No way
Humalakhak si Vann pagkakita sa reaksyon ko. Umiling si Luther at saka sabay na silang tumawa, nag-high five pa sila at tinignan ang nakahalukipkip na half smile na si Kirt sa sulok. Lumapit siya at ginulo ang buhok ko.
"Naniwala ka naman?" muli siyang humalakhak.
Kumunot ang noo ko. "Joke lang 'yun?"
Tumawa si Luther. "Baliw iyang boyfriend mo. Hindi sa world of hiphop pero pupunta tayong America para sa isang competition doon. Laging may representative ang pilipinas sa kompetisyong iyon."
Kumurap-kurap ako. Ito na ang pinaka malayo at pinakamalaking kompetisyon na sasalihan namin. Sa tinagal ko sa Eastrad hanggang Luzon at Visayas lang ako dahil nakarating na silang CDO nung wala pa ako at mga orihinal na miyembro pa.
"Ready tayo by next week ha? Bubuo na tayo ng concept dahil sa August na iyon. Alam kong Mayo palang ngayon pero kailangan nating maghanda ng mas maaga dahil may screening pang gagawin."
Tumango nalang kami. Na-eexcite na ko. Hindi pa ko nakakarating ng America at hindi pa ako nakakapag-perform abroad! Kumain muna kami at nagkwentuhan. Nang mag-ring ang cellphone ni Luther. Kumunot ang noo niya at huminga ng malalim bago bumaling samin ng nakangiti.
"Sagutin ko lang.."
"Fvck you, man. Bading 'yang ganyang gesture." Natatawang sabi ni Vann.
"Same to you, man. That's what you called privacy." Saka tuluyang umalis.
Ngumisi ng maliit si Kirt. "Ayoko ng madagdagan ng isa pang baliw na kaibigan dahil sa pag-ibig Vann. Pigilan mo iyon.."
Sumingit ako. "Bakit? Baka importante lang 'yun.."
"Tch babe. Babae iyon."
Umirap ako. "Hindi siya hihingi ng privacy kung hindi importante 'yung tao. At hindi naman porket importante, babae."
Tumingin sakin si Kirt kaya nagbaba ako ng tingin. Nakakatunaw e! "Babae iyon. Trust us.."
Edi babae, hindi mo kailangan tumingin ng ganyan...
Pagbalik niya ay mabigat ang kanyang hinga. Pabagsak siyang umupo at diretsong ininom ang softdrinks sa bote. Gusto ko sana siyang tanungin ngunit naramdaman kong huwag nalang dahil alam kong naramdaman din iyon ng dalawa ngunit hindi sila nagtatanong. Bakit kaya ganito 'yung mga boys, kahit may napapansin ayaw magtanong? Sa halos araw-araw ko silang kasama nalaman ko kung gaano sila ka-open sa isa't-isa at katahimik pag may ibang tao. Parang palakasan nalang ng pakiramdam. Iyon bang self-explenatory na lang at hindi na kailangang itanong pa.
Madalas kaming lumabas ni Vann. Nakakatawa nga minsan dahil kailangan pa naming magtago pero syempre masakit din para sakin at alam kong kahit naiintindihan niya ay nalulungkot din siya. Kaya lagi kong sinisigurado na hindi ako magkukulang sa kanya.
Nagse-surf lang ako sa phone ko ng may lumabas sa notif ko. Binuksan ko iyon at nakita ang isang post sa page ng Eastrad. Kaming dalawa ni Vann—sigurado akong siya ang nag-post nito. May isang heart na nakalagay sa caption. Marami agad ang nag-comment at nag-like. Ilang buwan na rin simula nung i-public namin ang relasyon namin ni Vann. Inasahan ko ang mga bash na matatanggap ko ngunit kabaligtaran niyon ang nangyari, bagkus ay maraming sumuporta samin. May iilang hindi maiiwasang magalit pero mas marami pa din ang mga sumusuporta. At natutuwa ang puso ko sa pagtanggap na iyon.
