasok na ang miyembro ng Eastrad! Umayos ako ng upo kahit nag-uumapaw ang kaba sa dibdib ko. Nakita kong tahimik na pumasok si Luther, kasunod ang kuya ni Shon na si Clae na hinampas ng bimpo sa ulo si Kirt dahil siniksik siya nito dahil sumabay ito sa pagpasok sa pinto ni Clae. Nagsipasukan pa ang ibang miyembro hanggang sa isinara na ang pinto!

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon