Something's missing
Kinagat ko ang labi at pinahid ang iilang butil ng pawis sa aking noo. Tinignan ko ang aking damit at basa na ang leegan niyon sa pawis, ramdam ko rin sa buong likod ko ang pagkabasa nito. Sinilip ko ang kabilang dulo ng inaayos kong bagong kurtina at nang matiyak na hindi iyon malalaglag ay bumaba na ko sa silyang tinutungtungan ko. Itinaas ko ang laylayan ng maluwang kong suot na damit at muling nagpunas sa mukha. Nilibot ko ang paningin sa buo kong kwarto.
Haaah! Fresh na fresh sa mata!
Nag-inat inat muna ako bago inayos ang naka-bun kong buhok na ngayon ay gulo-gulo na. Nakakapagod maglinis ng kwarto! Kahit hindi naman ito masyadong marumi ay iba pa rin 'yung ililipat mo sila sa ibang lugar upang mag-iba naman ang itsura nito. Ang bigat kaya nung kama ko!
Pinulot ko ang mga kalat na inilagay ko sa isang garbage bag. Napatigil ako ng makita ko ang isang malaking box na kulay maroon sa tabi nito. Napahinga ako ng malalim bago ito kinuha. Inilagay ko ito sa aking kandungan ng maupo sa kama. Ilang segundo ko pa siyang tinitigan bago tuluyang buksan at napasinghap nalang ako ng makita ang laman nito.
Ang mga collection ko. My squidward collections.
Nangingiwi kong kinuha ang isang stuff toy na squidward din at itinapat ito sa mukha ko. Ito ang kauna-unahang stuff toy ko na squidward na nanggaling sa isang tao na siya ring naging dahilan kung bakit ko nagustuhan ang pusit na ito. Namanhid ako sa pagdagsa ng ala-ala. The shadows from the past are kept coming back, drowning and waving me 'till death. They're hunting me endlessly as if they want to refresh all the scars that almost fading away.
"Wala kasing hello kitty eh. Eto lang 'yung nakita ko. Next time si hello kitty na o kaya si minnie mouse?"
Tumawa ako habang pinagmamasdan ang stuff toy na inabot niya sakin pagkatapos ng practice. "Ang cute kaya. Ayos na ito." at muling humalakhak. Kulang nalang ay sumabog ang puso ko sa kilig! Unang beses na may nagbigay sakin ng ganito at siya pa kaya umaapaw ang ligaya ko!
Ngumuso siya at alam kong nagpipigil siya ng ngiti ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mata dahil nawala ang mga ito. His eye smile, napangiti ako lalo. "Sigurado ka? Eh diba mahihilig ang mga babae kay hello kitty?"
Ngumisi lang ako at hindi na napigilan ang sarili. Niyakap ko siya... mahigpit. Halatang nagulat siya ngunit agad ding nakabawi. "Hindi ako mahilig kay hello kitty, Vann. At kung mahilig man ako, papalitan ko nalang... si squidward nalang."
Kasabay ng paghalakhak niya ay ang pag-agos muli ng sakit sa aking dibdib kaya natauhan ako at muling nagbalik sa sarili. Hindi ko napansing napapahigpit na ang hawak ko sa stuff toy at nanginginig na ang kamay ko. Hinagis ko na lang ito sa kahon at tumayo. Hinilamos ko ang aking mukha at pinasadahan ang aking batok.
Bakit ba ang sakit-sakit pa rin...
Muli kong sinilip ang kahon. Itatapon ko na ba ang mga ito? Pero sayang dahil napakadami na niya, may naiwan pa nga ako sa pilipinas. Pagkatapos ng ilang taon ay ngayon ko nalang ulit ito nakita, at kahit lumipas na ang maraming taon ay tila sariwa pa ang mga sugat. Bakit hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung ano bang nangyari para maging ganoon ang relasyon namin?
Bakit ba ang dami pa ring bakit?..
Natigil nalang ako sa pag-iingay ng phone ko. Nanlaki ang mata ko ng mabasa ang pangalan ng nasa screen. Kanina lang ay iniisip ko, kaya ko na ba? Ang lakas ng kabog ng puso ko!
Tumikhim at inayos ko muna ang sarili bago sinagot ang tawag. Kabadong-kabado ako sa muli naming paghaharap. Nakakahiya rin dahil pawis na pawis akong haharap sa kanya.